MABILIS na itinago ni Pinky ang hawak na boxer shorts sa kanyang likod kahit na kitang-kita naman iyon ni Harris. Patay malisya pa siyang umiling. "A-ah..." "Bakit mo kinuha 'yan?" Inilapag ni Harris ang dalang tray at lumapit sa kanya. Taranta naman niyang ipinasok sa loob ng kanyang palda ang boxer shorts. "Pinagsasabi mo? W-Wala akong kinukuha 'no!" "Meron." "Wala nga!" "Meron eh. Nakita ko." "Wala 'no! Namamalikmata ka lang!" "Meron talaga." "Wala nga talaga!" Harris grinned and ran behind her back. Umatras naman si Pinky. "E ano 'to?" Hinablot ni Harris ang dulo ng boxer shorts na kitang-kitang isinuksok ni Pinky sa kanyang bewang. "Waah! Akin 'yan!" Itinaas ni Harris sa kanyang kamay ang hawak niya. At dahil maliit si Pinky ay hindi niya ito maabot. "Anong sa'yo? Akin 't