NAG LANDING ANG EROPLANO na sinasakyan ni Thisa sa John F. Kennedy International Airport. Agad na bumaba si Thisa at nagtungo sa Immigration, para pumila. Mabilis naman siyang naka labas dahil kompleto naman siya ng mga kailangan niyang papeles.
Paglabas ni Thisa sa Airport ay agad naman siyang tumawag ng Taxi at sumakay, saka nagpahatid sa kanyang Condominium doon. Habang patungo ang Taxi sa lugar kung saan siya nakatira ay nakatanaw lang sa labas ng bintana si Thisa. Pinagmamasdan niya ang mga nagtataasan na building sa New York City. Matagal na siyang nakatira sa New York, ngunit ngayon lang niya napagmasdan mabuti ang mga nagtataasan na gusali sa New York City. 2 pm pa lang sa New York, kaya kitang-kita niya ang ganda ng buong paligid.
Pagdating naman niya sa kanyang Condo Unit ay pabags@k siyang humiga sa kama, dahil muli na naman siyang nakaramdam ng pagod ng kanyang katawan. Tahimik lang na humiga sa kama si Thisa, habang nakatitig sa kesame ng kanyang kuwarto. Napaka layo din ng kanyang isip, kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras.
Gabi na siya muling nakabalik sa kanyang realidad. Sa sobrang lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi na rin niya naalala na hindi pa siya nakabibihis. Pati ang suot niyang sapatos ay naka suot pa rin sa paa niya.
Tumayo si Thisa mula sa pagkakahiga niya sa kama at pumasok sa loob ng kanyang banyo. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Kinuha niya ang telepono at nag dial, para maka order ng kanyang pagkain.
Habang naghihintay ng kangyang order si Thisa ay naghanda na rin siya para sa kanyang paglabas. Nagsuot siya ng fitted black leather pants at mesh brã, saka sinapawan ng black leather jacket. Naglagay din siya ng peking nunal sa kanyang noo at kinapalan ang kanyang make-up, para hindi siya makilala. Naglagay din siya ng napakahabang eye lashes at ang labi niya ay pinakapal niya ito ng husto. Dala din ng galing niyang mag contour ng kanyang mukha ay nagbago ang hugis ng kanyang mukha at kahit saang anggulo ito tingnan ay hindi na siya si Thisa Ang. Naglagay din siya ng long blond wig sa ulo, upang itago ang kulay black niyang buhok. Isinuot din niya ang kanyang leather gloves at winter boots na hanggang tuhod, at dito niya itinago ang kanyang mga gamit. May inilagay siyang hølster sa kanyang magkabilang paa at dito niya inilagay ang maliit niyang bar*l at patal*m. Isinuot din niya ang kanyang paboritong belt na ginagamit niya sa kanyang mission. Kakaiba din ang belt na suot niya, dahil kung titingnan ay isa lamang itong simpleng chain belt na para sa mga babae, ngunit ito ay matibay at kayang maka kitìł ng buhay ng tao. Ang mga nakabitin na bilog-bilog sa bandang kaliwa ng kanyang baywang ay may lumalabas na usok na nakakapag patulog sa tao, kapag ito'y tinanggal sa pagkakasabit nito.
BINUKSAN ni Thisa ang pinto, upang kunin ang kanyang order na pagkain. Agad din siyang kumain, dahil gutom na gutom siya. Binuksan din niya ang kanyang ref. para kumuha ng maiinom. Iced Lemon Tea lang ang nakita niya sa loob, kaya ito na lang ang kinuha niya at agad na ininom. Nakita rin niya ang isang galon na Low Fat Milk sa ref, kaya tiningnan niya ang expiration ng gatas. Expired na ito, kaya binuksan niya ang galon at itinapon ang laman sa lababo saka inilagay sa basurahan ang empty container. Itinapon din niya ang mga pagkain na matagal na sa loob ng kanyang ref. May isang box pang Pizza at chicken na nakalagay sa loob. Ito yung mga huling binili niya noon bago siya umalis.
Matapos mailigpit lahat ni Thisa ang kanyang mga kinainan ay saka pa lang siya umalis ng kanyang bahay. Sa Basement Carpark siya dumeretso, upang kunin ang kanyang kotse doon.
Paglapit ni Thisa sa kanyang kotse ay napangiti pa siya rito. "Hello there, my baby! Are you ready to rock'n roll?" sambit ni Thisa, saka hinaplos ang kanyang bago at napakamahal na Porsche Mission X na color gold. Kinakausap pa niya ito na parang tao. Kung sasagot lamang sa kanya ang kotse, marahil magrereklamo ito sa kanya, dahil sigurado itong sasagarin na naman ni Thisa ang speed limit nito at kung saan-saan na naman ito patakbuhin.
Sa New York City lang siya nagkaroon ng ganito kagara at kamahal na sasakyan. Wala pa kasi ito sa Pilipinas, kaya wala pa ito sa mga collection niya doon sa kanyang Mansion. Pero balak niyang ipadala ito sa Pilipinas, upang doon gamitin.
Binuksan ni Thisa ang kanyang kotse at umupo sa driver's seat. Pinaandar niya ito at hinayaan na uminit ang makina ng ilang minuto. Matapos na painitin ang makina ng kotse ay saka pa lang siya umalis sa parking lot.
Eleven pm na sa New York, ngunit ang buong City ay gising na gising pa. Ang daming sasakyan at tao sa paligid.
Sa isang Disco Bar siya nagtungo. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa isang parking lot sa labas ng building. Inayos pa niya ang kanyang blonde na buhok at sinuklay ito, saka muling naglagay ng pulang lipstick sa labi, bago siya bumaba at nagtungo sa entrance ng Disco Bar.
Napakahaba ng pila sa labas ng Disco at lahat ng nakapila doon ay inip na inip na sa paghihintay na makapasok sa loob. Ngunit wala sa bokabularyo ni Thisa ang pumila at maghintay ng mahabang oras, para makapasok sa loob . Mabilis siyang naglakad patungo sa Guard. Dinig na dinig din sa paligid ang malakas na tunog ng heels ng kanyang boots, kaya napapalingon ang mga tao sa kanya. Pero walang paki alam si Thisa, dahil trabaho ang ipinunta niya sa Disco Bar na iyon at hindi ang magsayaw.
"Hello honey!" pagbati ni Thisa sa guard at medyo inilapit ang kanyang katawan sa lalaking mataba at hinawakan niya ito sa baywang, sabay siksik ng tinuping dollars sa likod ng pantalon ng lalaki, saka tinapik ang pùw*t nito.
"Hi honey, what takes you so long?" abot hanggang tainga ang ngiti ng lalaki, habang pinagmamasdan ang sexy na katawan ni Thisa. "Come in, my dear. Enjoy!" sabi pa nang lalaki sa kanya. Tumabi na rin ito sa daan upang magbigay ng daan kay Thisa.
"Thank you, honey, see you later...." malambing na sagot ni Thisa, saka ito nag flying kiss at kumindat sa Guard. Sinalo naman ng Guard ang imaginary kiss niya at itinapat pa sa puso nito at tila dinuduyan na hinatid ng tingin si Thisa, hanggang makapasok na ito sa loob ng Disco Bar.
Galit na galit naman ang mga taong nakapila sa labas, dahil sa ginawa ng Guard na pagpapapasok kay Thisa sa loob, kahit kararating lang nito ay agad itong nakapasok sa loob na hindi pumipila. Ang iba ay ibinato pa ang suot nilang sapatos sa Guard at galit na galit nilang pinangmumura ito.
TULOY-TULOY naman na nagpunta sa Dance floor si Thisa at nakisayaw sa mga taong sumasayaw doon. Sinabayan niya ang mga ito sa pag indak, ngunit ang kanyang mga mata ay mayroong hinahanap sa loob. Hanggang mapagod na si Thisa sa kakasayaw, kaya minabuti niyang umupo.
Sa isang madilim na bahagi siya umupo at nag order din ng kanyang inumin. Habang umiinom siya ay hinahanap naman ng kanyang paningin ang kanyang target. Isa itong Ðŕùgʻ Ĺørd at matagal na itong hinuhuli ng mga otoridad. Ngunit madulas ito at hindi sila makakuha ng solid evidence para ma-issuehan ito ng warrant. Pinapaniwalaan din ng mga otoridad na may ugnayan ito sa C@rtèl sa Mexico.
Naka dalawang baso na si Thisa ng makita niya ang kanyang hinahanap. Galing ito sa isang table sa isang madilim na bahagi ng Disco Bar, kaya hindi niya ito makita kanina.
Agad na tumayo si Thisa at pasimple niyang sinundan ang lalaki sa Comfort Room. Mabuti na lang at walang bodyguard ang lalaki, kaya natuwa si Thisa dahil mapapabilis ang kanyang trabaho. Nang makatapat na si Thisa sa may pintuan ng Men's Room ay mabilis siyang pumasok sa loob nito na parang wala lang. Nakita niya ang lalaki sa harapan ng lababo at naghihilamos, kaya mabilis niyang kinuha ang suot niyang belt at dahan-dahan itong lumapit sa kinatatayuan ng lalaki. Agad niyang isin@k@l sa leeg ng lalaki ang hawak niyang chain belt at hinila niya ito upang humigpit ng husto sa leeg ng lalaki.
Nagulat naman ang lalaki, at mabilis nitong hinawakan ang chain. Kahit anong hila naman ng lalaki sa chain ay wala siyang nagawa, dahil sa lakas ni Thisa. Hanggang sa unti-unti itong nanghina at nawalan nang hininga, habang nakadilat ang mga mata. Naka labas din ang kanyang dila, dahil sa hirap na dinanas niya.
Agad na hinila ni Thisa ang lalaki at dinala sa loob ng cubicle, saka ni-lock ang pinto. Inakyat ni Thisa ang wall sa pagitan ng dalawang cubicle, saka siya bumaba sa kabila. Nag flash din siya ng toilet bowl, para magmukhang gumamit siya ng kubeta, bago siya tuluyang lumabas.
Tiningnan muna niya ang magkabilang bahagi ng hallway, bago siya tuluyang lumabas at bumalik sa kanyang kinauupuan kanina. Muli pa siyang nag order ng kanyang inumin, saka sumayaw ng ilang beses, bago siya tuluyang lumabas sa Disco Bar.
Palabas na si Thisa nang Disco ng magkagulo sa loob, dahil nakita na ang lalaki sa loob ng Cubicle toilet na walang buhay. Parang walang nangyari na naglakad si Thisa palabas ng Disco at muling binati ang matabang Guard at kinawayan pa ito, bago siya nagtungo sa kanyang kotse.
Mabilis na pumasok sa loob ng kanyang kotse si Thisa at pinaharurot ang kanyang sasakyan, palayo sa lugar. Pinindot din niya ang isang button, upang palitan ang Plate Number ng kanyang kotse. Tinawagan din niya ang kanyang Boss, upang ipaalam ang tagumpay nang kanyang mission.
"TRANSACTION ALERT
DEAR SIR / MADAM,
You have received US$ 2,000,000,00 on 2* SEPTEMBER 20** from Sky Oasis to your account via Bank Transfer.
This is a auto-generated message.
Please do not reply to this email."
Napangiti si Thisa, dahil sa bilis nang pagpasok ng kanyang pera. Walang kahirap-hirap na nagkaroon siya ng malaking halaga. Agad din niyang ipinasa ito sa isa pa niyang account, upang hindi na ito mabawi sa kanya ng nagbigay. Sa susunod na mga oras ay muli niyang ipo-forward ang pera sa iba pa niyang account, at muling i-forward ng ilang beses, hanggang makarating ito sa totoo niyang Bank Account. Sa paraang ito ay para hindi masundan ang track ng pera at hindi malaman kung kanino ito napunta.
Sa trabaho ni Thisa ay kailangan niyang maging maingat, upang hindi siya mahuli ng mga kinauukulan. Kahit mga matataas na tauhan ng Gobyerno ang kanyang mga Boss ay walang magagawa ang mga ito, kapag nahuli siya. Kasama ito sa mga patakaran ng kanilang samahan, kaya kailangang niyang mag doble ingat.