BACK TO BACK-3‼️

1320 Words
GUMAPANG patungo sa pinaka loob ng Laboratory sina Thisa at Kany, upang hindi sila mahagip nang mga ɓàĺà ng kalaban. Tuloy-tuloy kasi ang pagpapa ulan ng mga ito sa kanila, kaya mabilis silang gumapang at nagtago sa loob. Nagtago si Thisa sa ilalim ng isang table sa likod ng isang wall. Si Kany naman ay nasa likod ng isang malaking machine na ginagamit nilang mag sealed ng mga gamot. Dahil sa pag-aalala ni Kany na baka hindi sila makalabas ng buhay sa lugar, dahil sa mga itinanim nilang b*mba sa paligid ay bigla niyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Nagbabakasakali siyang may makita siyang puwede nilang lusutan ni Thisa, bago sumab*g ang mga Time B*mb. "Lady Hawk, there!" Pagtawag ni Kany sa kaibigan, saka itinuro ang kesame. Napatingin naman si Thisa sa taas, upang malaman kung ano ang itinuturo sa kanya ni Kany. Biglang nanlaki ang mga mata ni Thisa, dahil sa nakita. Nagkaroon din siya ng pag-asa, dahil sa kanyang nakikita sa taas ng kanyang pinagtataguan. "A ventilation shaft." Sabi ni Thisa. Napatingin siya kay Kany, saka nagbigay ng isang makahulugang ngiti, bago muling nagsalita. "It's our only chance. We need to get out of here before this place blows. Come on, move!" Nagmamading wika niya. "You go first. I'll cover your back." Sagot ni Kany, saka ito naglabas ng isang tearg@s mula sa kanyang bag, at hinanda para ibato sa kalaban. Agad na lumabas si Thisa, mula sa kanyang pinagtataguan at mabilis na tumuntong sa ibabaw ng lamesa. Binuksan niya ang maliit na pinto ng ventilation shaft at mabilis siyang umakyat sa taas at doon nagtago. Kinuha niya ang kanyang Latigo, saka nilaglag ang dulo nito para may makapitan si Kany, at mapabilis ang pag-akyat ng kaibigan. Mabilis naman na pinalitan ni Kany ang m@gazine ng kanyang dalang arm@lite, saka pinaulanan ng b@la ang mga lalaking humahabol sa kanila. Kitang-kitang niya ang mabilis na nagpulasan ang mga lalaki at nagtago ang mga ito sa labas ng pintuan ng Laboratory. Ibinato rin niya ang tearg@s sa may pintuan, saka mabilis na tumakbo upang sundan si Thisa. Hinawakan ni Kany ang dulo ng Latigo ni Thisa at ipinulupot ito sa kanyang kamay, upang hindi siya mahulog kapag hinila na ito ni Thisa. "Full me up!" Malakas na sabi ni Kany. Nag-aalala kasi siya na baka biglang lumabas ang mga kalaban at siya naman ang pagbabar*lin ng mga ito. Agad din na hinila ni Thisa ang Latigo, kaya mabilis na naka akyat si Kani at nagtago sa loob ng kesame. Magkasunod silang dalawa na gumapang, at sinundan ang mas*kip na butas ng ventilation shaft, upang makalabas sila sa lugar na iyon. Kahit na mahirap gumapang sa makip*t na but@s ng ventilation shaft ay itinuloy pa rin nila, para makalabas sila doon. Hanggang sa makarating sila sa hangganan ng Ventilation shaft at nakita ni Thisa na pataas naman ang kanilang dadaanan. "We need to climb up this shaft. I see a light above. It's pretty high and risky, though." Pagbibigay alam ni Thisa sa kaibigan. "We have to keep trying. This is our only way out. You go first, and I'll follow close behind." Sagot ni Kani. Kahit alanganin siya sa kanilang gagawin dahil wala naman hagdan ang gagawin nilang pag-akyat ay pipilitin niyang makalabas sa pamamagitan ng pag-akyat sa shaft. Nagsimula ngang umakyat si Thisa sa maliit na butas ng ventilation shaft. Nakabuka ang dalawang paa ni Thisa at ang dalawang kamay naman niya ay nakahawak sa magkabilang gilid. Sabay na itataas ni Thisa ang kanang kamay at paa niya, saka naman pagsasabayin ang kaliwa, upang mabilis siyang makarating sa taas. Nakasunod lang si Kany sa kanya at kahit nahihirapan ito ay pilit pa rin niyang kinakaya na maka akyat siya at makalabas ng buhay mula sa lugar na iyon. Medyo nahihirapan siya, dahil sa mabilog niyang pang upo. Mabuti si Thisa at maliit ang katawan nito, konpara sa kanya. "Move, Wild Eagle! Ang laki kasi ng balakang mo, kaya na-i-ipit ka!" Wika ni Thisa sa kaibigan. Sexy naman si Kany, pero sadyang mabilog talaga ang balakang nito, kaya medyo nahihirapan siyang makalusot sa makipot na but@s ng shaft. Pa-akyat pa sila, kaya hindi ito makakilos ng malaya. "Ikaw na ang walang puwet!" Asar na sagot ni Kany. Naiinis siya sa kaibigan, dahil alam na nga nito na nahihirapan siyang maka akyat sa makipot na lagusan na iyoin, tapos ipapamukha pa sa kanya ang malaki niyang balakang. "Holly SHIIIIT! Two minutes left, move!" Pasigaw na wika ni Thisa, dahil sinulyapan niya ang kanyang wrist watch, kaya nakita niya rito na dalawang minuto na lang ang natitira sa kanila, para makalayo sa lugar. Parang bigla naman lumiit ang katawan ni Kani, dahil bigla na lang itong bumilis sa pag-akyat. Hanggang sa makarating sila sa isang exit nito sa side ng pader, palabas sa likod ng building. Sinipa ng malakas ni Thisa ang takip ng exit, upang makalabas sila. Ilang beses pa niya itong sinipa ng malakas, bago ito tuluyang nasira at lumabas sa butas ang takip ng Ventilation shaft. Magkasunod silang tumalon sa lupa, mula sa butas ng ventilation shaft, saka mabilis din na tumayo at tumakbo palayo sa building. Nadapa pa si Kany, dahil sa dala niyang armas. Mabilis naman niya iyong itinapon at muling tumakbo ng mabilis. Ngunit hindi pa sila gaanong nakakalayo ay sùmàɓøg na ang buong gusali. Dumapa na lang sina Thisa at Kany, para hindi sila matumba. Napaka lakas kasi ng impact ng pagsabog. Parang may malaking ɓømɓà na nakatanim sa pundasyon ng building, dahil bigla na lang itong nabutas ang kinatitirikan ng Building na pinanggalingan nila at kitang kita nila ang pagbulusok pababa ng malaking building na pinanggalingan nila. Muli din tumakbo sina Thisa at Kany, dahil gumuguho na ang lupa sa paligid ng building, kaya bago sila masama sa pag guho ng lupa ay mabilis silang tumakbo pabalik sa pinanggalingan nila kanina. Ilang beses pa silang natumba, hanggang sa gumulong pa silang dalawa, pababa sa masukal na bahagi. HINGAL NA HINGAL ang magkaibigan, dahil sa pagod. Agad din silang tumayo na dalawa at muling tumakbo. Tinodo na nila ang kanilang bilis, upang iligtas ang kani-kanilang buhay sa pag guho ng lupa. Hanggang sa makarating na sila sa lugar kung saan sila nanggaling kanina. "Bakit parang may Nuclear ɓømɓ sa loob ng building? Nakapagtataka naman na guguho ng ganon ang buong paligid, kung walang Nuclear ɓømɓ na nakatanim sa ilalim. Muntik pa tayong mapasama sa pag gulo ng lupa." Tanong ni Kany sa kaibigan. Kahit hinahabol pa rin nito ang kanyang hininga ay nakuha pa rin niyang maalala ang mga naganap kani-kanina lang. "Yan din ang iniisip ko. Nakapagtataka ang nangyari dito. Hindi ko rin maintindihan. Siguro nga, tama ka." Sagot ni Thisa. Muli din silang naglakad patungo sa isang cliff, upang doon muling tumalon, gamit ang Paraglider nila. Naka abang naman sa kanila ang helicopter sa malapit sa may bangin, upang sunduin sila at ibalik sa New York City. Magkasunod na tumalon sina Thisa at Kany mula sa itaas ng cliff, saka lumipad patungo sa helicopter na naghihintay sa kanila sa di kalayuan. Umaga na nakarating sa New York ang magkaibigan. Magkasunod ang kanilang mga kotse na umuwi sa Apartment ni Kany. Napagkasunduan kasi nilangmagkaibigan na sa Apartment na lang ni Kany sila mag-iinuman, para hindi na sila mapagalitan ni Bruce kung u-uwi ang lalaki sa Condo ni Thisa. "Maligo muna ako, bes, para mas masarap uminom kapag bagong paligo tayo." Paalam ni Kany, saka siya pumasok sa sariling kuwarto. "Maliligo rin ako, pahirap ng damit." Sabi ni Thisa. "Sa guestroom kana maligo, bes. May mga dait ako sa loob ng cabinet sa loob. Pumili kana lang ng isusuot mo doon." Sagot ni Kany, saka isinara ang pinto ng klanyang kuwarto. Naglakad naman si Thisa, patungo sa guestroom at doon gumamit ng banyo. Pakiramdam din niya ay may dala siyang isang kilong uling at alikabok, galing sa ventilation shaft na dinaanan nila kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD