NAKADAPA si Lady Hawk sa Rooftop ng isang building sa Houston, Texas USA, habang nakasilip siya sa telescope ng kanyang M21 $nîp€r Ŵê@pøn. Nasa Texas siya ngayon, upang itümba ang isang Cørrüpt Politician na nagdudulot ng s@kit sa ulo ng mga mamamayan sa buong lugar.
NAKATAYO si Governor Rilley sa isang intablado at kasalukuyan itong nagsasalita sa isang pagtitipon. Makikita rin sa paligid ang kanyang mga Bodyguards na naka pa-ikot sa buong lugar. Kompleto rin sa gamit ang kanyang mga tauhan at mukhang wala din sinas@nto ang mga ito. May mga nakahanda rin na Getaway Car para kay Governor, para makasakay agad siya kapag nagk@gulo sa lugar.
Kapansin-pansin din ang liit ng bilang ng tao na nasa pagtitipon. Halos walang citizens doon ang gustong pumunta at suportahan siya, dahil ayaw na siyang i-boto ng mga taga roon. Nagawa lang nitong muling makaupo noon, dahil sa pagbili ng boto ng mga tao. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na nito magagawa pang maupo sa kanyang posisyon, dahil mismong mataas na opisyal ng Texas USA ang kalaban ng Governor.
Matapos masiguro ni Lady Hawk na naka locked na ang t@rget niya ay agad niyang kinal@bit ang gatilyo ng kanyang $nip€r ĝūn. Napakalayo ng kinaroroonan ni Lady Hawk, at napakataas din nito, ngunit umabot pa rin ang b@la ng kanyang b@r*l sa kinatatayuhan ni Governor Rilley.
Saktong itinaas ni Governor Rilley ang kanyang kanang kamay nang bigla na lang nabüt@s ang kanyang noo. Tum@gøs din sa likod ng kanyang ulo ang b@la at tumama pa ito sa pader sa likuran niya. Natümba ang kat@wan ni Governor Rilley sa harapan ng kanyang mga taga suporta na wala ng buhay ngunit naka dilat ang mata.
Nagk@gulo ang mga tao sa harapan ni Governor at ang iba ay nagtakbuhan palayo sa lugar. Takot na takot silang lahat, dahil nakita nila mismo ang nangyaring pag-p@t@y sa Governor.
Mabilis naman na hinanap ng mga tauhan ni Governor Rilley ang $n̈ìpęr. Pinuntahan nila ang mga building sa harapan nila, dahil doon banda galing ang b@la na tumama sa kanilang amo. Inakyat nila lahat ang mga building, upang hanapin ang taong may kagagawan ng pagp@t@ÿ.
*****
A thunderous applause greeted Thisa Ang as she emerged from the runway. Thisa Ang was wearing the most prominent design of the Designer who hired her. The dress she wore was stunning and elegant, and she was also wearing a large hat that complemented her outfit. Thisa returned to the front twice, allowing the audience to get a good look at her attire.
The crowd erupted in applause once more, celebrating the success of the Fashion Show, which was attended by celebrities and prominent personalities. The event was also covered by numerous reporters, and a well-known and admired American Fashion Designer provided live coverage of the show.
Matapos ang Fashion Show ay mabilis na nag bihis si Thisa, upang maghanda sa knyang pag-uwi sa Malaysia. Inaayos ni Thisa ang kanyang mga gamit nang biglang pumasok sa dressing room si Chloe. Ang kaibigan niyang Fashion Designer na nagbukas ng bagong Branch sa Houston Texas.
Napatingin naman si Thisa sa babae at ngumiti ito. Sinalubong din niya si Chloe at hinalikan sa pisngi.
"Congratulations, Chloe." pagbati niya sa babae, saka muling niyakap
Muling kumalas sa pagyayakapan nila si Chloe at tumingin sa mukha ni Thisa. Ngumiti din siya sa babae, bago ito nagsalita "Thank you, Thisa, for agreeing to come here to Houston to model my latest designs on the runway." Pasalamat ni Chloe sa dalaga.
"You're welcome, Chloe. It's an honor for me to walk the stage in your designs. You're a talented and renowned designer in the USA, and being chosen as a model for your collection's fashion show is a unique experience." Naka ngiting sagot ni Thisa.
"Until next time, Thisa. Take care on your trip back to your country, my friend." Paalam ni Chloe.
"Thank you, Chloe. Until we meet again." Agad na sagot ni Thisa. Isinara na rin niya ang kanyang Maleta at sinukbit sa kanyang balikat ang kanyang Designer's Bag na napakamahal.
Lumabas si Thisa sa building, kasama ang mga tauhan ni Chloe. Hinatid nila si Thisa, hanggang sa Lobby ng Hotel . Nadaanan pa niya ang napakaraming pulis na umiikot sa paligid at nag imbistiga sa nangyaring assassination sa isang Governor. Sumakay si Thisa sa isang Taxi na naghihintay sa kanya sa labas, upang magtungo sa Airport. Mabilis naman siyang nakasakay, dahil sinamahan siya ng mga tauhan ni Chloe sa baba, para hindi harangan ng mga Reporter at tagahanga. May mga humiling pang magpa-picture sa kanya. Pinagbigay na lang niya ang mga ito, para mapasaya sila. Dinaanan lang sila ng mga pulis na nag-iimbistiga sa lugar at hindi pinansin ang crowd.
MULING bumalik si Thisa sa Kuala Lumpur Malaysia, kung saan talaga siya talaga ipinanganak at nakatira. Mahaba-haba din ang kanyang naging biyahe, kaya pagod na pagod siya.
Minabuti ni Thisa na tumuloy muna siya sa kanyang Condo na nasa Mont Kiara, Kuala Lumpur Malaysia, bago siya uuwi sa kanilang Mansion. Gusto niyang makapagpahinga munang mabuti, bago siya magpakita sa kanyang pamilya.
Pag pasok pa lang ni Thisa sa kanyang Condo ay parang babagsak na ang kanyang katawan sa pagod. Hindi kasi siya natutulog sa biyahe. Kahit naka pikit siya ay gising naman ang kanyang diwa. Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto at basta na lang hinagis sa ibabaw ng kama ang dala niyang bag at iniwan naman sa gitna ng kuwarto ang dala niyang katamtaman sa laki na Maleta. Habang naglalakad patungo sa banyo ay isa-isa naman niyang tinatanggal ang kanyang suot na damit at basta na lang nitong iniwan sa sahig. Agad siyang pumasok sa loob ng glass cubicle at tumapat sa shower. Mabilis lang siyang naligo, dahil gustong gusto na talaga niyang matulog ng mahimbing na walang istorbo sa kanyang pamamahinga. Matapos niyang maligo ay agad niyang tinuyo ang katawan sa malaking tuwalya na nakahanda para sa kanya sa labas ng shower room. Nakalagay ito sa may handle ng pintuan ng banyo, kaya madali niya itong nakuha. Tinuyo rin niya ang kanyang buhok at muling lumabas ng banyo at nagtungo sa kama. Agad siyang humiga sa kama, at hindi na rin siya nag-abalang maglagay ng damit sa kanyang katawan. Dati na niya itong gawain ang hindi maglagay ng damit bago matulog. Katwiran ni Thisa ay mag-isa siya sa Condo at walang makakakita sa kanya, kaya okay lang na wala siyang damit..
TANGHALI na siya nagising kinabukasan. Mabilis siyang bumangon at muling naligo, saka mabilis din na nagbihis. Kailangan niyang mamili muna ng ipangre-regalo sa kanyang Mommy, dahil birthday ngayon ng kanyang ina.
Bumili siya ng isang bundle na Birds Nest at Chicken Essence. Sinamahan din niya ito ng mga Chinese Tonic Drink, Ginseng, Cordyceps at Abalone, saka ipinabalot ng maganda na nakalagay sa isang Gift Basket. Bumili rin siya ng Oranges at Pomelo, dahil gusto niyang mag alay ng dasal sa kanilang Bùďďha.
Sakay siya ng kanyang Lamborghini, pauwi sa kanilang Mansion. Pagdating niya sa tapat ng kanilang Gate ay agad niyang pinindot ang Remote ng Gate. Unti-unting bumukas ang kanilang Auto-Gate at ipinasok na rin niya ang kanyang Lamborghini at sa mismong Porch siya tumigil.
Mabilis naman na nagsilabasan ang mga kasambahay nila na puro mga Filipina, at binati din siya ng mga ito.
"Maligayang pagbabalik, Ms. Thisa." Sabay-sabay na pagbati sa kanya ng mga ito. Masaya din sila na muling makita si Thisa, dahil napakabait nito sa kanila at lagi pa siyang namimigay ng pera sa mga kasambahay, para mas tumagal pa ang mga ito sa paglilingkod sa kanyang mga magulang. Tagalog na rin niya kausapin ang mga kasambahay, dahil magaling na rin siyang magsalita ng tagalog.
"Kamusta na kayo dito?" Naka ngiting tanong niya sa mga ito.
"Mabuti po, Ms. Thisa. Na-miss na po namin kayo. Ang tagal na po niyong hindi umuuwi dito sa bahay ni Mah-mah." Sambit ni Gina.
"Ms. Thisa, pumasok na po kayo at puntahan ang Mommy niyo. Kaninang umaga pa iyon malungkot, dahil hindi mo na daw siya na alalang bisitahin." Sabi naman ni Sheryl.
"Okay! Paki kuha muna ang mga pinamili ko, at isunod niyo sa akin. Miss ko na rin si Mommy, busy kasi ako sa trabaho ko, kaya hindi na ako nakakauwi dito." Sabi ni Thisa.
Pumasok sa loob ng Mansion si Thisa at nagtungo sa kanilang Living area kung saan ang una mong mabubungaran ay ang kanilang napaka laking Altar ng Buddha. Ang dami rin mga nakalagay doon na alay at nasa pinaka ilalim naman nito ang lagayan ng mga Joss sticks. Kumuha si Thisa ng dalawang Joss Sticks sa lagayan at sinindihan ang dulo nito, saka niya itinaas sa may uluhan niya at pumikit at umusal ng panalangin. Nag yuko rin siya ng dalawang beses, bago tuluyang inilagay ang Joss sticks sa isang pot na puno ng buhangin, upang doon ito hahayaang maupos.
TAMA naman na papasok sa Living area ang ina ni Thisa. Nagulat pa ito, dahil nakita niyang nakatayo sa harapan ng Altar ang kanyang anak na si Thisa.
"Thisa, wo de haizi! Wo de haizi huilai le!" (Thisa, anak ko! Dumating na ang anak ko!") Tuwang tuwa na nilapitan ng babae ang kanyang anak, para yakapin ito. Umiyak na rin ito, dahil sa labis na pagkasabik sa kanyang anak na matagal na hindi umuwi sa kanilang tahanan.
"Mama, wo de mama. Wo hao xiang ni, mama. Qing yuanliang wo xianzai cai hui jia." (Mommy, mommy ko! Miss na miss na kita mommy. Patawarin mo ako dahil ngayon lang ako nakauwi dito sa atin.) Sabi ni Thisa sa kanyang ina. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na hindi maiyak, habang humihingi siya ng tawa sa ina, dahil sa tagal niyang hindi nakita at nayakap ang kanyang mommy.
"Wo de haizi! Ni zenmeyàng, wo de haizi? Ni weishenme likai zheme jiu? Ni yijing likai kuai yi nian le, zai shijie ge di luxing. Wo yiwei ni yijing wangji wo le." (Anak ko! Kamusta kana anak? Bakit ang tagal mong hindi umuwi ngayon? Halos isang taon kang nawala, kung saan-saan ka sa panig ng mundo nagpupunta. Akala ko nakalimutan mo na ako.) Malungkot na tanong ng kanyang ina. Hinaplos din ng ginang ang pisngi ni Thisa, at muli itong hinalikan sa pisngi.
"Mama, wo you gongzuo. Wo shi yi ming guoji chaomo, suoyi wo keyi qu butong de guojia. Wo zongshi da dianhua gei ni, mama." (Mommy, may trabaho ako. Isa akong International Supermodel, kaya ako nakakarating sa iba't-ibang bansa. Tumatawag naman ako sa inyo palagi, mommy.) Paliwanag ni Thisa sa ina.
"Danshi ni zai zheli, wo de haizi, ganjue jiu bu yiyang. Dang wo nenggou he ni zai yiqi de shihou, ganjue jiu bu yiyang. Women zhishexia san ge ren le, baokuoni de didi, er ni zongshi likai." (Pero iba pa rin ang nandito ka, anak. Iba pa rin kung kasama kita dito. Tatatlo na nga lang tayo ng kapatid mo, tapos ikaw laging wala.) Giit ng ina ni Thisa. Kung siya lamang ang masusunod ay mas gusto niyang manatili si Thisa sa kanilang tahanan, para lagi niya itong kasama.
"Mama, wo yijing zhangda le. Zhe shi wo de mengxiang, bu shi ma? Wo zongshi hui zai ni de shengri he nongli xinnian huilai, dui ma?" (Mommy, malaki na ako. Ito ang pangarap ko noon pa diba? Lagi naman akong nandito kapag Birthday mo at Chinese New Year diba?) Katwiran ni Thisa. Ayaw man niyang masaktan muli ang damdamin ng kanyang ina, pero kailangan niyang sabihin dito ang totoo. Mas mahirapan siyang maka alis sa kanilang tahanan, kapag hinayaan niyang mangibabaw ang kanyang damdamin bilang anak na nagmamahal at iginagalang ang magulang. Sa mundong kanyang ginagalawan ay hindi siya p'weding nasa malapit ng kanyang pamilya. Dahil maaring gamitin ng kanyang mga kalaban ang kanyang pamilya, para mapabagsak siya.
"Wo xiwang meitian dou shi wo de shengri, zheyang ni jiu keyi yizhi zai wo shenbian, Thisa." (Sana araw-araw Birthday ko, para dito ka lang lagi sa tabi ko, Thisa.) Hiling ng ina ni Thisa. Kahit alam nitong malabong mangyari ang kanyang kahilingan ay umaasa pa rin siya na sana ay mangyari ang kanyang hiling.
Napangiti si Thisa at muling niyakap ang ina. "Mama, shengri kuai le. Bu yao sheng wo de qi. Dang wo gongzuo anpai you kong, erqie zai yazhou de shihou, wo hui lai zheli kan ni, zheyang ni jiu bu hui gudan le." (Happy Birthday nga pala mommy. Huwag kanang magtampo sa akin, hayaan mo at kapag may bakante sa schedule ko at nandito ako sa asea ay dadalawin kita dito, para hindi kana malungkot." Pagbati ni Thisa sa kanyang ina. Nangako na rin siya na dadalasan niya ang pagdalaw sa kanyang ina, upang hindi na ito malungkot.