BUMANGON si Thisa mula sa malaking Sofa na tinulugan niya at mabilis na binuksan ang email na natanggap niya. Naka pikit pa ang isa niyang mata na tumingin sa screen ng kanyang cellphone, dahil antok na antok pa rin siya. Ilang oras lang kasi ang tulog nilang magkaibigan, dahil umaga na sila natapos sa kanilang pag-iinuman.
Umayos din sa pagkakaupo si Kany, at binuksan ang kanyag email. Kinusot pa niya ang kanyang mata, upang maging malinaw ang kanyang paningin at mabasa ang nilalaman ng email na natanggap niya.
Parehong nalaki ang mga mata ng magkaibigan, dahil ngayong gabi na sila pupunta sa kanilang Missiøn. Sa Maryland ang susunod nilang Missiøn at magkasama din silang magkaibigan na pupunta ng Maryland para buwagin ang isang malaking Laboratory ng mga gamot doon. Pinaniniwalaan na ang malaking Laboratory na iyon ay gumagawa din ng mga high grade Çøç@in̈è at mga Tablets na nakasisira sa buhay ng mga kabataan sa America at maging sa iba't-ibang bansa kung ibenta nila ito sa ibang bansa.
"Hølly sh!t! 5 Million USD ang bayad bawat isa sa 'tin. Makakabili na ako ng kagaya ng kotse mo bes..." Malakas na sabi ni Kany. Bigla din nawala ang kanyang antok at nangati pa ang kanyang mga palad, dahil sa nabasa niyang 5 Million USD na matatanggap niya pagkatapos ng kanilang Mission.
"Mukhang mahirap ang trabahong 'to, Kany. Tayong dalawa, laban sa isang malaking Syndicate?" sagot ni Thisa. Parang nakikita na rin niya kung paano dadan@k ng dügø sa lugar, kapag napasok na nila ito. Hindi sa natatakot si Thisa sa kanyang bagong Missiøn, na-a-awa lang siya sa mga taong madadamay sa kanilang gagawing pagpuksa sa isang malaking Syndicate ng ďŕùgś sa Maryland.
Ngunit ang kanilang saya na nararamdaman ay napalitan ng takot, dahil narinig nila na may nagbubukas sa pintuan ng Condo ni Thisa. Bigla din itinago ng dalawa ang kanilang mga Cellphone, dahil nakita nila ang pagbukas ng pinto. Mabilis na inilagay ni Thisa sa loob ng kanyang Mesh br@ ang kanyang Cellphone at si Kani naman ay isiniksik ito sa kanyang pùsøn, para hindi makita ng taong papasøk sa loob ng Condo. Wala kasing bulsa ang suot niyang maliit na skirt, kaya sa puson na niya ito isiniksik.
Parehong kinakabahan ang magkaibigan, dahil alam nila kung sino ang nagbubukas ng pinto. Nanlalaki din ang mga matang napatingin ang dalawa sa ibabaw ng coffee table, dahil sa dami ng mga kalat rito. Nakagat na lang ni Thisa ang kannyang labi, dahil sa takot. "Patay ako nito!" Sa isip-isip ni Thisa.
"What the hęll happen here? Bakit ang kalat ng bahay at ang bahu!" Tanong ni Bruce, nang makapasok siya sa loob ng Condo ni Thisa. Salubong rin ang makakapal niyang kilay at parang gustong sunugin ng paningin nito si Thisa. Naka hawak din sa ilong niya ang lalaki, dahil sa matapang na amoy ng alak na nakulob sa loob ng Condo.
"B-Bruce!" Kinakabahan na pagtawag ni Thisa sa Fiancee niya na bagong dating. Alanganin din ang kanyang ngiti, dahil alam niyang mapapagalitan na naman siya ni Bruce.
"Anong kalat ito, Thisa, Kany!? Kababae niyong mga tao, pero ganito kayo kakalat. Talo niyo pa ang mga laking squatter sa ginawa niyo dito sa Condo." Pasigaw na tanong ni Bruce, sabay bagsak ng pintuan at lumikha ito ng malakas na tunog na ikinagulat ng dalawa.
Napanginig pa ang dalawang babae, dahil sa gulat nila sa malakas na pagbagsak ng pintuan. Bakas din sa mukha ni Bruce ang galit dahil sa nadatnan nitong kalat sa loob ng kuwarto. Ang mga pinagkainan nila ng Pizza ay nasa sahig na at ang mga french fries naman ay nagkalat sa paligid, dahil sa ginawang pagbabatuhan nina Thisa at Kany, habang nag tatawanan nang malasing na sila. Ang isang hiwa ng Pizza ay nakadikit na rin sa gitna ng flat screen tv at ang mga buto ng fried chicken ay kung saan-saan nila inilagay. Pati ang Pringles ay nagsabog ang laman sa sahig at ang iba ay nadurog na rin dahil naapakan.
"N-Nagkatuwaan lang k-kami ni Kany, kagabi. M-Matagal kasi kaming hindi nagkita, kaya naparami ang inom namin." Alanganin na paliwanag ni Thisa. Nakangiwi na rin siya, dahil sa hiya niya kay Bruce.
"Tumayo kayong dalawa dyan at linisin lahat ang kalat niyo dito. Ayaw kong may makita kahit maliit na kalat sa paligid, kundi itatali ko kayong pareho sa upuan at papasakan ng tag-isang boteng Martell ang mga bunganga niyo, para magtanda kayong dalawa." utos ni Bruce sa dalawang babae. Itinuro din niya ang dalawa, kaya napatuwid ng tayu sina Thisa at Kany. Mabilis din itong naglakad si Bruce, patungo sa silid nito.
"Hala, nagalit si fafa Bruce." pabulong na wika ni Kany, kay Thisa.
"Hayaan mo na, ayaw talaga niyang nakakikita ng kalat, kaya biglang umusok ang ilong niya sa atin dahil ganito kakalat ang Living area." sagot naman ni Thisa.
"Hindi kaya naglilihi si fafa Bruce?" Tanong ni Kany sa kaibigan.
"Baka nga." Pagsang-ayon naman ni Thisa sa sinabi ni Kany.
"Ilang buwan na kaya?" Muling tanong ni Kany.
"Sampung buwan!" Mabilis na sagot ni Thisa, saka sila nagtawanan na dalawa.
"Maglinis na tayo, bes, baka muling lumabas si fafa Bruce, mapagalitan na naman tayo." Pagyaya ni Kani, saka mabilis na pinulot ang mga nagkalat na boxes sa sahig. "Ouch! My head! Bes, mukhang galit din si Martell sa akin, pinukpok niya ulo ko." Baliw na wika ni Kany sa kaibigan.
"Ako din, bes. Mukhang ayaw na yata sa akin ni Martell ko!" Sagot naman ni Thisa, saka hinawakan ang kanyang ulo.
"Bes, baka kailangan na natin palitan si Martell. Kay Johnny Walker na lang kaya tayo, baka mahal tayo no'n." Tanong ni Kany.
"Baka mas malala ang abutin natin sakit ng ulo kay Yeye Johnny, hampasin tayo ng hawak niyang walking stick no'n." Sagot naman ni Thisa.
"Bakit may tungkod ba si Lolo Johnny, hindi ko alam yun ah." Napapaisip na tanong ni Kany, hindi kasi niya matandaan kung may hawak ngang walking stick ang Johnny Walker.
"Meron bes, kay Martell na lang tayo. Sa kanya lang may forever, forever sakit ng ulo!" Pabirong sagot ni Thisa. Tumatawa din siyang pumasok sa kusina, upang kumuha ng walis at dustpan, para mahakot lahat ang mga kalat nilang magkaibigan.
Inisprayhan din ni Kani ng dissenfectant ang ibabaw ng table at screen ng TV, saka pinunasan itong mabuti. Kinuha naman ni Thisa ang Vaccum cleaner at binaccum ang Sofa kasama ang ilalim nito, dahil nag-aalala siyang may mga french fries din at chips sa ilalim ng upuan. Dinala din niya sa kusin ang mga ginamit nilang baso at plato, saka ibinalik sa lagayan.
Matapos nilang maglinis ay nagpaalam na si Kany, upang makauwi na ito sa kanyang bahay at makapaghanda sa kanilang pag-alis mamayang gabi. "Bes, alis na ako. Magkita na lang tayo mamayang gabi." paalam ni Kany sa kaibigan. Binuhat din niya ang garbage bag na nilagyan nila ng basura, upang itapon sa baba.
"Sige, bes, mag-iingat ka. Kung hindi mo kayang mag-drive, sakay kana lang sa taxi pauwi." Bilin ni Thisa sa kaibigan.
PAGKAALIS ni Kany ay agad din nagtungo si Thisa sa kanyang kuwarto, saka ni-lock ang kuwarto. Mabilis din niyang kinuha ang kanyang Cellphone, mula sa kanyang dibdib at kinonnect sa charger. Malapit na kasi itong ma-Low battery. Kailangan pa naman niya ito mamayang gabi, dahil sa kanilang Missiøn ng kaibigan. Excited din siyang muling makasama si Kany sa Missiøn, dahil napakasaya nitong kasama. Kahit sa gitna ng panganib ay nagagawa pa rin nitong magpatawa, kaya na-miss niya ng husto ang kaibigan.
MULING nagbabad sa bathtub si Thisa, upang matanggal ang kanyang hangover. Naglagay na naman siya ng Cucumber mask, para matanggal ang kanyang eyebag. Nilagyan din niya ng clay mask sa kanyang mukha, upang manumbalik ang kanyang fresh skin. Naparami na naman siya ng inom ng alak, kaya sigurado siyang mag dry skin na naman siya, kapag hindi niya ito inagapan. Nagtagal ng 30 minutes si Thisa sa loob ng bathtub, para maka relax siya ng husto, bago ito umahon sa tubig.
Matapos magbabad ni Thisa sa bathtub ay nag shower din siya at tinapos lahat ang kanyang mga routine sa banyo. Nang lumabas si Thisa ay nagbihis naman siya ng maganda, dahil ayaw ni Bruce na naka suot lang siya ng maliit na shorts at malaking T-shirt lang. Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang aabutin niya mula sa lalaki, kapag hindi nito sinunod ang gusto ni Bruce.
Muling lumabas ng kuwarto si Thisa at nagtungo siya sa kusina, upang tingnan ang laman ng kanyang refrigerator. Napangiwi si Thisa, dahil wala siyang makitang kahit anong laman nang napaka laking refrigirator. May isang apple na laman ang kanyang vegetable chiller, ngunit nangulubot na ang balat nito at hindi na puweding kainin.
"Sweetheart, I'm hungry." boses ni Bruce.
Biglang napa unat ng likod si Thisa, dahil sa gulat niya sa boses ni Bruce. Nagugutom ito, pero wala siyang kahit anong puweding i-offer sa lalaki.
"Wait lang sweetheart, tatawag ako ng food delivery. Ano pala ang gusto mo'ng kainin?" Tanong ni Thisa. Lumapit din siya kay Bruce, at niyakap niya ito.
"Ako na ang mag-order, umupo kana lang. Mukhang magdamag kana naman gising at nag-inom pa. Nangingitim na ang paligid ng mata mo." Sabi ni Bruce. Inakbayan din niya si Thisa at dinala sa Sofa at doon sila umupong dalawa.
Habang tumatawag si Bruce ay nakayakap naman si Thisa sa katawan ng lalaki. Nakasiksik din ang mukha ni Thisa sa dibdib ni Bruce, habang ang kanyang isang kamay ay nakayakap sa leeg ng lalaki.
Hinayaan lang siya ni Bruce, dahil alam nito na inaantok pa si Thisa. Nang matapos itong maka order ng kanilang pagkain ay ipinahiga muna niya si Thisa sa Sofa, upang magtungo sa kusina. Binigyan pa niya ng pillow ang babae, upang may mayakap ito.
Kumuha ng Birds Nest with Collagen si Bruce sa lagayan at binuksan ito, saka inilagay ang bote sa loob ng bowl, saka nilagyan ng mainit na tubig ang loob ng bowl. Hinayaan niyang mababad ito sa mainit ng ilang minuto, saka niya dinala kay Thisa.
"Get up! Drink this, para mabilis mawala ang hangover mo. Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa kukoti mo at naglasing kana naman ng ganito. Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na huwag kang iinom ng sobra, dahil makakasama iyon sa kalusugan mo. Ang tigas ng ulo mo, Thisa. Para kang bata na mahirap turuan." Litanya ni Bruce sa dalaga, habang pinapabangon niya ito. Kahit malumanay itong magsalita ay tumatagos naman sa puso ang bawat kataga nito.
"Sorry na, nagkatuwaan lang talaga kami ni Kany, kaya kami naparami ng inom." Sagot ni Thisa sa lalaki. Kinuha din niya ang maliit na bote na hawak ni Bruce at ininom ito.
"Saan kayo galing na dalawa? Alam kong may kalokohan na naman kayong ginawa sa labas, kaya kayo magkasamang umuwi dito?" Tanong ni Bruce. Tinitigan din niya sa mata si Thisa, upang malaman nito kung nagsasabi ng totoo ang babae o hindi.
"Nagpunta kami sa street car racing." Pag-amin ni Thisa sa lalaki. Agad din siyang nagbaba ng paningin, dahil biglang nagdilim ang mukha ni Bruce.
"Are you insane, Thisa!? Hindi mo ba naisip na baka nakilala ka sa labas at makaladkad sa scandal ang pangalan mo? My god, Thisa! Hindi ka ordinaryong tao na kapag nahuli ng police ay walang pangalan na masisira. Walang media na magtatanong. Walang company na magdedemanda sa 'yo, dahil dala-dala mo ang mga pangalan nila. Hindi lang dito sa America, maging sa ibang bansa kung saan ka nakakarating para irampa ang mga damit na design ng mga kilalang designer. May pinermahan ka sa kanila, Thisa, kasama iyon ang pag-iwas mo sa kahit anong uri ng gulo, dahil makakaladkad din ang magandang pangalan nila, kapag nahuli ka." Galit na galit na sumbat ni Bruce. Napahilamos din siya ng kanyang mukhaa, dahil sa biglang pagsakit ng kanyang ulo.
"Bruce, sorry. Pero nag-iingat naman ako, hindi rin ako makikilala ng mga tao, dahil sa ginagawa kong paglalagay ng make-up."Sagot ni Thisa.
"Magpahinga ka muna, Thisa. Pupunta tayo sa bahay ng parents ko mamaya, for dinner." Sabi ng Bruce. Tumango lang si Thisa, bilang pagsang-ayon.