MAGKAKASUNOD na napalunok si Thisa, dahil sa gulat niya, matapos niyang makita ang lalaki. Napakatapang na tao ni Thisa, at hindi siya basta-basta nasisindak, ngunit ngayon ay halos mangatal siya sa takot. Hindi rin niya kayang kalabanin ang lalaking nasa harapan niya dahil bigla siyang nanghihina at nawawalan ang kanyang tapang kapag ito na ang nasa harapan.
"D-Daniel, k-kanina ka pa ba dyan?" Alanganin na tanong ni Thisa sa lalaki. Napaka lakas din ng kaba sa kanyang dibdib, dahil sa lalaking kaharap. Parang nabibingi rin siya sa lakas ng kanyang kaba, at tila biglang uminit ang kanyang pakiramdam, dahil sa presensya ng lalaki. Kahit hindi ito nakatingin kay Thisa at nakatitig lang ito sa wall sa harapan nito ay kitang-kita pa rin ni Thisa ang seryosong mukha ng lalaki. Hindi rin nakaligtas sa matalas na paningin ni Thisa ang pag igting ng panga nito ng ilang beses.
Dahan-dahan na lumingon si Daniel kay Thisa, saka bahagyang ibinuka ang mga labi nito at inilabas ang dila upang basahin ang kanyang labi. Bakas din sa mukha nito ang galit na nararamdaman nito sa kanyang dibdib.
"Anong masamang spiritu ang sumanib sa katawan mo, Thisa, at bigla kang umuwi dito? Wala pang anim na buwan, mula nang huli kang magpakita sa amin. Hindi pa nga umabot ng dalawang linggo ang pag-alis mo, bakit narito kana agad?" Mariin ang bawat kataga ni Daniel na tanong kay Thisa. Hindi talaga maitatago ang sakit na nararamdaman nito, dahil sa madalas na pag-alis ni Thisa. "O, baka naman naliligaw ka lang dito sa bahay? Baka hindi naman talaga dito ang gusto mong puntahan." Pauyam din na tanong ni Daniel sa babae. Nasanay na kasi siya na tuwing anim na buwan hanggang walong buwan o isang taon ang hihintayin, bago muling magpakita sa kanila si Thisa. "O, baka sumilip ka lang sa amin at nagbabaka sakaling p@tay na kami at magiging malaya kana na gawin lahat ang gusto mong gawin?" Dagdag pa nito, ngunit tila may nakabara sa kanyang lalamunan nang banggitin ang mga katagang iyon.
"Nag-resign na ako, Daniel, hindi na ako a-alis. Magkakasama-sama na tayo, magiging masaya na ulit tayo." Malumanay na saad ni Thisa. Muli din pumatak ang kanyang luha, dahil sa sayang nararamdaman niya. Ngayon ay sigurado na siya na ito nga ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Ang mamuhay ng masaya at tahimik kasama ng kanyang pamilya.
"Sinabi mo na yan dati, Thisa. Pero anong ginawa mo? Umalis ka nang walang paalam. Mas pinili mo pa rin ang trabaho mo, kaysa sa amin ng anak mo." Puno ng hinanakit na sagot sa kanya ni Daniel.
Napayuko naman si Thisa, dahil sa hiya niya kay Daniel. Parang gusto rin niyang samp@lin ang sariling mukha, dahil sa ginawa niyang pagtakas noon kay Daniel. Hindi rin niya masisi si Daniel, kung masuklam ito sa kanya. Kasalanan niya ang lahat, kaya deserve din niyang masaktan at wala siyang ibang sisisihin kundi ang kanyang sarili.
"May Contrata akong pinermahan, kaya ako bumalik sa trabaho ko. Hindi rin ako basta-basta makakaalis sa Sky Oasis, dahil natatakot ako na gamitin kayo ni Lib, para hawakan ako sa leeg. Pero ngayon tapos na ang contact ko, hindi na ako nag-renew. Tuluyan na akong nag-resign sa Organization." Sagot niya sa lalaki. Ngunit tinitigan lang siya ni Daniel na wala man lang makitang reaksyon sa mukha nito. Hindi rin niya maramdaman ang dating pagmamahal sa kanya ng lalaki. Parang ibang tao na ito kung makipag usap sa kanya.
"Kung nagawa mong umalis noon, tiyak kong magagawa mo rin ngayon, Thisa. Maliit pa si Lib, noong iniwan mo kami. Dalawang taon bago ka bumalik, pero hindi ka rin nagtatagal dito sa bahay. Mas mahalaga pa rin sa 'yo ang trabaho mo. Tapos mababalitaan ko na engage ka sa ibang lalaki, samantalang kasal ka sa akin!?" Nanggigigil na sumbat sa kanya ni Daniel. Kahit mahina lang ang boses ng lalaki, ngunit mababakas ang matinding galit nito kay Thisa.
"Daniel, diba sinabi ko na sa 'yo ang dahilan kung bakit ko yun ginawa. Wala ka bang tiwala sa akin?" Mangiyak-iyak na tugon ni Thisa. Parang hinihiwa din ang kanyang dibdib, dahil sa sakit na nararamdaman niya. Sa tuwing u-uwi na lang siya sa kanilang bahay ay ito ang pinag-a-awayan nilang mag-asawa. Laging mainit ang ulo ni Daniel, kapag may nakikita itong mga picture ni Thisa sa Internet na kasama ang Fiancee nitong si Bruce Mayers.
Bigla din tumalikod sa kanya si Daniel at naglakad patungo sa kanilang kuwarto. Sumunod lang si Thisa sa lalaki, habang hila-hila nito ang dala niyang maleta. Parang gustong umiyak ng malakas ni Thisa, dahil sa sakit ng kanyang loob. Kahit alam niyang siya ang may malaking pagkukulang sa asawa ay masakit pa rin sa kanya na marinig ang mga panunumbat sa kanya ni Daniel.
Pagkapasok ni Thisa sa loob ng kuwarto ay nakita niyang nakahiga na sa malaking kama si Daniel at nakatalikod pa ito sa gawi niya. Alam ni Thisa na galit sa kanya si Daniel, dahil mas pinipili niyang umalis at mamuhay na mag-isa at malayo sa kanila ni Lib.
Mag walong taon na rin si Lib, at mayroon na itong isip. Malayo ang loob ni Lib sa kanya at ayaw siyang kilalanin na ina nito. Kahit sinasabi ni Daniel na siya ang tunay na mommy nito ay mailap pa rin ang bata sa kanya. Ito ang isa sa mga ikinasasama ng loob ni Thisa, dahil sarili niyang anak ay malayo ang loob sa kanya at ayaw siyang makita at makasama.
Ipinasok muna ni Thisa sa loob ng walk-in closet ang kanyang maleta, saka pumasok sa banyo, upang maglinis ng katawan. Hindi naman siya nagtagal sa loob ng banyo, dahil inaantok na siya. Ngayon niya naramdaman ang matinding pagod niya at puyat sa nagdaan na halos dalawang lingo na wala siya sa Pilipinas. Nagsuot siya ng kulay pulang nighties na above knee ang haba, saka dahan-dahan na lumapit sa higaan at humiga sa kanyang puwesto. Sinulyapan pa niya si Daniel, bago siya pumikit, ngunit hindi man lang ito gumalaw sa pagkakatalikod nito sa kanya.
Hinila ni Thisa ang comforter at itinakip sa kanyang katawan, saka tumalikod din ng higa, upang hindi na niya makita si Daniel. Mas lalo lamang siyang nasasaktan, dahil sa pag-ignore sa kanya ng sariling asawa. Muling umagos ang luha ni Thisa, dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Parang hinihiwa ang kanyang puso, dahil sa hapdi nito. Tinakpan din niya ang kanyang bibig, upang hindi lumabas ang kanyang boses na humihikbi.
Hindi rin maintindihan ni Thisa ang kanyang sarili, dahil pagdating na sa asawa't anak ay nagiging malambot siya. Ngayon napatunayan ni Thisa na hindi pa rin siya totoong dem0ny0, dahil nakakaramdam pa rin siya ng sakit at awa sa sarili. Matigas man ang kanyang loob at wala siyang awa na kumitil ng buhay ng tao kapag nasa gitna siya ng laban, ngunit sa sarili niyang tahanan ay isa pa rin siyang tao na may pakiramdam. Isang babae na nagmamahal at nasasaktan. Isang ina na nangungulila sa kanyang anak at isang ina na gagawin ang lahat para ma-protektahan ang kanyang anak.
Naka handa na rin si Thisa na harapin ang kanyang anak. Ano man ang sabihin at gawin sa kanya ngayon ng kanyang anak ay tatanggapin niya ng maluwag sa kanyang dibdib. Hinihiling din niya sa panginoon na sana, bukas pag gising niya ay marinig niyang tawagin siya ni Lib na Mommy at yakapin ng mahigpit at halikan siya sa kanyang pisngi. Kahit malaki na si Lib, ay gusto niya itong buhatin at isayaw ng isayaw, hanggang pareho silang mapagod ng anak niya. Pinapangarap din niya na sana ay gusto rin ng bata na tabihan siya sa pagtulog at makayakap siya sa buong magdamag.
Hanggang sa nakatulog na lamang si Thisa, habang umiiyak. Pagod na pagod siya at antok na antok. Sa kanyang tahanan lamang siya nakakatulog kaagad, dahil pakiramdam niya ay safe siya sa loob ng Villa. Safe siya sa piling ni Daniel, safe siya kapag katabi niya ang kanyang asawa.