EXCITED SI THISA‼️

1443 Words
PAGLABAS NI THISA sa Airport ay agad din siyang sumakay sa kotse na sumundo sa kanya. Naka ngiti pa niyang binati ang kanyang driver at kinumusta ito. Pakiramdam ni Thisa ay para siyang nakalaya sa isang hawla, dahil sa naging disisyon niyang pagtigil sa kanyang trabaho. Kahit hindi naman siya magtrabaho ay hindi na siya maghihirap. Napaka dami na rin niyang napundar dahil sa pagiging assassin niya. Hindi rin biro ang mga halagang kinita niya sa bawat hinawakan niyang Mission. Sa ngayon ay puwede na siyang tumigil at mamuhay ng tahimik at malaya. PAGDATING ni Thisa sa kanyang Mansion ay sinalubong naman siya ng kanyang mga kasambahay. May naka lagay pang Banner na may naka sulat na 'Welcome Back Home Ma'am Thisa' sa harapan ng main door ng kanyang bahay. At may mga balloons din na nakasabit sa buong paligid na may naka sulat na 'Welcome Home'. Sabay-sabay din siyang binati ng kanyang mga matatapat na taga paglingkod. "Welcome Back Home, Ma'am Thisa!..." Sabay-sabay na pagbati sa kanya ng mga kasambahay. May pina put*k pa silang Confetti, kaya nagsaboy ang mga colorful na bagay na nagliparan sa paligid. "Thank you sa inyong lahat. Masaya ako dahil sa pa-surprise niyong ito. Salamat!" Pahayag ni Thisa sa mga kasambahay. Niyakap din niya ang mga ito isa-isa, at kinamusta. May hinanda rin salo-salo ang mga kasambahay, kaya masayang kumain ang lahat sa dining area. Nahiya pa ang mga kasambahay at ibang nagta-trabaho sa Mansion ng yayahin sila ni Thisa na sumabay sa kanya sa pagkain. Gusto ng mga ito na sa kusina na lang sila kakain, ngunit hindi pumayag si Thisa na hindi sila kumain nang sabay-sabay at pagsaluhan ang kanilang mga niluto. Naglabas din ng alak si Thisa, para sa mga gustong uminom. Para kay Thisa ay isang Celebration ang kanilang gagawin, dahil sa pagsisimula niyang muli sa kanyang buhay. Hangad din niya ang kaayusan at kapayapaan na lagi niyang inaasam-asam sa buhay. Matapos ang kanilang salu-salo ay nagpaalam na si Thisa na aakyat sa kanyang kuwarto, upang makapagpahinga. Ngunit pagdating niya sa loob ng silid ay hindi naman siya dalawin ng antok, kaya muli siyang bumangon at inayos ang kanyang mga gamit. Aalis siya mamayang hating -gabi, upang magtungo sa isang lugar kung saan niya gustong mamuhay ng tahimik, gaya ng pangarap niya. KINAGABIHAN ay naghanda si Thisa sa kanyang pag-alis. Dala din niya ang mga binili niyang pasalubong. Inilagay niya ang mga ito sa loob ng kanyang maleta at binuhat din nito ang isang Hello Kitty Stuff toy na binili niya sa New York. Yakap niya ang Hello Kitty, habang bitbit naman niya ang isang maleta pababa sa hagdan. Pumasok siya sa loob ng kanyang Library at doon siya dumaan sa secret passage niya sa basement ng bahay, patungo sa isa pa niyang bahay na nasa kabilang Lane ng Subdivision. Hinila ni Thisa ang isang libro, kaya bumukas ang pinto na nasa likod ng book shelves. Bumungad sa kanya ang isang spiral staircase, at doon siya bumaba para makadaan sa tunel patungo sa isa pa niyang bahay. May ilaw din sa loob ng tunel, kaya maliwanag ito sa loob. Pagdating niya sa kabilang bahay ay lumabas ulit siya sa Library niya sa bahay na iyon. Muli niyang isinara ang secret door ng secret tunel niya, saka binuksan ang pinto ng Library at doon lumabas. Muli din niyang isinara ang pinto ng Library, upang walang makapok sa loob nito. Kahit pasukin pa ito ng mga masasamang loob ay hindi nila kayangbuksan ang Library niya, ganon din ang buong kabahayan. May double lock ang pintuan ng Library niya, kaya hindi ito basta-basta mapapasok ng magnanakaw. Mayroon din security alarm system ang buong bahay, kaya mag auto-lock ito kapag may nagtangkang pumasok sa loob. Lumabas si Thisa sa kanyang bahay at sumakay siya sa kanyang kotse na nakatago sa loob ng parking garage niya na nasa gilid ng bahay. Pagkasakay ni Thisa sa isang bagong-bago na Porsche Macan ay agad niya itong pina andar at pinainit muna ang makina nito, saka pinindot ang remote sa harang ng garage. Dahan-dahan na tumaas ang bakal na harang ng garage, saka dahan-dahan din pinatakbo ni Thisa ang sasakyan. Muli niyang pinindot ang remote at muling nagsara ito. Kinuha naman niya ang isa pang Remote at pinindot ang button nito, kaya bumukas naman ng kusa ang auto-gate ng malaking bahay. Kung titingnan ay parang hunted house ang bahay ni Thisa, ngunit malinis ang loob nito at kompleto rin sa gamit. Lagi siyang natutulog sa bahay na iyon, kapag galing siya sa Mission, kaya malinis ang loob nito. Siya rin ang naglilinis sa loob ng buong kabahayan, dahil ayaw niyang may maka alam na sa kanya ang Mansion na iyon. Mas gusto niyang doon magpahinga, para walang mang estorbo sa kanya. Tuloy-tuloy na nag drive si Thisa patungong norte. Wala na halos mga sasakyan sa mga highway, kaya hindi na siya naipit sa traffic. Hanggang makarating siya sa may exit sa Monumento, patungong Meycauayan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Tarlac at Pangasinan. Lumabas siya ng Lungsod at muling tinahak ang expressway patungong Pampanga. Nag exit siya sa SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway) at muling sinundan ang way patungong Conception Tarlac. Kahit pagod na pagod ang katawan ni Thisa sa mahabang biyahe mula New York City to Manila ay hindi na niya ito naramdaman. Excited si Thisa sa kanyang patutunguhan, kaya wala siyang ibang naiisip ngayon kundi makarating agad sa kanyang destination. Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang kotse, para makarating kaagad siya sa kanyang destination. Tatlong oras din ang itinagal niyang nag drive, bago niya narating ang isang Hacienda na matatagpuan sa isang Barangay sa Mayantoc, Tarlac. Nasa kabukiran na bahagi na ito at malapit din sa bundok ang kinaroroonan ng Hacienda. Agad na pinagbuksan ng mga Guard ang sasakyan ni Thisa, upang makapasok ito sa loob ng bakuran ng napakalawak na lupaing sakop ng Hacienda. Kilalang-kilala na ng mga guard ang kanyang bosina at sasakyan, kaya kahit hindi nila makita ang kanyang mukha ay alam nilang siya ang dumating. Nakangiti si Thisa, habang binabagtas niya ang sementadong daan patungo sa malaking bahay na nasa gitna ng malawak na lupain. Napakaraming puno ng manga ang nadaanan niya patungo sa malaking bahay. May mga papaya, guyabano, avocado, atis at kung anu-ano pang uri ng prutas sa paligid. Pagdating sa Villa ay mayroon na naman itong gate na binabantayan ng guard. Agad siyang pinagbuksan ng guard at nag bow pa ito sa kanya, habang binabati siya nito. Napakaganda rin ng garden ng Villa. Punong-puno ito ng mga halamang namumulaklak at ang harapan ng malaking bahay ay mayroon pang mga nakahirilang paso na may tanim na bromeliads. Napakaganda nitong pagmasdan sa pagkakahirila nila pataas sa magkabilang bahagi ng hagdan. Ipinarada ni Thisa ang kanyang kotse sa tapat ng hagdan sa harapan ng Villa. Bumaba siya ng kanyang kotse at kinuha ang kanyang maleta, kasama ang malaking Hello Kitty. Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Thisa, habang may ngiti sa kanyang labi. Binuksan niya ang main door at patakbong umakyat sa hagdan ng napakalaking Villa. Tuloy-tuloy siya sa taas, saka iniwan ang kanyang maleta sa labas ng isang pinto, saka niya ito dahan-dahan na pinihit ang door knob. Kinakaban man si Thisa ay binuksan pa rin niya ang pinto at humakbang papasok sa loob ng kuwarto. Napakalawak ng kuwarto, kaya naglakad pa siya patungo sa kama na nasa pinaka gitna ng kuwartong kinaroroonan niya. Biglang pumatak ang luha ni Thisa, matapos niyang mapagmasdan ang isang batang babae na mahimbing na natutulog sa kama. Maliwanag ang loob ng room dahil naka sindi ang magkabilang table lamp sa magkabilang gilid ng kama sa loob ng kuwarto. Kitang-kita ni Thisa ang maamong mukha ng batang babae na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kama upang mas malapitan pa niya ang bata at matitigan ang mukha nito. Hindi na rin napigilan ni Thisa ang kanyang damdamin, dahil bigla na lang siyang umupo sa kama at niyakap ang batang babae na nahihimbing pa rin sa pagtulog. Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi, habang pinipigilan ang kanyang sarili na mapaiyak ng malakas. Ayaw din ni Thisa na gisingin ang bata, para hindi maputol ang pagtulog nito. Inilagay din niya ang dala niyang Hello Kitty sa tabi ng bata at ipinayakap niya ito sa natutulog na bata. Ayaw pa sanang umalis ni Thisa sa tabi ng bata, ngunit kailangan niyang pumunta na sa kanyang sariling kuwarto. Makikita at makakasama pa rin naman niya ang bata, dahil napagpasyahan niyang doon na siya titira. Ngunit pagkasara niya ng pintuan ay nagulat siya, dahil sa nakatayong lalaki sa tabi ng pintuan. Nakahalukipkip ito at nakasandig sa pader sa tabi ng pinto ng kuwarto ng bata. "D-Daniel?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD