MARTELL‼️

1588 Words
"Ma'am, kumain muna kayo bago umakyat sa kuwarto niyo." offer ni Ate Lilia kay Thisa. Agad kasi itong tumalikod si Thisa, pagkaubos ng pangatlong baso ng tubig. "Dalhan mo na lang ako sa kuwarto." sagot ni Thisa, ngunit hindi man lang ito lumingon sa mga kasambahay. Parang sinasadya nitong hindi ipakita ang kanyang mukha sa mga kasambahay, upang itago ang kanyang tunay na nararamdaman. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa may hagdan at umakyat sa taas. Sinundan na lang ng tingin ng mga kasambahay si Thisa, habang papalayo ito sa kanila, hanggang umakyat sa hagdan si Thisa ay nakatingin sa likod niya ang mga kasambahay. Naging palaisipan din sa mga kasambahay ang biglang pagsulpot nito sa loob ng bahay na hindi nila namamalayan ang pagdating nito. Lagi rin nagbo-bosina ang sasakyan ni Thisa, kahit pa nakikita ang pagdating niya ng guard, upang malaman nila sa loob ng bahay na dumating na ito. Ngunit ngayon ay hindi nila ito nakita at narinig na dumating. Saan ito galing at bigla na lamang ito sumulpot sa loob ng kusina. "Ate Lilia, may kapangyarihan ba si ma'am, bakit bigla na lang nawawala at sumusulpot? Baka marunong siyang mag-teleport, kaya hindi natin siya namamalayan kung gusto niyang umalis at ganon din kung babalik?" tanong ni Nelma. Ang lakas din ng kaba ng kanyang dibdib, dahil sa biglang paglitaw ni Thisa sa kanilang harapan. Nanunuod kasi sila ng TV sa loob ng kusina, kaya hindi nila namalayan ang pagpasok ni Thisa sa loob. Medyo mataas din ang kinalalagyan ng flat screen TV nila sa kusina kaya medyo nakatingala sila, habang nanunuod ng Tele-nobela sa TV. Patapos na rin ang kanilang pinapanuod kaya nakatutok talaga sila sa TV. "Anong kapangyarihan ang pinagsasasabi mo dyan? Hindi naman Tele-nobela ang buhay ni ma'am, para magkaroon ng kapangyarihan. Teleport? Sa TV lang yan nangyayari, hindi sa totoong buhay! Hindi naman Sanggre si ma'am Thisa, paano yun magteleport?." sagot ni Ate Lilia. Kinutusan din niya si Nelma, dahil sa sinabi nitong nagte-teleport si Thisa. "Aray ko naman Ate, masakit yun ah!" reklamo ni Nelma, habang hinahaplos ang kanyang ulo na nasaktan. Nalukot din ang mukha ng dalaga, dahil sa ginawa ni Ate Lilia sa kanya. "Hala! Pasok na sa loob at magpahinga. Maaga pa tayong gigising bukas para mamalengke. Kailangan may maluto akong masarap para kay ma'am. Nakakahiya naman kung ano lang ang ipakain natin sa kanya." sabi ni Ate Lilia, nauna na rin siyang pumasok sa kusina upang mailigpit niya ang mga kalat bago siya pumasok sa kanyang kuwarto. "Ate Lilia, diba sabi ni ma'am na dalhin na lang sa kuwarto niya yung pagkain niya? Dalhan muna natin ate, baka hindi pa kumakain si ma'am. Kawawa naman, mukhang nanghihina din siya at parang malungkot ang mukha niya ngayon. Malalim din ang mga mata, parang hindi natutulog." sabi naman ni Jelyn. Tahimik lang siya kanina, pero hindi nakaligtas sa mapanuri niyang mata ang mukha ni Thisa. "Ay! Oo nga pala. Mabuti ipinaalala mo. Matanda na talaga ako, nagiging makakalimutin na." sagot ni Ate Lilia. Agad din siyang kumuha ng plato para kay Thisa at inilabas ang mga pagkain na ipapainit. "Mabuti na lang at mayroon akong nilutong pancit." sabi pa niya, saka niya isinalang ang kawali at sinindihan ang apoy ng kalan. "Ate, yun misua na lang lutuin mo. Huwag yan pancit na tira natin. Baka hindi rin yan kainin ni ma'am. Alam mo naman na ayaw niya ang ipinapainit na pagkain. Hindi pinoy ang amo natin ate, nakalimutan mo na ba?" paalala ni Jelyn. Kinuha din niya ang tupperware na may laman na pancit at ibinalik sa ref. " Tayo na lang kakain nito bukas, Ate. Masarap ito na agahan kasama ng kape." sabi pa ng dalaga. Lagi kasing sinasabi ni Thisa sa kanila na hindi dapat na ipinapainit ang tirang pagkain, dahil hindi maganda sa kalusugan. Sa chinese culture kasi ay talagang ipinagbabawal nilang kainin muli ang mga pagkain na hindi nila naubos. Kapag naihain na sa table, kailangan ubusin, kung may matira ay itatapon. Masama na ibinabalik sa table ang mga pagkain na hindi naubos. "Naku, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko nakalimutan ang mga pamahiin ni ma'am?" sabi ni Ate Lilia. Parang maiiyak na rin siya, dahil sa mga hindi pagkakasunod-sunod ng kanyang trabaho. "Ako na ang magluluto ate. Magpahinga kana sa kuwarto mo. Ako na bahala dito." sabi ni Jelyn. "Sige, Jelyn. Ikaw na ang bahala sa amo natin, mauna na ako sa kuwarto." sagot ni Ate Lilia, at lumabas na nga ito ng kusina. Kinuha ni Jelyn ang maliit na caserola at nilagyan ng tubig, saka isinalang. Si Nelma naman ay inilabas ang lagayan ng mga frozen seafoods at kumuha ng tatlong malalaking prawn, dalawang crab stick, fishball at giniling na karne. Naghugas din siya ng ilang tangkay ng petchay para may gulay ang misua soup na lulutuin nila. Matapos maluto ng misua soup ay isinalin na nila ito sa malaking bowl at nilagyan ng hiniwang sili na labuyo sa ibabaw. Mahilig din kasi sa sili si Thisa, kaya lagi silang may nakahandang sili sa ref. Magkasunod na umakyat sa taas sina Jelyn at Nelma, upang hatiran ng pagkain si Thisa. Kumatok muna si Nelma ng tatlong beses, bago nito pihitin ang door knob. Hindi nila nakita si Thisa sa kama nito, ngunit narinig naman nila ang lagaslas ng tubig sa banyo, kaya alam nilang nasa loob ito ng banyo at naliligo. Iniwan na lang nila ang tray sa ibabaw ng coffee table sa loob ng kuwarto ng amo at lumabas. MATAPOS mag shower ni Thisa ay kumain muna siya ng misua soup na hinatid ng kanyang kasambahay. Isa rin sa paborito niyang kainin ang misua soup, dahil isa ito sa nakasanayan niyang pagkain sa Malaysia. Dahil sa matinding gutom, ay naubos niya ang kanyang pagkain. Ilang minuto pa siya umupo sa sofa at nag-isip, bago tumayo at binuhat ang tray, saka lumabas ng kuwarto upang ibalik ang pinagkainan sa kusina. Pagkababa niya ng tray sa kitchen table ay muli din siyang lumabas at nagtungo naman siya sa kanyang Bar Counter. Kumuha siya ng baso sa loob ng cabinet at nilagyan ng ice, saka siya nagbukas ng isang boteng Martell at nilagyan ang baso. Hinawakan niya ang baso at inikot-ikot ang laman nito, upang maghalo ang ice at alak para hindi matapang kapag iinumin. Ang Martell ay isa sa mga matatapang na Cognac at napakamahal din nito sa merkado. Laging bumibili si Thisa ng Martell sa Duty Free, kapag uuwi siya ng Pilipinas, kaya napakarami niyang ipon nito sa Cabinet. Sunod-sunod ang ginawang pag-inom ni Thisa ng alak. Ang bilis din nangalahati ng Martell sa harapan niya, dahil lagi ang buhos niya sa kanyang baso. Hanggang sa magsimula nang umiyak si Thisa. Umiiyak siyang mag-isa na nakaupo sa kanyang Bar Counter. Tulog na rin lahat ang kanyang mga kasambahay, kaya walang kamalay-malay ang mga ito sa nangyayari sa kanilang amo. Kahit na dim light lang ang nagbibigay liwanag sa kanyang paligid ay maliwanag na ito para kay Thisa. Tumayo na rin siya at naglakad patungo sa loob ng kanyang Library at doon muling umiyak. "Ahhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw niya, pagkapasok pa lang niya sa loob. Doon niya pinakawalan lahat ng bumabagabag sa kanya. Pinagsusuntok din ni Thisa ang Sofa sa loob ng Library at binatiktad pa ang glass table sa harapan niya na agad din nabasag. Sinipa niya ang basurahan, kaya lumipad ito sa isang sulok. Nakita din niya ang flower vase sa side table, kaya kinuha niya ito at ibinato sa pinto ng Library, saka muling sumigaw ng malakas. "Haaaaaaaah!" malakas na sigaw ni Thisa. Halos mapugto na rin ang litid sa kanyang leeg, dahil sa malakas na pagsigaw nito. Kung may makakakita lamang sa kanya ngayon, tiyak na kakaawaan siya dahil sa paghihirap ng kanyang damdamin na bigla niyang inilabas. Tahimik at napaka private na tao ni Thisa, kaya sa ganitong paraan lang niya nailalabas lahat ng kanyang kinikimkim na sama ng loob, galit at pighati na siyang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Pagod na pagod din siya pagkatapos at pabagsak siyang dumapa sa malambot na Sofa at muling humagulgol ng iyak. Patuloy pa rin niyang sinusuntok ang Sofa, habang ang isang kamay naman niya ay mahigpit na nakahawak sa armrest ng Sofa. NAGISING naman ang mga kasambahay, dahil na narinig nilang bumagsak at nabasag. Nasa kabilang pader lang kasi ng Library ang kanilang kuwarto, kaya naramdaman nila ito mula sa kanilang tulugan. "Ano yun!?" gulat na napabalikwas ng bangon si Ate Lilia, dahil sa gulat niya sa narinig niyang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay at nabasag na salamin. "Ate, mukhang sa loob ng Library yun ni ma'am. Baka nagbabasag na naman siya, Ate?" kinakabahan naman na sagot ni Jelyn. Nasa iisang quarter kasi sila natutulog. May mga divider lang na naghahati ng kanilang mga higaan, upang magkaroon ng privacy ang bawat isa sa kanila. Kaya nagkakarinigan din sila sa loob kapag may nagsalita ng malakas. "Ito na nga ba ang sinasabi ko! Alam ko na noon pa, na kapag nawala si ma'am dito sa bahay na walang paalam, sigurado iiyak at magwawala na naman siya pagbalik dito. Ano bang problema ni ma'am, bakit siya ganyan kapag bumabalik siya rito galing sa paglalayas niya?" naguguluhang tanong ni Ate Lilia. Nanginginig din siya sa takot, dahil sa pagkagulat niya sa mga malalakas na tunog na naririnig niya mula sa loob ng Library. NAKATULOG naman si Thisa sa Sofa na nasa loob ng kanyang Library. Matapos siyang mag-inom at umiyak kanina ay tuluyan din siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD