ILANG beses na nagpabalik-balik si Pinky sa harapan ng kanyang kaibigan. Paano kasi pinagalitan siya kanina ni Professor Fenis. Mababa na naman kasi ang kanyang score sa huling quiz nila. Kailangan pa naman niya ma-maintain ang 3.0 niyang grade para lalong maging proud sa kanya ang kanyang inang reyna. Hindi siya puwedeng ma-fail sa finals. Tiyak uulitin na naman niya ito sa susunod na semester kung mamalasin siya. Sawang-sawa na kaya siya sa pagmumukha ng kanyang professor. "Magtigil ka nga, Kray! Ako ang nahihilo sa'yo eh," reklamo ni Fuschia. Umupo naman si Pinky at hinihilot-hilot ang kanyang sintido. Animo'y pasan niya ang buong sanlibutan. "Ano kaya kung takutin natin si Prof? Sasabihin ko sa kanyang magbibigti ako pag binagsak niya ako sa Biology. Tapos pag namatay na ako, siya a