MANILA PHILIPPINES‼️

1511 Words
MANILA, PHILIPPINES. PAGLABAS ni Thisa sa Custom ay agad niyang inilagay sa mata niya ang dala niyang Sunglasses. Nilugay din niya ang mahaba at itim niyang buhok, upang pantakip ito sa kanyang mukha. Naka damit lang din siya ng simpleng black oversized shirt at maluwang na pantalon, para itago ang sexy niyang katawan. Ayaw kasi ni Thisa na may makakilala sa kanya sa Airport at magpa-picture sa kanya, dahil aksaya lang iyon sa kanyang oras. Isa sa ayaw ni Thisa ay ang naaabala siya at nagtatagal sa loob ng Airport. Paglabas niya sa glass door ng Exit sa Airport ay tumigil din ang kotseng susundo sa kanya sa harapan, kaya mabilis siyang sumakay rito at isinara ang pintuan. Agad din umalis ang kanyang kotse, upang hindi na sila habulin ng mga fans na nakakita kay Thisa. Agad na umalis si Thisa sa Sydney Australia, noong nakaraang gabi, matapos ang kanyang Fashion Show doon. Umuwi siya ng Pilipinas, upang bisitahin ang kanyang Mansion sa Bel-Air at doon siya magpahinga ng dalawang linggo, hanggang isang buwan. Mas gusto niyang mamalagi ni Thisa sa Pilipinas, kaysa umuwi sa kanyang pamilya sa Malaysia. Pagpasok ng kanyang kotse sa bakuran ng napakalaki niyang Mansion ay sinalubong naman siya ng kanyang mga kasambahay. Pagbaba pa lamang niya sa kanyang kotse, binabati na siya ng mga ito, habang ang kanilang mga kamay ay nakalagay sa kanilang likod bilang respito sa kanya. Kinuha din ng mga ito ang kanyang maleta at dinala nila ito sa loob ng kanyang kuwarto. Mabilis din na inayos ng dalawang kasambahay ang mga gamit ni Thisa at inilagay ito sa walk-in closet ni Thisa. Kinuha din nila ang mga maruruming damit ng kanilang amo, upang malabhan ito bago ibalik sa lagayan. Agad naman na ipinaghain ng hapunan si Thisa ng kanyang magaling na Cook/Mayordoma. Tuwang-tuwa pa si Thisa sa mga pagkain na hinanda nito para sa kanya. Dahil ipinagluto siya ng babae ng mga paborito niyang pagkain. "Wow! Lotus soup and braised duck!" bulalas ni Thisa, habang pinagmamasdan ang mga ulam sa harapan niya. Muli pang naglagay ng panibagong lutong ulam si Ate Lilia, kaya lalo siyang natuwa. "Wow, my favorite chilli crab!" aniya, saka inamoy ang usok ng chilli crab. Napapikit pa siya ng mata, habang inaamoy niya ang mabangong usok ng bagong lutong Chilli Crab "Ma'am, kanin niyo po." sabi ng isang kasambahay, saka nito inilapag ang platong may kanin na hinulma pa sa isang small bowl. "Thank you, Nelma." pasalamat niya sa dalagang kasambahay. "You're welcome, ma'am. Enjoy your dinner po." nahihiyang sagot ng dalaga. "Ma'am Thisa, pasensya na po, dumating na kas ang mga bayarin dito sa bahay, Ma'am. Kailangan ko na po bayaran agad, para po hindi tayo maputulan ng kuryente at tubig. Pati po sa WiFi, kailangan na rin mabayaran, ma'am." sabi ni Aling Lilia. Si Aling Lilia ay matagal nang naglilingkod sa kanya. Magmula ng maipatayo ang kanyang bahay ay ito na ang kasambahay niya. Pina-aral din ni Thisa si Ate Lilia na magluto ng Chinese foods, kaya ngayon ay magaling na itong magluto ng Chinese Dishes. Sa tagal na itong naglilingkod sa kanya ay tiwalang-tiwala na siya sa babae, at kahit lagi siyang wala sa kanyang tahanan ay alam ni Thisa na hindi napapabayaan ni Aling Lilia ang kanyang bahay at mga ari-arian. "Okay, Aling Lilia. Ibibigay ko sa 'yo bukas ang pambayad, kasama pati pang grocery niyo dito sa bahay. Pati na rin ang mga sahod niyo ay ibibigay ko sa inyo bukas ng umaga." sagot ni Thisa. Tuwang-tuwa naman ang mga kasambahay, dahil sa kanilang narinig. Nagpasalamat din sila kay Thisa, dahil maaga itong magpapasahod sa kanila ngayong buwan. Sa isang lingo pa ang katapusan, pero bukas ay sasahuran na sila ng kanilang amo. Nag paalam na rin ang mga kasambahay na babalik sa kusina, upang makakain ng maayos ang kanilang Ma'am Thisa. TAHIMIK na kumain si Thisa. Sanay na sanay na rin siyang mag-isa sa buhay, kaya kahit wala siyang kasalo sa pagkain ay ayos lang sa kanya. Naparami din siya ng kain, dahil lahat ng kanyang paboritong pagkain ay niluto ng kanyang Mayordoma. Matapos kumain ni Thisa ay saka pa lang siya umakyat sa taas, upang makapagpahinga sa kanyang kuwarto. Pagpasok niya sa loob ng kanyang kuwarto ay agad din siyang nagtungo sa loob ng banyo, upang maglinis ng katawan. Agad niyang binuksan ang faucet sa bathtub, para lagyan ito ng tubig. Gustong magbabad ni Thisa sa maligamgam na tubig, upang ma-relax ang kanyang katawan. Habang pinupuno niya ang bathtub ay inuna muna niyang tapusin ang kanyang mga routine, para mamaya ay magbabanlaw na lang siya pagkatapos niyang magbabad sa loob ng bathtub. Lumusong sa loob ng bathtub si Thisa na puno ng tubig at bula na may Lavender essential Oil. Lavender essential Oil has been proven to invigorate your overall mood, combat stress, and relieve muscle tension. A Lavender Foaming Bath will wash away your worries, and replace them deep relaxation. Kinuha din niya ang kanyang headphones at inilagay sa kanyang tainga, para makapakinig ng music, habang nakalubog sa tubig ang kanyang katawan. May inilagay din siyang Cucumber mask sa kanyang mga mata, upang makatulong sa pagtanggal ng kanyang eyebag. Dahil sa kakaibang pakiramdam hatid ng pagkakababad ni Thisa sa loob ng bathtub at ganda ng pinapakinggan niyang music at dala na rin ng matinding pagod at puyat ay nakatulog siya sa loob ng kanyang bathtub. Nagising lamang siya, nang mag ring ang kanyang Cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag, saka umahon mula sa tubig pagkatapos. Mabilis na nagbanlaw si Thisa, saka niya isinuot ang kanyang bathrobe na laging nakahanda sa may gilid ng shower room niya. Binalot din niya ng tuwalya ang kanyang buhok, upang hindi tumulo ang tubig sa sahig. Humiga sa kama si Thisa na nasa ganoong ayos at muling ipinikit ang kanyang mga mata. Ngunit hindi naman niya magawang makabalik sa pagtulog, dahil sa pagsagi ng isang bagay sa kanyang isipan. Nagpabaling-baling pa siya sa kama, dahil pilit niyang winawaglit sa kanyang isipan ang kanyang naalala. HANGGANG sa biglang bumangon si Thisa at nagtungo siya sa loob ng kanyang walk-in closet, at nagbihis. Nagsuot siya ng kulay itim na pantalon at itim din na T-shirt, saka pinaibabawan ng black leather jacket. Binuksan din niya ang kanyang Vault, para kumuha ng pera. Inilagay niya sa hiwalay na mga sobre ang mga sahod ng kanyang mga Kasambahay, Hardenero, Driver at Security Guard, saka nilagyan ng pangalan at amount sa likod nito. Nasa hiwalay na sobre naman ang Budget sa bahay at pambayad ng mga Bills. Dinagdagan din niya ang Allowance, para hindi kapusin sa pagkain ang kanyang mga tauhan na matapat na naglilingkod sa kanya. Matapos niyang masigurong wala na siyang nakalimutan ay kinuha naman niya ang kanyang water proof backpack at naglagay ng ilang gamit. Naglagay din siya ng ilang Bundle na pera sa loob nito. Hindi rin nawala ang kanyang bar*l at bala, pat@l*m at ilang gamit sa pakikipaglaban. Nagsuot din siya ng sport shoes na itim at sombrero. Lumabas siya ng kanyang walk-in closet, dala ang kanyang mga gamit. Idinaan lamang niya sa kitchen ang mga sobre na hinanda niya, upang makita ito ng kanyang Mayordoma kinaumagahan. Pumasok si Thisa sa Basement ng kanyang bahay, upang dumaan sa kanyang Secret tunel. Mayroong secret tunel ang ilalim ng kanyang Mansion, patungo sa isa pa niyang bahay sa kabilang Lane ng Subdivision. Doon siya lumabas sakay ng kanyang Ducati at mabilis na pinatakbo ito papalayo sa bahay na pag-aari niya, ngunit walang nakatira. Sinadya niyang hindi palinisan ang paligid ng bahay, upang walang maka alam na may nagmamay-ari na sa Mansion na iyon. KINABIKASAN ay nagulat si Ate Lilia, dahil nakita niya sa ibabaw ng Kitchen table ang mga sobre na may lamang pera. May mga pangalan din ang mga ito, kaya alam niya kung kanino ibibigay ang mga ito. May maikling Note din na iniwan si Thisa, upang ibilin sa babae ang kanyang bahay. "Ate Lilia, sahod na ba natin ang mga naka sobre na iyan?" Excited na tanong ni Nelma. Pinagkuskus na rin niya ang dalawang palad, dahil sa tuwa. "Oo, iniwan ito ni Ma'am dito sa ibabaw ng table. Saan kaya siya nagpunta? Baka katulad na naman noon na bigla siyang mawawala, tapos pagbalik dito ay umiiyak? Huwag naman sana! Kawawa naman si Ma'am kung uuwi na naman siyang umiiyak at hindi natin alam kung ano ang problema niya." Tugon ni Ate Lilia. Bigla din siyang nalungkot, dahil sa pag-aalala kay Thisa. "Alam mo Ate Lilia, napupuna ko kay Ma'am, parang ang dami niyang lihim sa katawan." Wika ni Nelma. Nagtataka na rin siya sa amo, dahil sa mga nakikita nitong nangyayari kay Thisa, kapag nasa Mansion ito. "Kung ano man ang lihim ni Ma'am, hindi na natin yun dapat pinapakialaman! Mamaya nanunuod si Ma'am sa CCTV at marinig pa niya kayo na siya ang pinag-uusapan." Pagsaway naman sa kanila ni Jelyn. Ibinigay na lang ni Ate Lilia ang mga sahod ng kanyang mga kasama. Agad na rin siyang nagbihis, upang makalabas siya at mabayaran ang lahat ng dapat nilang bayaran, para hindi sila maputulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD