TULALA‼️

1686 Words
TANGHALI na nagising si Thisa, kinabukasan. Nagtaka pa siya kung bakit siya nakatulog sa Sofa nang kanyang Library. Nagtataka siyang bumangaon mula sa Sofa. Ngunit bigla niyang nasapo ang kanyang ulo, dahil sa sakit na naramdaman niya. Para itong mabibiy@k sa sakit at ang lakas din ng pint*g nito. Hanggang sa maalala niya ang ginawa niyang pag-inom kagabi, kaya napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang dalawang palad. Malakas ang alak na ininom niya kagabi, kaya ganon na lamang ang kanyang hang-over ngayong araw. Madali din siyang natamaan ng alak dahil na rin sa pag-inom niya ng biglaan, samahan pa ng pagod at puyat niya mula sa kanyang pinuntahan. Napatingin din siya sa paligid ng Library at nakita niya ang mga basag na salamin sa sahig, nagkalat na bulaklak at mga nagkalat na pillow sa sahig. Dahan-dahan niyang ibinaba ang dalawa niyang paa at inapak ito sa sahig. Ingat na ingat din siya upang hindi siya masugatan sa mga nagkalat na basag na salamin. Naka tip toe din siyang naglakad palabas ng kanyang Library, saka nagtungo sa hagdan ng mansion at umakyat sa kanyang kuwarto. Kahit napakabigat nang pakiramdam ng kanyang ulo, dahil sa nainom kagabi ay pinilit pa rin niyang makapunta sa kanyang sariling kuwarto. Pagpasok niya ng kuwarto ay agad din siyang nagtungo sa loob ng banyo, upang maligo. Ang init din nang kanyang pakiramdam, dahil sa alak na kanyang ininom kagabi, Naligo siya ng malamig na tubig, upang maibsan ang init na nagmumula sa loob ng katawan niya. Nagtagal din siya sa tapat ng rain shower, dahil gumagaan ang kanyang pakiramdam sa malamig na tubig nito. Nakatingala din siya at itinapat ang kanyang mukha sa rain shower, dahil gusto niya ang pakiramdam na bumubuhos sa kanyang mukha ang malakas na buga ng shower. Para kasing nama-massage ang kanyang mukha, kasama ng kanyang noo sa lakas ng tubig, kaya nagtagal siya sa paliligo. Matapos na maligo ni Thisa ay saka pa lang siya nag toothbrush at naglagay ng kanyang mga skin care routine sa katawan. Matapos siya sa banyo ay pumasok naman siya sa loob ng walk-in closet at nagbihis ng kanyang pambahay. Isang maikling cotton shorts at lumang T-shirt ang isinuot ni Thisa, dahil wala naman siyang balak lumabas ngayong araw. Bago siya lumabas ay kinuha muna niya sa loob ng dry cabinet ang kanyang Cellphone at dinala sa kuwarto. Lumabas si Thisa, at umupo sa kanyang kama. Kinuha niya ang telepono sa ibabaw ng side table at tinawagan ang kanyang Mayordoma, upang magpahatid ng kanyang pagkain. Tinatamad si Thisa na bumaba sa dining area, kaya minabuti na lang niyang magpahatid ng kanyang lunch sa sariling silid. Agad naman siyang dinalhan ni Ate Lilia ng kanyang pagkain. Kanina pa siya nito hinihintay magising, upang mapakain nila ito ng tanghalian. Alam nilang marami ang nainom ni Thisa kagabi, dahil halos maubos nito ang laman na alak ng bote ng Martell sa ibabaw ng Bar Counter. Ipinag luto ni Ate Lilia si Thisa ng Collagen soup, para mabilis makabawi ang katawan ng amo sa paglalasing nito kagabi. Mayroon din siyang nilutong Sweet and sour pork, chilli prawn at beef broccoli. Kapag nasa Mansion si Thisa ay talagang nagluluto siya ng maraming klase ng ulam, dahil iyon ang bilin ni Thisa sa kanya. Kaugalian kasi ng pamilya ni Thisa sa Malaysia na maraming uri ng putahe ang kanilang kakainin sa bawat kainan. Kaya ganito rin ang gustong ihanda sa kanya ng kanyang Mayordoma. May kasama na rin itong dessert, para may kainin siya after niyang kainin ang kanyang lunch. Magkasama sina Ate Lilia at Nelma na naghatid ng pagkain sa kuwarto ni Thisa. Kumatok muna sila ng tatlong beses, bago sumagot si Thisa. "Come in!" malakas na tinig ni Thisa. Agad na pumasok ang dalawa at binati nila si Thisa. "Magandang tanghali, ma'am. Heto na po ang lunch niyo." pagbati ni Ate Lilia sa amo. "Magandang tanghali ma'am." nahihiya naman na pagbati ni Nelma sa amo. Inilapag nila ang mga dala nilang pagkain sa ibabaw ng coffee table ni Thisa sa loob ng kuwarto nito. Inayos din ni Nelma ang mga bulaklak na dala niya, at inilagay ito sa flower vase sa ibabaw ng coffee table ni Thisa, saka mabilis na lumabas ng kuwarto. Naiwan naman si Ate Lilia sa loob, upang makausap si Thisa. "Thank you." matamlay na sambit ni Thisa. Agad din niyang hinigop ang Collagen Soup na niluto ni Ate Lilia para sa kanya. "Ate, thank you dito sa Collagen Soup, kailangan ko ito ngayon." pasalamat niya sa Mayordoma. Nagsandok na rin siya ng ulam at inilagay sa kanyang plato at nasimulang kumain. Kailangan niyang kumain ng marami, upang manumbalik agad ang lakas ng kanyang katawan. Balak na kasi ni Thisa na muling bumalik sa kanyang trabaho, kaya kailangan niyang magkaroon ng lakas upang maging handa siya sa laban na kanyang kakaharapin. "Ma'am, mawalang galang na po. Huwag sana niyong masamahin ma'am, pero nag-aalala lang po ako sa inyo. Ma'am, may problema po ba kayo? Makikinig po ako kung kailangan niyo ng kausap."alanganin na tanong ni Ate Lilia. Pinipisil-pisil din niya ang kanyang kamay, habang nakalagay ito sa kanyang likod at nakatayo ng tuwid sa harapan ni Thisa. "Ate Lilia, salamat sa concern mo sa akin. Ayos lang ako, Ate, pagod lang ako kagabi kaya ako uminom. Pero hindi ko naman namalayan na naparami na pala ang nainom ko, kaya hindi ko na alam ang mga ginagawa ko." sagot ni Thisa. Ngumiti din siya sa babae, upang maniwala ito sa kanya at muling ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. "Ganon ba ma'am? Sige po at bababa na ako. Lilinisan pa po namin ang Library niyo, ma'am, para matanggal lahat ang kalat sa loob." paalam ni Ate Lilia. Tumango lang si Thisa sa kanya, saka muling ipinagpatuloy ang pagkain. Akma na sanang lalabas ng kuwarto si Ate Lilia, nang maalala niya ang pag-uwi ni Bruce. "Siya nga pala ma'am, umuwi po dito si Sir Bruce noong nakaraang linggo. Mahigit isang linggo din po siyang nagtigil dito. Nagkaroon pa nga ng party dito sa bahay para sa birthday niyo, pero hindi po kayo umuwi. Galit na galit din po ang pinsan niyo, dahil hindi nila kayo nadatnan dito sa bahay." sabi ni Ate Lilia. Muling napatigil sa pagsubo si Thisa, dahil sa narinig. Muli din niyang na alala ang huling usapan nila ni Bruce nang gabing iyon, bago siya umalis. Nasabi pala sa kanya ng lalaki na uuwi ito ng Pilipinas at tutuloy sa kanyang bahay. Pumayag din siya sa plano ni Bruce, pero bigla na lang itong nawala sa isipan niya. "Umalis na ba si Bruce? Hindi ba siya galit sa akin?" malumanay na tanong ni Thisa. "Umalis na siya ma'am. Maaga po siya umalis kahapon, at bumalik na po sa America. Pinapasabi rin po niya na magkita na lang daw po kayo sa New York." sagot ni Ate Lilia. Tumango si Thisa, saka muling nagsalita. "Thank you, Ate." pasalamat ni Thisa, saka siya muling sumubo. "Wala po'ng anuman, ma'am. Babalik na po ako sa kusina." paalam ni Ate Lilia. "Hmm!" tugon ni Thisa, dahil kasalukuyan niyang nginunguya ang kanyang pagkain. Agad na lumabas ng room si Ate Lilia, upang bumalik sa kusina. Alam din nitong may inililihim si Thisa sa kanya, ngunit hindi na siya nag usisa pa. Isinara din ni Ate Lilia ang pintuan, saka siya naglakad patungo sa hagdan upang makabalik sa kusina. TULALA si Thisa, habang nakaupo sa balcony ng kanyang kuwarto. Hawak din niya ang kanyang cellphone, ngunit hindi naman niya ito ini-on. Pinapaikot-ikot lang niya ang kanyang cellphone, habang nakatanaw siya sa labas ng bahay. Malakas din ang hangin sa balcony, kaya natatangay ang mahaba niyang buhok. Hanggang sa mariing ipikit ni Thisa ang kanyang mga mata, dahil sa malalim niyang pag-iisip. Hanggang mapagpasyahan niyang i-on na ang kanyang Cellphone at tingnan ang mga messages nito. Pagka-on pa lang ng cellphone ay sunod-sunod na kaagad ang pagpasok ng mga messages. Pati ang mga missed calls ay pumasok din. May mga email din siyang natanggap, kaya ito ang una niyang binuksan. "TOP SECRET" Ito ang una niyang nabasa sa bungad ng email. Galing ito sa kanyang boss, kaya agad itong binuksan ni Thisa, upang mabasa ang nilalaman. Hindi rin basta-basta mabubuksan ang mga email, galing sa Sky Oasis na kanyang kinabibilangan. Mayroon silang mga code at password na ilalagay, bago mabuksan ang App nila. Kailangan din nang facial recognition at thumb mark, saka muling ilalagay ang kanyang agent code, bago nito tuluyang mabasa ang mga mensahe para sa kanya. Matapos mabasa ni Thisa ang message ay agad siyang tumayo, mula sa kanyang pagkakaupo sa balcony. Malalaki ang kanyang hakbang na nagtungo sa loob ng kanyang walk-in closet at mabilis na nag empaki ng mga gamit. Na-isip ni Thisa na mas magandang nasa mission siya, kaysa sa nakatulala siya at nag-iisip ng malalim sa loob ng kanyang bahay. Kaya minabuti niyang bumalik na lang sa America, upang hindi na siya makapag isip nang kung anu-ano at makaramdam ng lungkot. May Ticket na rin siya, kaya hindi na niya kailangan magpa-book pa ng panibagong flight. Nag email na lang siya sa airline, upang i-confirm ito. Priority ang Ticket ni Thisa, kaya anytime ay makakasakay siya ng eroplano, pabalik sa America. KINABUKASAN ay muling nag paalam si Thisa sa kanyang mga kasambahay, upang bumalik sa kanyang trabaho sa America. Ibinilin din niya ang kanyang bahay sa Mayordoma, upang mabantayan at malinisan ito kahit wala siya. "Ate Lilia, kayo na ang bahala dito sa bahay. Ang mga halaman ko, huwag pabayaan. Ang mga bintana, once a week niyo linisan at yung kuwarto ko, every week pa rin niyo palitan ang bed sheet, para hindi maalikabok. Araw-araw kailangan magpunas sa mga gamit, para hindi kumapal ang alikabok at manatiling shiny at mukhang bago ang mga gamit ko. Baka next month na ulit ako makabalik dito." bilin ni Thisa. "Huwag po kayong mag-alala ma'am. Hindi po namin pababayaan ang bahay niyo." sagot ni Ate Lilia. Nasanay na rin sila na laging bukambibig ni Thisa na dapat alagaan ang mga halaman nito, linisan ang mga bintana, at araw-araw na punasan ang mga kagamitan sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD