KUMAKAIN ANG MAGKAIBIGAN, habang umiinom ng paborito nilang Martell. Parang tubig lang ito na kanilang iniinom, kaya ang bilis na nagalahati ang laman ng bote. Nagpa deliver lang sila ng kanilang pagkain, dahil tamad na silang magluto, dahil sa pagod nila sa kanilang Mission. Walang imikan ang dalawa, habang kumakain. Parang wala na rin silang pakialam sa kanilang paligid, dahil sa gutom nilang dalawa.
Halos maubos nila ang kanilang mga inorder na pagkain nang tumigil sila sa pagkain. Isang bucket na fried chicken, burgers, pizza, at pasta ang kanilang kinain. Tanging mashed potato at friench fries lang ang kanilang natira at dalawang piraso na chicken at isang slice ng pizza.
Tahimik lang silang nakaupo, pagkatapos nilang kumain, habang patuloy pa rin na umiinom ng alak. Parehong pagod na pagod sina Thisa at Kany, dahil sa matulin nilang pagtakbo kanina. Ang buong akala ng magkaibigan ay hindi na sila makakauwing buhay, dahil muntik na silang masama sa pag guho ng lupa.
"Kany, paano kung nasama tayo sa pag guho ng lupa kanina? Siguradong hindi na tayo makikita ng mga pamilya natin. Kahit bangkay natin, hindi na nila makikita." Walang anu-ano ay biglang naitanong ito ni Thisa sa kaibigan. Malamlam.din ang mga mata niya na tila nagbabadyang umiyak.
"Oo nga eh. Alam mo, sa lahat ng naging Mission ko, ngayon lang ako nakakita ng ganon na uri ng pagsab*g. Akala ko, katapusan ko na kanina, para ngayon gusto ko nang magbago at magbalik loob sa dios. Baka ito na yung sign, para baguhin natin ang takbo ng mga buhay natin bes. Lalo kana, you're already 28, at hanggang ngayon ay hindi pa kayo nakakasal ni Bruce. Ayusin mo na kaya ang pagsasama niyong dalawa, thisa. Baka sa susunod na mission natin, ay hindi na tayo suwertehin." Mahabang pahayag ni Kany. Ang buong akala niya kanina ay hindi na nila masisilayan ang bagong umaga.
Malalim naman na nag-isip si Thisa. Naisip din niya na tama ang kanyang kaibigan. Panahon na rin talaga para harapin din niya ang kanyang sariling buhay. "You're right, Kany. Babalik na lang siguro ako sa Pilipinas, para doon magsimula ng panibagong buhay." Sagot ni Thisa. Napangiti rin siya, dahil sa kanyang naisip. Tila nagning-ning din ang kanyang mata, dahil sa nakita nitong bagong pag-asa para sa kanyang buhay.
"Babalik ka sa Pilipinas? Paano si Bruce? Dito na sila nakatira ng parents niya, kaya sigurado akong hindi niya gugustuhin na muling bumalik sa bansang Pilipinas. Dito na siya ipinanganak at nagka edad, sa palagay mo kaya papayag siya sa gusto mo? Paano ang mga negosyo nila dito?" Tanong ni Kany sa kaibigan. Hindi rin nito maunawaan ang gustong gawin ni Thisa. Isa itong Malaysian-Chinese, pero mas pinipili nitong manirahan sa Pilipinas.
"Hindi naman siya sasama sa akin, Kany. Ako lang ang u-uwi sa Pilipinas. May mga dapat akong ayusin doon, at ngayon na ang tamang panahon, para mailagay ko sa ayos ang lahat. Ang tagal kong pinangarap 'to." Sagot ni Thisa. Lumingon din siya kay Kany sa kinauupuan ito.
"What!? Iiwan mo siya rito? Paano ang engagement niyo?" Nagtatakang tanong ni Kany. Hindi rin nito maintindihan ang kaibigan, dahil sa plano nitong bumalik ng Pilipinas, gayong nandito sa New York ang Fiancee nito.
"Babalik ako, Kany. Gusto ko lang munang magpahinga." Sagot ni Thisa. Muli din siyang nagsalin ng alak sa kanyang baso ay inisang lagok ito. "Ikaw Kany, kailan mo balak mag-asawa?" tanong ni Thisa sa kaibigan, ngunit hinddi ito sumagot. Napatingin si Thisa sa kinauupuan ni Kany at nakita niyang nakapikit na ang kanyang kaibigan. Nakatulog na pala ito sa single Sofa na paborito nitong upuan. Naka pahalang ang katawan nito sa upuan, habang ang ulo nito ay nakasandig sa gilid ng sandalan.
Napa iling na lang si Thisa, dahil hindi niya alam na tinulugan na pala siya ng kanyang kaibigan, kaya ipinikit na rin ni Thisa ang kanyang mga mata, upang makatulog na rin siya kahit isang oras lang. May fashion show pa siya mamayang gabi, kaya kailangan niyang matulog. Magmula nang dumating siya sa New York ay wala pa siyang pahinga, kaya alam niyang malalim na naman ang kanyang mga eyebag mamaya. Humiga na lang si Thisa sa malambot na Sofa at ipinikit ang kanyang mga mata, para makatulog na siya at magkaroon ng lakas mamaya.
NAGISING si Thisa, dahil sa pag Vibrate nang kanyang Cellphone. Agad niyang kinuha ito at tiningnan ang kanyang email. "Fvck!" Napamura si Thisa, dahil sa kanyang nabasa. May bago na naman siyang Mission, kaya hindi pa rin siya makakapahinga. Bumangon si Thisa, mula sa Sofa at nagtungo sa Guestroom, upang magbihis. Kumuha na lang siya ng damit sa Cabinet ni Kany ng kanyang masusuot, para maka uwi na ng kanyang bahay. Ternong pajama ang napili niyang isuot at kumuha na rin siya ng isang sport shoe ng kaibigan, upang may maisuot siya na babagay sa kanyang kasuotan. Pati ang sombrero at sunglasses ni Kany ay isinuot na rin niya, upang hindi siya makilala mamaya ng mga tao sa labas kapag may nakasalubong siya. Isa sa mga iniiwasan ni Thisa ay ang may maka kilala sa kanya at makipag selfie pa sa kanya.
Nag-iwan na lamang siya ng sulat, para sa kaibigan para malaman nito na umalis na siya. Hinakot din lahat ni Thisa ang mga kalat nila sa ibabaw ng coffee table, para maging maayos ang loob ng living area ng apartment ni Kany. Nag-alala din si Thisa na baka biglang pumunta roon ang Mommy ni Kany, at madatnan nitong marumi at magulo ang buong paligid.
MABILIS na pinatakbo ni Thisa ang kanyang BMW, pabalik sa kanyang Condo, upang makapaghanda ng maaga para sa kanyang trabaho. Muling naligo si Thisa at nagbihis. Nakasout siya ng makapal na winter cloths, saka siya naglagay ng maskara, upang hindi siya makilala ng mga tao. Nagsuot din siya ng bonnet, upang hindi liparin ng hangin ang suot niyang wig. Nilagyan din niya ng contact lens ang kanyang mga mata, upang maging blue eyes siya.
Nang masiguro niyang handa na ang lahat nang kanyang kailangan ay muli din siyang lumabas sa kanyang Condo unit. Ngunit hindi sa maindoor siya dumaan, kundi dumaan siya sa kanyang secret door na nasa sahig ng kanyang closet. Binuksan ni Thisa ang wooden floor ng kanyang walk-in closet at may kinapa siya sa semento sa loob ng butas, hanggang sa dahan-dahan na bumaba ang pinaka takip nito at nagkaroon ng lagusan sa sahig patungo sa pang-ibabang floor. Dahan-dahan siyang pumasok sa butas at bumama sa loob ng walk-in closet ng nakatira sa ibaba ng kanyang Condominium unit. Nag auto lock naman ang kanyang dinaanan, para hindi ito mapansin ng may-ari sa ibaba na may lagusan sa itaas ng closet nito patungo sa itaas na bahay. Bago tuluyang lumabas ng walk-in closet si Thisa ay tiningnan muna niyang mabuti kung may tao sa paligid, bago siya lumabas sa isang kuwarto. Nakita niyang may dalawang tao na abala sa pagniniig sa ibabaw ng kama na nasa loob ng kuwartong kanyang pinasukan, kaya halos hindi siya huminga, upang hindi siya makita ng mga ito. Hindi naman siya nakita at naramdaman ng dalawang taong hibang na hibang sa sarap ng kanilang pinagsasaluhan, kaya nakalabas siyang walang kahirap-hirap. Pagkalabas niya sa kuwarto ng magkasintahan ay mabilis naman siyang naglakad patungo sa main door ng Condo Unit, at doon siya lumabas, at nagmamadaling umalis sa building.
Sumakay siya ng kanyang Ducati at matulin niya itong pinatakbo, upang makahabol siya sa isang event na kinaroroonan ng kanyang next target. 2 Million USD din ang kikitain niya, kapag matagumpay niyang nailigpit ang taong ini-utos sa kanyang iligpit niya.
Naisip din ni Thisa na sayang pa ang kikitain niyang 2 Million USD. Napakadali ng ipinapagawa sa kanya at hindi rin siya pagpapawisan sa kanyang gagawin. Easy money ang 2 Million sa kanya at mabilis din na papasok ito sa kanyang account, kapag natapos ang kanyang trabaho.