"Kailan pa naging kayo ni Harris? Kailan mo siya sinagot? Totoo bang kayo na?" Sunod-sunod na tanong ni Fuschia kay Pinky. Hindi kasi siya makapaniwala sa ibinalita ng huli. "Kahapon." "Kahapon?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Fuschia. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Pinky. "You're kidding, right?" "No, I'm Pinky---aray! Salbahe ka!" Nakangusong sabi ni Pinky. Bigla kasi siyang binatukan ng kanyang kaibigan. "Seryosong usapan 'to, Kray! Huwag mo nga pairalin ang kapurulan ng utak mo. Kayo na ba talaga ni Harris?" "Huh?" Maang na tanong ni Pinky. Hindi niya kasi naiintindihan ang kaibigan. Napatampal naman sa kanyang noo si Fuschia. "Oy, congrats Pinky!" "Bagay kayo ni Harris." "Grabe! Talagang kayo na nga!" "Oy! In loved na ang human doll natin!" Nagsilapitan kay Pinky