MULING umalis si Thisa sa kanilang Mansion sa Kuala Lumpur Malaysia. Labag man sa loob ng kanyang ina ang kanyang pag-alis ay wala naman itong magagawa, dahil may naka schedule na Fashion Show si Thisa sa bansang Australia. Dalawang araw pa bago ang nasabing Fashion Show ay nasa Sydney Australia na si Thisa.
Mula sa Hotel na tinutuloyan ni Thisa sa Sydney ay nakatayo siya sa tabi ng bintana at nakatanaw sa napakagandang view ng buong City. May hawak din siyang Wine Glass, habang may kausap siya sa kanyang Cellphone.
"Okay, I'll wait for you her. Yeah, okay, bye." Maririnig na wika niya sa kanyang kausap. Hindi naman nagtagal ang pakikipag-usap niya sa kabilang linya at ibinaba na niya ang tawag.
Inisang lagok ni Thisa ang laman ng kanyang Wine Glass, saka muling tumanaw sa malayo. Ibinaba niya ang baso sa ibabaw ng lamesa at malalaki ang hakbang niyang nagtungo sa kanyang kama. Nag set muna siya ng Alarm, bago siya humiga at matulog. kailangan niyang magising ng maaga bukas, dahil sa kanyang mahalagang lakad.
******
ISANG LALAKI ang pabalik-balik sa paglangoy sa isang malawak na Indoor Swimming Pool na nasa loob mismo ng kanyang tahanan. Napaliligiran ng mga Professional Bodyguards ang buong bakuran ng Mansion na pag-aari ng isang mayamang negosyante sa bansang Australia. Ang mga lalaking nagbabantay sa paligid ay naka suot ng black Jacket. Tag lamig ngayo sa bansang Australia, kaya kailangan nilang balutin ng makakapal na Jacket ang kanilang mga katawan, upang hindi nila maramdaman ang lamig. Bawat isa rin sa kanila ay may buhat na matataas na Calibre ng bar*l, para may panlab@n sila sa mga taong may balak na masama sa kanilang amo.
May dalawang Bodyguard din na pabalik-balik sa loob ng Indoor Swimming Pool, upang bantayan ang kanilang amo, habang abala ito sa paglangoy. Binabayaran sila ng malaki, upang bantayan ang lalaki, dahil napakaraming tao ang naghahangad ng kanyang kam@t@y@n. Ang lalaki ay isang makapangyarihang Businessman na pinaniniwalaan na maraming illegal na negosyo sa buong Australia at maging sa iba't-ibang panig ng mundo. Kaya napakarami din nitong kaaway.
LINGID sa kaalaman ng mga bantay sa paligid ay may isang pares nang mata ang nakamasid sa kanilang mga galaw. Nasa loob ito ng Control Room at naghihintay lamang ng tamang oras o pagkakataon upang isagawa ang kanyang trabaho.
Nang masiguro ng taong iyon na nakalabas na ang mga lalaki sa loob ng Indoor Swimming Pool ay mabilis naman itong lumapit sa isang malaking pipe. Sa laki nito ay kasya ang kahit dalawang tao sa loob.
Binuksan nito ang cover ng malaking pipe at pumasok siya sa loob, saka siya sumusid sa tubig nito at lumangoy patungo sa loob ng Drainage ng Swimming Pool. May dala rin siyang maliit na Oxygen Tank, upang hindi siya kapusin ng hangin, habang nasa loob siya ng Pipe. Nilangoy niya ang loob ng Giant Pipe at binuksan ang drainage door, upang doon siya lumabas patungo sa malaking Swimming Pool at isagawa ang kanyang trabaho. Inabangan nito ang lalaking lumalangoy upang magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho. Nagtago lang siya sa loob ng drainage at doon siya nag abang sa lalaki. Nang makarating sa dulo ng Pool ang lalaki ay mabilis itong nag flip sa ilalim ng tubig upang muling bumalik sa kabilang dulo ng Swimming Pool. Ngunit bigla na lang siyang hinila pailalim ng isang tao na nakadamit ng itim, saka siya tinurokan ng kung ano sa kanyang leeg gamit ang isang Syringe, nang taong nagtatago sa loob ng drainage. Biglang nanigas ang katawan ng lalaki sa ilalim ng tubig at ilang beses pa itong lumanghap ng tubig sa pag-aakalang hangin ang kanyang malalanghap. Hinawakan namang mabuti ng taong nasa loob ng drainage ang katawan ng lalaki, habang nangingisay ito, dahil sa gamot. Nang tumigil na sa pangingisay ang lalaki ay saka pa lang ito binitawan ng taong may kagagawan sa kanyang pagkalunod. Itinulak din niya ang katawan ng lalaki, upang magmistula itong lumalangoy.
Mabilis din na isinara ng taong nasa loob ng drainage ang takip ng drainage, saka siya mabilis na lumangoy paalis sa lugar. Mabilis itong lumangoy palabas sa Drainage. May flash light din siya sa ulo, kaya nakikita niya ang kanyang nilalanguyan. Hindi na rin ito muling bumalik sa Control Room, dahil makikita lamang siya doon ng mga tauhan ng lalaking p*n@t@y niya. Sinundan na lamang nito ang drainage na tila isang closed culvert. Patungo sa ilog ang closed culvert na iyon, kaya doon siya lalabas sa sewer.
Pagbagsak ng katawan nito sa ilog ay nagpatuloy pa rin siya sa paglangoy, hanggang sa marating nito ang isang pampang na malayo sa mga tao. Doon ito umahon at mabilis na sumuot sa isang gubat at doon nawala na parang bula.
Samantala sa Indoor Swimming Pool naman ng mayamang lalaki ay nagtatakang pinagmasdan ng dalawang Bodyguard ang kanilang amo, dahil nakalutang lang ito sa gitna ng tubig at hindi na gumagalaw. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki, dahil sa kanilang pagtataka. Every five minutes nila itong sinisilip, ngunit ngayon pagbalik nila ay nakita na nila sa kakaibang tagpo ang kanilang Boss.
"Why is the boss just floating in the water? Why doesn't he seem to be moving?" Nag-aalalang tanong ng isang lalaki sa kasama nito. Kanina lang ay nakita niya itong lumalangoy patungo sa dulong bahagi ng Swimming Pool.
"Yeah, I know. Maybe he fell asleep while swimming? But that's impossible. He wouldn't do that." Sagot ng kasama nito.
"Come on, Pete, let's check. Something might have happened to the Boss. We're in trouble if something bad happens to him, they might blame us." Pagtawag nito sa kasama. Agad din na lumapit ang kasama nito at pareho pa silang naka dungaw sa tubig, upang makita nilang mabuti ang kalagayan ng kanilang Boss.
"Reid, you go in the water, I'll wait for you here." Utos naman ni Pete sa kasama. Kinuha na rin niya ang kanyang telephone, upang tawagan ang mga kasama.
Agad naman na lumusong sa malalim na tubig si Reid, upang puntahan ang kanilang Boss. Napakalalim ng tubig sa kinaroroonan ng kanilang Boss, dahil nasa may dulong bahagi ito ng swimming pool. Agad niyang hinawakan ang braso ng lalaki at hinila niya ito, upang makasiguro ito sa kanyang kutob.
"Pete, the boss isn't breathing. It looks like he drowned." Pasigaw na wika ni Reid sa kasama.
Patakbo naman na nagtungo si Pete sa may fire alarm at mabilis niya itong hinila, kaya lumikha ito ng malakas ng ingay sa loob at labas ng Mansion. Nagkagulo ang mga tauhan ni Mr. Earl Gregory. Hindi naniniwala ang mga ito na basta-basta na lamang malulunod ang kanilang boss, dahil napakagaling nitong lumangoy.
Tulong-tulong ang mga tauhan ni Mr. Gregory na ma-i-ahon siya mula sa tubig. May Heather ang tubig ng swimming pool, kaya hindi malamig ang katawan ng kanilang boss nang makuha nila ito.
*****
Pawis na pawis si Thisa, dahil sa kanyang pagtakbo. Nag jogging siya mula sa isang Park, pabalik sa kanyang Hotel Room. Inagahan niyang umalis sa Hotel, upang makapag Jogging siya na walang nakakakita sa kanya at nakakakilala. Naka suot lamang siya ng maliit na sports shorts na black at tenernuhan ng isang sports Br@ at Itim din na Jacket na may hood. Dahil sa init ng kanyang katawan at dami ng pawis na inilabas niya ay binuksan na lamang ni Thisa ang zepper ng kanyang jacket, upang hindi siya gaanong mainitan. May naka lagay din na earbuds sa magkabila niyang tainga, habang ang kanyang cellphone naman ang nasa loob ng maliit na bag sa kanyang baywang. Hindi tumigil si Thisa sa pagtakbo, kahit nasa Lobby na siya ng hotel ay tumatakbo pa rin siya, patungo sa elevator. Kinawayan na lamang niya ang security guard, bilang pagbati.
Pagdating ni Thisa sa kanyang Hotel Room ay agad siyang naligo. Nakakaramdam na rin siya ng gutom, kaya binilisan na rin niya ang kanyang paliligo, upang muling lumabas, upang kumain sa Restaurant sa ibaba ng Hotel. Nag suot na siya ng fitted denim skirt na napaka iksi at white Leather jacket. Isinuot rin ni Thisa ang kanyang boots na abot hanggang sa tuhod ang haba at may napakataas na heels. Tinuyo lang niya ang kanyang mahaba at straight na buhok, saka hinayaan na nakalugay. Nagsuot din siya ng sunglasses niya na PRADA, saka niya kinuha ang Prada Purse niya.
Naglakad si Thisa sa Hallway ng Hotel at nagtungo sa Elevator, upang sumakay doon. May nakasabayan din siyang mag-asawang Australian sa loob ng Elevator. Napansin ni Thisa ang mata ng lalaki na lagi ang sulyap nito sa kanyang dibdib. Nakalabas kasi ang kanyang cleavage dahil sa mababang leeg ng suot niyang blouse. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Thisa ang pag-irap ng kasamang babae ng lalaking may pagka-m@ny@k, dahil halos lumuwa na ang mata nito sa kakatingin sa kanyang malulusog na dibdib. Hindi naman nagpahalata si Thisa na naiinis siya sa lalaking kasama sa loob ng Elevator. Alam niyang may CCTV at Audio Recording ang Elevator, kaya hindi siya p'weding gumawa ng karahasan sa loob nito.
Pagbukas ng elevator ay naunang lumabas si Thisa. Naglakad siya patungo sa Libby ng Hotel, ngunit napatigil din siya, dahil sa napakaraming Reporter sa labas. Sinalubong ng mga Reporter si Thisa at tinanong siya ng mga ito ng kung anu-ano. Hindi na lang umiwas si Thisa, dahil napapaligiran na siya ng mga Reporter. Sinagot na lang niya ang mga tanong nila sa kanya, dahil sa trabaho niya ay kailangan niyang maging mabait sa madla.
Inis na inis naman ang babaeng kasama ng lalaking nakasabayan ni Thisa sa elevator. Ang buong akala niya kanina ay siya ang inaabangan ng mga Reporter sa Lobby. Nag-retouch pa siya ng kanyang Lipstick, bago siya lumapit sa mga ito, ngunit nilampasan lamang siya.
"Who is that woman? Why are the reporters swarming her?" Naniningkit ang matang tanong ni Bea sa kasamang lalaki.
"That's Thisa Ang, the International Supermodel. She was sent by Natasha to model the new Natasha designs here in Sydney." Sagot ng lalaki. Nakangiti din siya at nakatingin kay Thisa, habang abala ang babae sa pagsagot sa mga katanungan sa kanya.
"She's the model Natasha hired? She took my job?" Sabi ng babae. Bigla din sumiklab ang galit at inggit sa puso niya, dahil sa hindi pagkuha sa kanya ng Natasha Australia. Ang tagal niyang pinangarap na siya ang mag Model sa mga Collection ng Natasha, ngunit hindi siya nakukuha. Kahit si Sean na siyang Manager ng Natasha sa Sydney Branch ay walang nagawa, dahil kontrolado ng Management lahat ang mga Fashion Shows nila.
"She's the Brand Ambassador for Natasha USA. The owner herself sent her here, so she didn't take anything from you, Bea." Sagot ni Sean sa kasamang babae. Inayos din niya ang kanyang suit at mabilis na naglakad patungo sa mga Reporter, upang kausapin ang mga ito.
Parang gusto naman magwala sa galit si Bea, dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Sean. Selos at galit ang naramdaman niya, dahil sa mga nalaman.
MATAPOS ang interview kay Thisa ay nakipag-kamay din sa kanya si Sean. Nakipag-kamay din si Thisa sa lalaki at nakipagkilala. Hindi na rin siya nagtagal, dahil nag-ring ang kanyang Cellphone, kaya nag excuse na siya sa mga kausap.
Sinagot ni Thisa ang kanyang Cellphone at kinausap ang nasa kabilang linya, habang naglalakad siya patungo sa isang Cafè. Agad niyang hinanap ang taong kanyang kausap na nakaupo na sa loob ng Restaurant.
"Hi Bruce!" pagbati ni Thisa sa kanyang kausap kanina. Naghihintay ito sa kanya sa loob ng isang Cafè na nasa labas ng Hotel.
"Hello sweetheart, how are you doing?" tanong ni Bruce sa kanya. Tumayo din ito mula sa kanyang pagkakaupo at sinalubong siya ng yakap at halik. Tatlong araw na rin si Bruce sa Sydney, para sa isang Business Conference doon.
"I'm good! How are you? How's your business conference going here in Sydney?" tanong ni Thisa sa lalaki. Umupo na rin siya sa silya na hinila ni Bruce para sa kanya.
"I'm doing alright. As for the conference, it's been a bit tiring. My business associates here have a lot of demands. They're giving me a headache." Sagot ni Bruce, pagkaupo niya sa kanyang sariling upuan.
Hinawakan ni Thisa ang kamay ni Bruce, saka niya tinitigan ang lalaki sa mata. "Sorry to hear that, Bruce. You're a smart guy and know everything, so I know you can handle all your problems." Pagpapalubag loob ni Thisa sa lalaki. Ngumiti rin siya rito at pinisil din ang kamay ni Bruce.
"Thank you, Thisa, for cheering me up. Let's not talk about work anymore. Let's order our breakfast so we can eat. I need to go back for my last meeting later." Pasalamat naman sa kanya ni Bruce. Kinuha din ng lalaki ang Menu at tiningnan ang mga nakalagay doon para sa kanilang Breakfast.
Agad din na tinawag ni Bruce ang waiter, at nag-order siya ng kanilang kakainin. Alam na alam na rin nito ang mga gustong kainin ni Thisa, kaya hindi na niya tinanong ang babae.