CAR RACING‼️

1315 Words
SA ISANG STREET CAR RACING sa isang lugar sa New York, nagpunta si Thisa. Madaling araw nila ito ginagawa, para wala nang mga sasakyan sa mga kalsada. Malaki ang pustahan nila sa bawat magkakarerang mga sasakyan, kaya maraming pumupunta rito na manunuod at makikipusta. Dahan-dahan na pumasok sa linya ang kotse ni Thisa, saka iparada sa tapat ng isang yellow Ferrari. Bumaba si Thisa, dala ang isang sobreng may lamang pera. Gusto niyang maglaro ngayong gabi, upang malibang siya sa kanyang mga pinagdadaanang problema. Sa ganitong paraan ay makalimutan niya ang mga dinadala niyang problema. "Thisa Ang, the queen of the racers. How are you? You've been off the road for a long time. Where in the world have you been?" napalingon si Thisa, dahil sa boses ng babaeng nagsalita. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nakangiting humarap si Thisa sa babae, at pabiro niya itong sinagot. Na-miss din niya ang babae, dahil sa tagal na niyang hindi ito nakakasama. "Kany Toleza, you don't seem to have any plans today, my dear? You're missing out on potential earnings if you don't go out and work." sagot ni Thisa. Humalukipkip din siya at pinagmasdan ang babae. Naisip niyang wala pa rin ipinagbago ang kanyang kaibigan. Pati ang pananamit nito ay ganon pa rin. Kahit malamig ang panahon ay laging kapos ang tela ng damit nito. "I'm done making money for now, my love. What about you? I bet your bank account is overflowing with all the money you've been making." sagot naman ng babae na nagngangalang Kany Toleza. Si Kany Toleza ay isa sa mga kaibigan ni Thisa, at kasama sa organization na kinabibilangan niya. Isang Filipino-American si Kany at katulad ni Thisa ay isa rin itong brat. "We're both in the same boat, my love. Kaya huwag kanang magmalinis." sagot ni Thisa, saka inilapit ang kanyang bibig sa may tainga ni Kany, at bumulong "Sa parehong paraan lang tayo kumikita ng pera. P*m@p@tay tayo ng tao, para sa pera." pabulong na sabi ni Thisa sa kaibigan. Nakangiti lang si Kany, dahil totoo naman ang sinabi sa kanya ng kaibigan. Pareho silang assassin at pum@p@tay ng tao, para magkapera nang malaki. "So, are you ready to make some money again?" tanong ni Kany kay Thisa. Napatingin din ang babae sa dalang sasakyan ni Thisa. Palihim pa itong humanga, dahil sa ganda ng sasakyan na dala ni Thisa. "That's why I came here, Kany. I'm going to race and make some money." sagot ni Thisa, saka ipinakita ang hawak niyang sobre na pang pusta sa gagawin niyang pakikipag karera. Napangiti naman si Kany, dahil alam niyang hindi nagbibiro si Thisa. "What are you waiting for? Place your bet so you can join the race." excited na sagot ni Kany, saka niya hinila ang kaibigan, palapit sa namamahala ng car racing. AGAD naman na tinanggap ang pusta ni Thisa, at siya ang itinapat sa isang sikat na car racer ng California. Dumayo pa ang car racer na ito sa New York, upang maranasan ang street car racing nila doon at ma-experience niya ang makipag karerehan ng sasakyan sa mga kalsada sa New York City. Magkatapat ang kotse ni Thisa at ang kotse ng isang isang lalaking car racer sa California. Pareho silang nakatingin sa babaeng sexy na nasa harapan nila at may hawak na puting panyo sa magkabilang kamay nito. Ito ang magbibigay sa kanila ng hudyat, upang paandarin ang kanilang mga sasakyan at magkarerehan. Parehong nakahanda ang mga sasakyan nila at malakas nila itong pinapaugong, para uminit ng husto ang makina, at para mabilis silang makalayo mamaya. Ang finish line nila ay sa mismong pinagmulan din nila. Bale, iikutin lang nila ang isang lugar, saka muling babalik. Nang ibaba ng babae sa harapan nila ang uting panyo na hawak nito ay mabilis silang humarurot ng takbo. Halos magkasabayan din silang dalawa, at wala ni isa ang gustong magpatalo. Mahigpit pa'ng kumapit si Thisa sa handle sa gilid niya, nang liliko na siya para hindi siya masadsad sa gilid. Nakangiti pa si Thisa sa loob ng kanyang kotse, habang lumilipad ito sa bilis. Hanggang sa madaanan nila ang isang kanto na may nag-iikot na mga pulis, kaya sinundan sila ng mga pulis. Mas binilisan pa ni Thisa ang pagpapatakbo sa kanyang kotse, para mauna siyang makarating sa kanilang finish line. May pinindot din si Thisa na button sa tabi ng kanyang gear shifter at bigla na lang may umapoy sa likod ng kanyang kotse at para itong jet na biglang lumipad patungo sa kanyang pinanggalingan. Nakita pa ni Thisa ang mga taong nagsisigawan at may winawagayway na mga panyo sa gilid ng daan nang makarating siya sa lugar. Lumampas siya sa lugar at tuloy-tuloy na umalis, upang hindi siya masundan ng mga pulis. Mabilis naman na kinuha ni Kany ang pinanalunan ni Thisa at mabilis na tumakbo patungo sa kanyang kotse at mabilis din niyang pinasibad ito, patungo sa dereksyon ng pinuntahan ni Thisa. Nagkagulo din ang mga nanunuod na kasali sa pustahan, dahil paparating na ang mga pulis. Halos hindi nila malaman kung saan sila sasakay, dahil sa pagkabigla sa pagdating ng mobile car ng mga City Police. Tawa ng tawa sina Thisa at Kani, matapos nilang makarating sa Condo ni Thisa. Nag order din sila ng mga pagkain nila, dahil pareho silang gutom pagbalik sa bahay. "Walang hiya ka! Kinuha mo naman yata lahat ang pera doon, bakit ang dami mong dala?" tanong ni Thisa sa kaibigan. "Parating na kaya ang mga police, kaya hinakot ko na agad, kahit hindi pa nabibilang. Basta ikaw ang nanalo sa laban, kaya sa 'yo ang pera." pa-irap na sagot ni Kany, saka muling kinagat ang hawak niyang Pizza. "Baka may alak ka dyan, bes, ilabas mo na para masimulhan na natin mag celebrate." tanong din niya kay Thisa at muling kinagat ang Pizza. Ibinaba naman ni Thisa ang hawak niyang double cheese burger na kinakain niya at kinuha ang isang bote ng Martell sa kanyang cabinet. Kumuha din siya ng dalawang baso at nilagyan ng ice, saka muling bumalik sa kinauupuan nila sa Living Area. Inilapag muna ni Thisa sa ibabaw ng glass coffee table ang mga baso at isang bote ng Martell, saka muling bumalik sa kusina. Kumuha siya ng Schweppes tonic water, para sa mixer nila. Masayang nag-usap ang magkaibigan, habang nag-iinuman sa Sala. Kahit malasing silang pareho ay nasa loob naman sila ng condo ni Thisa, kaya walang problema. Dahil sa tagal nilang hindi nagkita na magkaibigan ay hindi na rin nila namalayan na naubos na nila ang laman ng malaking Martell. Tawa sila ng tawa, dahil sa mga napag-uusapan nilang puro naman kalukohan nila. "Bes, alam mo para kang Filipino. Mas magaling ka pa yata sa akin magtagalog. Saan mo ba natutuhan ang pagsasalita ng malalim na tagalog, ha?" tanong ni Kany, halata na rin sa boses nito ang kanyang pagkalasing. "Nag-aral ako, Kany, kaya magaling akong magtagalog." sagot naman ni Thisa, sabay tawa ng malakas. "Tinatawanan mo Ba ako?" naniningkit ang matang tanong ni Kany sa kaibigan. "Hindi, kinikiliti lang ako ni Martell." sagot naman ni Thisa, saka sila parehong tumawa ng malakas. "Ikaw, bakit ka tumatawa? Nakakatawa ba ako?" tanong naman ni Thisa sa kaibigan. "Hindi! Si Martell kasi, sinusundot ako." sagot naman ni Kani, sabay tawa ng malakas. Napuno ng tawanan ng dalawang babae ang loob ng condo unit ni Thisa. Mabuti na lang at sound proof ang bahay ni Thisa, kaya walang makakarinig sa kanilang dalawa na malakas na nagtatawanan sa sala. Hanggang sa kapwa na sila nakatulog, dahil sa kalasingan. Nagbukas pa kasi si Thisa ng isa pang Martell, kaya nalasing sila ng husto. KINABUKASAN ay nagising ang dalawa dahil sa pagtunog ng kanilang mga cellphone. "MISSION ALERT!" ito ang nabasa nilang pareho sa kanilang mga cellphone. Pareho silang nagulat at bahagyang natanggal ang kanilang hangover, dahil sa nabasa. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD