LADY HAWK‼️
WARNING‼️
This story is a product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental.
THE WORLD'S MOST WANTED (SSPG!) is protected by copyright. It may not be reproduced, in whole or in part, in any form or by any means, without the written permission of the author. The sale of unauthorized copies of this story is prohibited by law and will be subject to prosecution.
*******
"Come back to us alive, Lady Hawk. I know you're skilled, but the battle you're facing is dangerous. Be careful. May god guide you in your mission." Bilin ng isang mataas na opisyal ng Mexico kay Lady Hawk. Ito ang kumuha ng service ni Lady Hawk, para iligtas ang anak ng isang kilalang Businessman sa kamay ng mga Rebelde na dumukot rito.
Isang kilala at mayamang businessman ang nagbayad ng malaki, para sa sevice ni Lady Hawk, upang iligtas ang nag-iisa nitong anak sa kamay ng mga r*belde. Kasama rin siya sa loob ng Military Plane at katabi pa nito si Lady Hawk. Patungo ang Military Plane sa isang kabundukan ng Mexico, upang dalhin si Lady Hawk sa location ng kanilang target. Malayo sa kabihasnan ang lugar kung saan dinala ang biktima.
"Be careful, Lady Hawk. I trust you, and I know you will succeed in this mission and bring my daughter back safely to me." Sabi ni Mr. Rodriguez.
"Thank you, Mr. Rodriguez. Please just pray for my safety. I will do everything in my ability to get your daughter from her abductor safely, sir." Sagot ni Lady Hawk. Inayos na rin niya ang kanyang Parachute, at tumayo sa may pinto ng eroplano.
Naka suot si Lady Hawk ng overall black at may mask din siya, upang hindi siya makilala ng sino man. Naka suot siya ng black leather gloves, para hindi makita ang kanyang kamay at hindi makapag iwan ng finger print sa kahit saan. Ang suot niyang tactical boots ay may mga nakatagong armas na siya lamang ang nakakaalam kung paano ito gamitin. Ang suot niyang belt ay ginagamit din niya sa kalaban na parang latigo at kapag isinakal niya ito sa leeg ng tao ay mabilis na mawawalan ng hininga ang kanyang kalaban. At ang suot naman niyang jacket ay hindi tinatablan ng b*la at kahit anong uri ng metal na ginagamit sa geyera. Mayroon din siyang secret kn*fe na nakatago sa ilalim nang manggas ng suot niyang jacket. Napapaikutan din ang kanyang katawan ng mga bar*l at bala, kasama na ang mga gr*nad@ at iba pang gamit sa pakikipaglaban. Mabigat ang dala ni Lady Hawk, ngunit sa kakaiba niyang lakas ay kaya niyang buhatin ang lahat ng iyon.
"Radio in immediately, Lady Hawk, if you need backup." Habilin sa kanya ng general na kasama nila. Isa itong Military General sa bansang Mexico.
"Yes, sir." Maikling sagot ni Lady Hawk, saka niya hinila at inikot ang lock ng pinto ng eroplano, upang bumukas ito. Dahan-dahan naman na bumukas ang pintuan ng sinasakyan nilang Military Plane. Inilagay muna ni Lady Hawk ang kanyang goggles para makapag mulat siya ng mata sa ere. May inilagay din siyang maliit na oxygen sa kanyang ilong at tinakpan ito ng mask, saka niya isinuot ang kanyang helmet. Ni-lock din niya ang opening ng suot niyang helmet, upang hindi tumaas ang harang nito. Nasa 15,000 ft ang taas nila, kaya kailangang kompleto siya sa diving gear, upang hindi siya mapaano, habang nasa ere siya. Nag sign of the cross pa siya, bago siya tumalon, pababa sa location ng kanyang target.
"Godspeed, Lady Hawk." narinig ni Lady Hawk, na wika ng General, bago siya tumalon. Napangiti na lamang si Lady Hawk, dahil sa narinig.
Sanay na sanay na si Lady Hawk sa ganitong Mission. Hindi lang ito ang una niyang pagtalon mula sa aircraft. Dahil matagal na niya itong ginagawa para maka pasok siya sa lungga ng mga kalaban na hindi siya nakikita ng mga bantay sa paligid. Para siyang hawk na lumilipad, matapos siyang tumalon at mabilis na bumulusok pababa. Nasa isang lugar siya ngayon sa Mexico, upang iligtas ang anak ng isang mayamang tao sa bansang Mexico. Bago siya tuluyang makarating sa lupa ay hinila naman niya ang button, upang lumabas ang kanyang Parachute at mag slowdown ang kanyang pagbagsak sa lupa. Muling tumaas si Lady Hawk, dahil sa pagtaas ng kanyang parachute. Hanggang saunti-unti rin siyang bumababa sa malapit sa hideout ng mga rebelding dumukot sa dalaga na anak ng isang mayamang negosyante sa Mexico.
Matapos na makababa si Lady Hawk sa lupa ay mabilis din niyang hinila ang kanyang parachute, upang muli itong ibalik sa dati nitong ayos. Kakailanganin pa kasi niya ito mamaya, kaya muli niya itong iniligpit. Matapos niyang maayos ang parachute ay patakbo naman siyang lumapit sa isang bahay sa hindi kalayuan. Mabilis ang kanyang takbo, ngunit wala naman maririnig na yapak, kaya hindi siya namalayan ng mga bantay sa paligid na nakalapit na sa kanilang hideout.
Inilabas ni Lady Hawk ang kanyang Military kn*fe at dahan-dahan niyang nilapitan ang isang lalaki na nakatayo sa may malapit sa puno. Nagtago muna si Lady Hawk sa likod ng puno at kumuha ng magandang teyempo. Nang masiguro niyang walang nakakakita sa lalaki ay inilang hakbang lang niya ito at biglang hinwakan ang bibig ng lalaki mula sa likuran nito, kasabay naman ng ginawa niyang pag gilit sa leeg ng lalaki.
"HHHHGK!" Tanging maririnig sa lalaki, hanggang sa unti-unti na itong bumagsak sa lupa, Agad din na hinila ito ni Lady Hawk, patungo sa madilim na bahagi at doon itinago.
Muling lumabas si Lady Hawk, upang gapangin ulit ang ibang mga bantay. At sunod-sunod na nga ang ginawa niyang paglaslas ng mga leeg ng mga bantay sa paligid, saka niya hihilahin ang mga ito sa madilim na bahagi. Matapos na masiguro ni Lady Hawk na wala nang mga bantay sa paligid ay doon pa lang pumasok si Lady Hawk sa bakuran ng bahay.
Parang ipo-ipo ang bilis ni Lady Hawk na pumasok sa loob ng bakuran at mabilis din siyang nagtago sa gilid ng pader, upang hindi siya makita ng mga kalaban. Sinilip din ni Lady Hawk ang loob ng bahay mula sa maliit na butas sa pader, upang malaman niya kung may tao ba sa loob nito o wala.
Nakahanda ang mahabang bar*l ni Lady Hawk at nakatut*k ito sa kanyang harapan, upang madali sa kanya na kalab*tin ito oras na mayroong kalaban na humarang sa kanyang daan.
Habang papalapit si Lady Hawk ay may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan, kaya muli siyang nagtago . Hinugot niya ang kanyang Military kn*fe at mabilis niya itong ibinato sa lalaki. Nagpa ikot-ikot pa ang Military kn*fe, bago ito nakarating sa gawi ng lalaking nakatayo at tumar*k ito sa may batok ng lalaki. Kitang-kita ni Lady Hawk ang unti-unting pagluhod ng lalaki, hanggang tuluyan na itong bumagsak sa lupa.
Muling kumilos si Lady Hawk at umakyat na ito sa isang pader, upang doon siya dumaan patungo sa pinaka loob ng luma at sira-sirang bahay. Inakyat niya ang mga pader na wala nang bubong at bintana, saka mabilis siyang tumakbo sa taas ng pader.
Hanggang sa muli siyang napatigil at nagtago sa madilim na bahagi, dahil may sumigaw na isang kalaban. Nakita nito ang kasama niya na wala nang buhay at may nakatar*k pang patal*m sa may batok nito, kaya nagtawag ito ng mga kasama.
"Compañeros, el enemigo ha entrado! Prepárense todos!" Sigaw ng lalaki, gamit ang salitang Spanish. Tinatawag niya ang kanyang mga kasamahan at sinasabing may kalaban sa paligid.
Biglang naglabasan ang mga kasama nito at hinanap nila ang kanilang mga kalaban. Ngunit sa pagtataka ng mga ito ay wala naman silang makitang tao sa paligid, ngunit unti-unti silang na u-ubos na magkakasama. Bigla na lang bumabagsak ang mga lalaki na nakatayo, habang mahigpit ang hawak nila sa kanilang mga bar*l. Hanggang sa iilan na lang sila, kaya takot na takot silang pumasok sa loob ng lumang bahay, upang magtago sa loob nito at masabihan na rin ang kanilang pinuno.
"Jefe, ¡el enemigo ha entrado! Muchos de nuestros compañeros están muertos, pero no podemos encontrar dónde están nuestros enemigos." Pahayag ng lalaki sa kanilang boss, gamit ang salitang espanyol.
Bakas din sa mukha nito ang matinding takot, dahil nakita niya kung gaano kabilis ang kanilang kalaban. Hindi rin nito alam kung ilan ang kanilang kalaban, dahil mabilis siyang nagtago kanina, upang hindi siya mahagip ng bala ng kalaban nila. May Silencer ang gamit nitong bar*l, kaya hindi niya malaman kung saan ito nagtatago. Ngunit kitang-kita niya kung paano isa-isang bumagsak ang kanyang mga kasama na sab*g ang mga ulo.
"Prepárense todos, no dejen que el enemigo entre aquí." Utos din nito sa mga tauhan niya. Kinuha din ng pinuno ang kanyang armas at naghanda para sa pagsalubong sa kanilang kalaban.
Kanya-kanya sila ng tago sa loob, upang paghandaan ang pag pasok ng kanilang kalaban. Ngunit bigla na lang silang nagulat, dahil sa isang bagay na umuusok sa harapan nila at hindi rin nila alam kung saan ito nanggagaling. Unti-unting napahiyaw ang mga lalaki at bumagsak sa sahig na sumisigaw sa sobrang hapdi ng kanilang mga mata. Inubo rin sila ng inubo, dahil sa tapang ng tear gas na nalanghap nila.
Lumabas si Lady Hawk, mula sa kanyang pinagtataguan at mabilis niyang nilapitan ang mga lalaking namimilipit sa sakit ng kanilang mga mata. Hindi na rin makapagmulat ng mata ang mga ito, dahil sa hapdi.
Dumaan pa si Lady Hawk sa pagitan ng mga lalaking nakahiga sa sahig, habang namimilipit sa sakit ng kanilang mga mata at walang tigil sa kakaubo.
Hinanap din ni Lady Hawk kung saan nakatago ang dalaga na kailangan niyang iligtas. Pumasok siya sa isang madilim na hallway at doon niya nakita ang dalaga sa loob ng isang kuwarto na naka gapos ang kamay at paa. May plaster ang bibig na nakahiga sa papag.
Kahit madilim ang paligid ay nakakakita si Lady Hawk, dahil sa suot nitong night vision glasses. 2 in1 ang suot niya, kaya pwede din ito sa liwanag. Isang imbention ito ng kanilang organization at sila pa lang ang gumagamit nito.
Mabilis na hin*wa ni Lady Hawk ang mga lubid na ginamit na pangtali sa kamay at paa ng dalaga at tinanggal din niya ang plaster sa bibig nito.
"Estella Rodriguez, come with me. I'll get you back to your family. I promise I won't let anything happen to you. I'm your friend." Sambit ni Lady Hawk sa dalaga. Inilahad din niya ang kanyang palad, upang may makapitan ang dalaga na takot na takot sa kanya.
Tumayo na rin ang dalaga at humawak sa kamay ni Lady Hawk. Kahit natatakot siya sa ayos ng kanyang taga pagligtas ay tinanggap pa rin niya ang kamay ng babaeng gustong magligtas sa kanya. Napawi lang ang kanyang takot, dahil sa boses ng babae na napakalamyos at tila ang bait na tao nito.
Agad na nilagyan ni Lady Hawk ng gas mask ang dalaga, upang hindi nito malanghap ang tear gas sa dadaanan nila palabas ng lumang bahay.
Muling sinulyapan ni Lady Hawk ang kanyang wrist watch upang malaman niya kung ilang minuto pa ang natitira sa kanya, upang makalabas ng buhay sa lugar na iyon.
"Five minutes! We have to get out of here, this place is going to blow! They're targeting this building, we need to move now!" Pagmamadali ni Lady Hawk sa dalagang nailigtas niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ng dalaga at mabilis silang tumakbo palabas.
Kailangan nilang makalayo sa lugar, bago ito pasabugin ng mga Military Plane na sinakyan niya kanina. Tumakbo sila pabalik sa kung saan siya nag landing kanina at doon din sila maghihintay ng susundo sa kanila.
Hindi pa nakakalayo sina Lady Hawk at Ms. Rodriguez sa lugar ay bigla na lang itong sumab*g, kaya mabilis niyang hinila ang dalaga, patungo sa likod ng malaking bato at doon sila nagtago na dalawa.
Lady Hawk is renowned as a skilled warrior, hired for dangerous missions. She specializes in taking down criminals who evade the law, traveling to all corners of the world to carry out her assignments, entrusted to her by high-ranking officials. However, Lady Hawk's identity remains a secret, and no one knows her true self.