NAGNINGNING ang mga mata ni Pinky nang makita ang isang baso ng apple juice. Hindi niya pinansin ang nakatungangang si Harris at dire-diretso itong nilagok, walang hinga hinga. Dumighay pa siya ng pagkalakas-lakas pagkaubos ng juice. Noon lamang natauhan si Harris. "Thank you!" Wika ni Harris na may halong sarkastiko. Ngunit wala manlang reaksyon si Pinky. Ngumiti pa ito at nag- "approve" sign. "Tsk! Crazy!" Harris murmered. Kinuha niya ang libro at nag-umpisang magtanong kay Pinky. "So... What are the two types of cell?" Seryoso niyang tanong ngunit nagulat siya sa isinagot ni Pinky... . . . "Aba, malay ko. Ikaw ang may hawak ng libro, ako tinatanong mo." Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Harris. Sapol siya do'n! "Pag ako hindi nakapagpigil isisilid kita sa bulsa ko." "Huh?"