"Okay ka lang?" Kunot-noong tanong ni Pinky kay Harris. Nagtaka siya kasi bigla na lamang itong tumahimik pagkatapos niyang sagutin. "Oy..." Sinundot niya ito sa tagiliran. Galit ba si Harris? O napipi na siya? Anang isipan ni Pinky. Naglalakad na sila papanhik sa second floor ng ICT building. "Harris?" Sinundot niyang muli ito sa tagiliran ngunit hindi ito nagsasalita. Hanggang sa nakarating sila sa classroom ay hindi siya nito pinansin. "Pumasok ka na..." matamlay na wika ni Harris. Ngumuso naman si Pinky. Pakiramdam niya galit ito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama ah. "Harris, galit ka ba--" "Para sa'yo." Ibinigay nito sa kanya ang dalang tulips at isang box ng chocolates. Tinanggap naman iyon ni Pinky ngunit nagtataka pa rin siya sa ikinikilos ni Harris. "Alis na ako