DALAWANG ARAW ang lumipas, ngunit hindi pa rin bumabalik si Thisa sa kanyang Mansion. Iniwan din nito ang kanyang Cellphone sa loob ng kanyang kuwarto, kaya hindi nila ito matawagan. Hindi rin tumatawag si Thisa sa kanyang bahay, kaya walang alam ang mga kasambahay kung nasaan siya ngayon.
PATUNGO si Bruce sa bahay ni Thisa. Kababalik lang niya mula sa Business trip nito sa Australia, at deretso na agad siya sa bahay ni Thisa, upang makasama ito sa kanyang kaarawan. May dalawang linggo din siyang bakasyon ngayon dito sa Pilipinas, kaya naisipan niyang puntahan si Thisa, upang magkasama silang dalawa na mag celebrate ng birthday nito. Hindi rin sila nakapag-bonding noon sa Australia, dahil pareho silang busy sa trabaho. Nagkita lang sila sandali noon at nag breakfast magkasama, pero hindi na nasundan ang kanilang pagkikita roon.
Tumigil ang sasakyan ni Bruce sa tapat ng Gate ng napakalaking bahay ni Thisa. Agad din siyang pinagbuksan ng Guard, dahil kilala na siya roon. Sa tapat ng Porch ng bahay ni Thisa siya tumigil at doon bumaba, para hindi na siya maglalakad ng malayo kung sa mismong Parking lot siya titigil.
Agad naman siyang sinalubong ng mga kasambahay ni Thisa at binati siya ng mga ito. Tuwang tuwa din ang mga kasambahay, dahil muli na naman nilang nakita si Bruce. Napaka guwapo kasi nito at may matipunong katawan. Matangkad din si Bruce at napakaputi ng balat nito. Half-American half-Filipino ang lahi ni Bruce, kaya kakaiba ang mukha at kulay nito sa purong Filipino. Blue eyes din siya at may matangos na ilong.
"Nasaan si Thisa? Kahapon ko pa siya tinatawagan, pero hindi ma-contact ang Cellphone niya?" tanong ni Bruce kay Jelyn. Halos mapudpod na kasi ang mga daliri niya kahapon sa kakatawag at text kay Thisa, pero out of coverage area ang cellphone nito.
"Sir Bruce, wala po si Ma'am Thisa dito ngayon. Umalis po siya noong nakaraang gabi pa. Hindi po namin alam kung saan siya nagpunta, sir. Iniwan din po niya ang kanyang Cellphone sa lagayan niya sa loob ng dry cabinet, kaya hindi po niyo ma-contact si ma'am." sagot ni Jelyn. Nakita kasi nila sa loob ng dry cabinet ang Cellphone ni Thisa kinaumagahan. Alam nilang naka off din ito, para hindi maubos ang battery nito kapag may tumawag o mag message sa amo.
Napakunot ang noo ni Bruce, dahil sa kanyang nalaman. Hindi na rin bago sa kanya ang ganitong gawain ni Thisa, dahil mula pa noon ay ginagawa na talaga ito ng kanyang Fiancèe. Ngunit nalungkot si Bruce, dahil balak sana niyang surprisahin si Thisa bukas, pero ang hindi niya alam ay siya pala ang masu-surprisa, dahil wala sa bahay nito ang fiancee.
"Ganon ba? Okay, pakihanda na lang ang room ko. Dito muna ako titira, habang nandito ako sa Pilipinas, kahit wala dito si Thisa. Ayaw kong mag-isa sa Condo ko. Malungkot mag-isa!" sabi ni Bruce. Muli din siyang tumalikod, upang kunin ang kanyang maleta sa car trunk.
Agad naman na kinuha ni Jelyn ang maleta at dinala niya ito sa kuwarto ni Bruce. Si Nelma naman ay patakbong kinuha ang mga gamit sa paglilinis ng kuwarto, upang malinisan nila ng mabilis ang kuwarto ni Bruce. Matagal-tagal na kasi nilang hindi nililinis ang kuwarto ni Bruce, dahil hindi naman ito naglalagi sa mansion ang binata. Mayroon din kasing sariling mansion si Bruce at Penthouse, kaya doon ito madalas na tumutuloy.
MABILIS nagsikilos ang mga kasambahay ni Thisa, upang linisan ang room na laging ginag@mit ni Bruce, kapag naroon siya sa bahay ni Thisa. Si Ate Lilia naman ay agad na ipinaghanda ng makakain si Bruce, dahil hindi pa ito kumakain ng tanghalian. Mabuti na lang at nakabili ng stock nila si Ate Lilia, kaya mayroon siyang puweding lutuin para kay Bruce.
Una niyang binigyan ng kape si Bruce, dahil mahilig ito magkape, habang niluluto niya ang Carbonara na kakainin ni Bruce. Matyaga naman na naghintay si Bruce sa dining table ng kanyang pagkain, habang nagkakape at nagbabasa ng news paper.
Matapos kumain ni Bruce ay saka siya umakyat sa taas upang magpahinga. Tama naman na natapos na sa paglilinis ng kuwarto niya ang dalawang kasambahay. Nakasalubong pa niya si Jelyn sa may hagdan at bitbit pa ng dalaga ang balde na nilagyan ng mga gamit sa paglilinis.
Tumuloy sa kuwarto niya si Bruce at naabutan pa niya si Nelma sa loob at inaayos nito ang mga labahin. "Nelma, nandito pa rin ba ang mga luma kong swimming trunk?" tanong ni Bruce sa kasambahay, pagpasok niya sa loob ng room. Bigla niyang naalala ang mag swimming, kaya nagtatanong siya sa kasambahay kung nakatago pa rin ang kanyang mga swimming trunk.
"Opo, Sir Bruce, nasa loob po ng cabinet niyo lahat ang mga gamit niyo. Wala po kaming tinanggal na laman ng cabinet niyo sir." sagot ni Nelma. Nagbaba din siya ng paningin, dahil naiilang siya kay Bruce. Bukas na kasi ang ilang botones ng suot nitong polo, kaya lumitaw na nang bahagya ang matipunong dibdib ng binata. Kulang na lang ay malalag ang laway ni Nelma, dahil sa pagka hot ng fiancee ng amo nila.
"Salamat Nelma. Sige na iwan mo na ako dito, matutulog muna ako para makabawi sa puyat." paalam ni Bruce, saka isinara ang pinto ng kanyang kuwarto at pumasok sa loob ng banyo.
Lumabas na rin sina Nelma, para labhan ang bed sheet at comforter na tinanggal nila sa kama. Every once a month lang nila palitan ang mga bed sheets dahil wala naman gumagamit ng mga kuwarto sa bahay ni Thisa. Pero kung may darating na bisita ay agad nilang pinapalitan ang mga gamit sa loob, para hindi maalikabok na gamitin.
"Grabe, Jelyn... Ang guwapo ni Sir! Napaka-yummy niya tingnan." Kinikilig na wika Nelma, habang yakap ang bed sheet na dapat ay lalabhan.
"Hoy! Mahiya ka naman sa sinabi mo, Nelma. Baka nakakalimutan mong fiancee iyon ni Ma'am Thisa. Gusto mo bang mawalan ng trabaho dito?" Tugon naman ni Jelyn sa kasama.
"Ito naman masyadong kill joy! Alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko, 'no?" Pairap na sagot ni Nelma.
"Sige na isalang mo na sa washing machine ang mga labahin, para mapatuyo din nating ng maaga ang comforter." Pagmamadali ni Jelyn sa kasama.
*****
Kinabukasan ay nagsidatingan ang mga kaibigan ni Thisa sa kanyang mansion, upang ipagdiwang ang kaarawan nito. Surprise party sana ang kanilang gagawin, ngunit sila naman lahat na magkakaibigan ang na-surprised dahil wala si Thisa sa kanyang bahay. Dumating din sina Aaron at Eve, mula sa Malaysia, ngunit wala pala silang madaratnan na Thisa sa mansion.
Kahit wala si Thisa ay itinuloy pa rin nila ang party. Sila-sila na lang na magkakaibigan ang nagsaya sa gabing iyon. May cake pa'ng dala si Ella, ngunit wala naman ang may birthday.
"Saan na naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? Kahit kailan talaga, gala ang brat na pinsan ko, huh!" Malakas na tanong ni Aaron. May kasama din panggigigil ang kanyang boses, dahil sa kanyang pinsan.
"Ella, hindi ba nasabi sa 'yo ni Ate Thisa kung saan siya pupunta? Kayo ang mag best friend, kaya siguro naman ay nasabi niyang may lalakarin siya?" tanong ni Eve. Bigla ddin siyang nalungkot, dahil hindi niya nakita ang hipag sa kaarawan nito.
"Hindi eh! Tumawag din ako sa hideout at safehouse niya, baka nagawi siya roon. Pero iisa ang sinabi ng mga caretaker. Hindi pa daw nagagawi doon si Thisa at hindi pa nila nakikita." sagot ni Ella. Maging siya man ay nagtataka, dahil sa biglang pagkawala ni Thisa. Kahit siya ay hindi alam ang kinaroroonan ng kanyang kaibigan.
"Eh, kung wala si Thisa, edi tayo na lang ang mag party! Problema ba iyon?" malakas na sabi ni Nathan. "Araaaay!" sigaw din niya, dahil sa lakas ng ginawang pagsiko sa kanya ni Sam.
"Ang ingay mo! Para namang bingi ang mga kausap mo, dahil kailangan mo pang sumigaw, eh, nasa harapan mo lang naman ang mga kausap mo." naiinis na wika niya sa asawa.
MASAYANG nag-party ang magkakaibigan, kahit wala si Thisa sa kanyang bahay. Kumanta pa rin sila ng Happy Birthday, kahit wala naman yung may birthday, saka nila inihipan ang candle sa cake ni Thisa. May mga dala ring regalo ang bawat isan, kaya ipinahatid na lang lahat ni Bruce sa loob ng kuwarto ni Thisa ang lahat ng regalo.
1 WEEK LATER....
NAGULAT ang mga kasambahay, dahil biglang sumulpot si Thisa sa loob ng kusina. Wala itong imik na lumapit sa water dispenser, at kumuha ng tubig na iinumin. Naka suot ito ng overall black at may dala din black backpack. Wala din silang narinig na sasakyan na dumating, ngunit biglang sumulpot ang amo nila sa loob ng bahay.
"Ma'am Thisa! Nakakagulat naman po kayo ma'am." sabi ni Ate Lilia. Hawak din niya ang kanyang dibdib, dahil sa gulat niya sa pagsulpot ng amo.
"Sorry Ate, nauhaw kasi ako kaya ako pumasok dito, para uminom ng tubig." malumanay na sagot ni Thisa. Matamlay din siya at parang walang lakas ang katawan. Dalawang beses pa niyang nilagyan ng tubig ang kanyang baso at ininom ito. Talagang uhaw na uhaw ang babae, dahil sa liit ng kanyang katawan ay nakaya nitong ubusin ang tatlong basong tubig.