FAMILY DINNER‼️

1655 Words
MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok sa loob ng bahay sina Thisa at Bruce. Masayang pagbati naman ang isinalubong sa kanilang dalawa nang mga magulang ni Bruce. Niyakap at hinalikan pa nang Mommy ni Bruce si Thisa, at agad na dinala sa Living room at pina-upo ito sa malambot na Sofa, saka tinabihan. Si Bruce naman at akbay siya ng kanyang ama, at sabay din silang dalawa na umupo sa Sofa. Tinabihan ni Bruce si Thisa, at agad na hinawakan ang kamay ng babae at dinala pa ito sa kanyang labi. Ngumiti lang si Thisa sa lalaki at hinayaan na hawakan niya sa kamay. Pinagsalikop din nila ang kanilang mga palad, habang nakaupo. Umupo ang Daddy ni Bruce sa isang single na Sofa. Mataman niyang pinagmasdan ang dalawa, habang magkatabi ang mga ito sa upuan. Nakayakap pa si Thisa sa bruso ni Bruce, habang si Bruce naman ay mahigpit nitong hawak ang isang kamay ni Thisa. "It's great that you both arrived early, Bruce, Thisa. We wanted to talk to you two about your wedding. Bruce, you've been engaged to Thisa for a few years now. When are you two finally going to get married? Your father and I are getting older, and we hope to be able to see and care for our grandchildren before we leave this world." Panimula ng Mommy ni Bruce. Malamlam din ang mga mata nitong nagsalita at bakas rito ang lungkot at pagsusumamo. "Your mom is right, Bruce. It's been four years since you got engaged. People always see you two together. Why don't you just get married already?" Pagsang-ayon naman ng Daddy ni Bruce. Matanda na rin ito, kaya ganon na lamang ang kagustuhan niyang makita ang anak nito na kinakasal at masaya kasama ang pamilya nito. "Mom, Dad, relax. Thisa and I will talk about it." Sagot ni Bruce sa ina. "Mom, is dinner ready? Thisa's getting hungry, and we have to head out soon for her event." Pag-iiba din niya sa usapan na tila ayaw nitong mapag-usapan ang kanilang engagement ni Thisa. Bumuntong hininga naman si Shiela, dahil sa sinabi ng kanyang anak. Napailing din siya, bago siya muling nagsalita. "Bruce, you know we're just excited to see you two finally settle down. It's been four years! We're not getting any younger, and we'd love to have grandchildren to spoil." Untag ni Shiela sa anak. Matagal na nilang pangarap na mag-asawa na makita si Bruce na ikasal at magkaroon ng mga anak. Napaka dami rin nilang plano ng asawa, para sana sa mga magiging apo nila. Noon ay excited sila na makasal si Bruce kay Ella, ngunit ayaw naman ni Ella sa anak nila at ito pa dahilan ng paglalayas ni Ella noon. Ngunit nang ipakilala ni Bruce si Thisa sa kanila ay muli silang nabuhayan ng loob. Nanumbalik muli ang kanilang excitement sa pagkakaroon ng apo. "Mom, I know you're eager, but we're both really busy with work right now. Especially Thisa, she's got a ton of fashion shows coming up. We'll talk about it, I promise." Sagot ni Bruce sa ina. Tumayo na rin siya, upang lapitan ang ina at payapahin ito. Pinatayo ni Bruce si Shiela at niyakap ito. Alam ni Bruce na matagal nang gusto ng mga magulang niya na mag-asawa siya, para magkaroon na ang mga ito ng apo. Ngunit para kay Bruce ay hindi puweding madalihin ang lahat. "Thisa, my dear, I'm begging you. You won't go hungry if you stop working. You'll live like a queen with my son, if you marry him. Please, give us a grandchild." Bigla naman napatingin si Thisa sa ama ni Bruce, dahil sa pagmamakaawa nito na bigyan sila ng apo. Alanganin na ngumiti si Thisa, dahil sa pagkabigla niya sa mga pangyayari. Ang akala niya ay tinawag lang sila ni Bruce for dinner, pero iba pala ang pakay sa kanila ng mag-asawa. Tinawag pala silang dalawa na pumunta doon, para madalihin silang magpakasal at bigyan ang mga ito ng pinapangarap nilang apo. "Daddy, Mommy, I understand your wish. The right time for your dream grandchild will come...." Hindi natapos ni Thisa ang sasabihin, dahil biglang nagasalita si Shiela. "Your daddy and I are getting old, Thisa. We hope you'll grant our request." Pakiusap ni Shiela sa kanya. Parang iiyak na rin si Shiela, dahil sa pagkasabik nitong magkaroon ng apo. Na-awa rin si Thisa sa mag-asawa, dahil sa pagkasabik ng mga ito na magkaroon ng apo. Tiningnan din niya si Bruce ng makahulugan at pinadilatan pa niya ito. Napalunok naman si Bruce, dahil sa ginawa ni Thisa. Naunawaan naman ni Bruce ang ibig sabihin ni Thisa, kaya nakangiti niyang niyakap ang ina, saka hinalikan ito sa pisngi. Inakbayan din niya ang mga magulang saka nagsalita. "Mommy, Daddy, let me tell you, once Thisa and I are married, she won't work anymore. That way, you'll have a grandchild. If you had given me a sibling back then, you'd have lots of grandkids now. Anyway, let's eat. Thisa might be late for her Fashion Show." Sabi ni Bruce sa mga magulang. Natahimik naman ang mag-asawa, dahil totoo naman ang sinabi ni Bruce sa kanila. Naging busy kasi silang mag-asawa noon araw para sa kanilang mga negosyo, at mapaunlad. Mabuti na lang at nagbuntis ng hindi inaasahan si Shiela noon bago ito mag mag 36 years old, kaya ngayon ay may isang anak sila at taga pagmana ng Mayers Group na kilala sa America at Philippines. "Okay, let's go to the dining table. Dinner has been ready for a while." Sagot ni Shiela, saka naunang naglakad patungo sa dining area. Sumunod naman si Oliver sa asawa, upang makakain na sila. "Come on, sweetheart, let's eat. You might be late for your event." Pagyaya ni Bruce kay Thisa. Muli din niyang hinawakan ang kamay ni Thisa, saka sila naglakad patungo sa dining area. Nagkatingin pa silang dalawa, bago sila tuluyang lumapit sa dining table. Nag-aalala silang pareho, baka mayroon na naman tanungin ang mga magulang ni Bruce sa kanila. TAHIMIK na kumain ang apat, hanggang matapos sila. Agad din nagpaalam sina Thisa at Bruce, pagkatapos nilang maghapunan, dahil mayroong trabaho si Thisa. Wala naman nagawa ang mag-asawa, kundi ang hayaan na umalis ang mga anak nila. Alam din nila na napaka busy ni Thisa sa kanyang Career, kaya nauunawaan nila ito. Tahimik na nakaupo sa loob ng kotse ang dalawa, habang pabalik na sila sa Condo ni Thisa. Wala ni isa sa kanila ang may gustong basagin ang katahimikan. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng Condo ni Thisa at sa mismong tapat ng Lobby itinigil ni Bruce ang kanyang kotse. "Sweetheart, sigurado ka na kaya mong mag-isang pupunta sa event?" Tanong ni Bruce kay Thisa, nang ma-i-parada ni Bruce ang kanyang kotse sa tapat ng Lobby ng Condominium. "Yes, Bruce, kaya ko na. Ingat ka sa pag-drive pa-uwi." Paalam ni Thisa sa lalaki. Inilapit din niya ang kanyang pisngi kay Bruce, upang mahalikan siya ng lalaki sa pisngi. Bumaba ng kotse si Thisa at mabilis na naglakad patungo sa Elevator. Pagbukas ng elevator ay agad din niyang pinidot ang number ng kanyang floor at ang close upang magsara ang pinto. Tahimik na nakatayo si Thisa sa loob ng elevator at naghintay na tumigil ito. Kailangan na rin niyang magmadali, dahil isang oras na lang ang nalalabi, bago umalis ang helicopter na sasakyan nila ni Kany, patungong Maryland. Pagdating ni Thisa sa loob ng kanyang Condo Unit ay mabilis siyang naghanda, para sa kanyang pag-alis. Nagpasalamat pa siya kanina, dahil hindi matutulog si Bruce sa kanyang Condo. Umuwi si Bruce sa sarili nitong Condo, at doon ito matutulog. Kahit apat na taon na silang magkasama ni Bruce at engage ay hindi pa rin alam ni Bruce ang tunay niyang trabaho. Ang tanging alam lang ng lalaki ay isa siyang sikat na International Supermodel at kilala sa Fashion Industry, at nagpupunta sa iba't-ibang bansa upang rumampa sa runway. Matapos makapagbihis ni Thisa ay muli din siyang lumabas ng Condo at nagtungo sa Basement Carpark. Kinuha niya ang kanyang Black BMW sa garahe at ito ang kanyang sinakyan patungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Kany. Nakabihis na rin siya ng overall black at meron pang hood ang kanyang jacket. Halos magkasabay lang din silang dumating ni Kany sa lugar, kaya lihim na napangiti si Thisa, dahil hindi siya late sa usapan. Sumakay silang dalawa sa isang helicopter na naghihintay sa rooftop ng isang building. Sila lang dalawa ang sakay ng helicopter, pangatlo ang Pilot. Habang nasa himpapawid sila ay naghanda na ng kanilang mga gamit ang dalawa. Isinuot din nila ang kanilang mga Paraglider para ready na sila sa pagtalon mamaya. Ang Paraglider ang gagamitin nila upang makarating sa kanilang distenation na hindi mahahalata ng mga bantay sa paligid. Ang Paraglider ay parang damit na may wings. Nakasuot ito sa kanilang katawan. Para silang ibon na lilipad, patungo sa location ng kanilang kalaban at hindi mahahalata ng sino man, kahit sa makita pa sila sa telescope. Magaan lang ang kayang buhatin ng Paraglider para makalipad ito ng malayo, kaya ang mga mahahalagang gamit lamang nila ang kanilang dala. "20 minutes!" Sambit ng Pilot, kaya naglagay na sila ng kanilang facemask, night vision goggles at bonnet, para hindi nila gaanong maramdaman ang malakas na pressure ng hangin kapag tumalon sila. Mataas din ang kanilang kinalalagyan, kaya masakit sa balat ang pagtama ng hangin kung hindi sila maglalagay ng mga ito. "Are you ready, Lady Hawk?" Nakangising tanong ni Kany sa kaibigan. May suot silang wireless headphones, kaya nagkakarinigan silang dalawa. "I was born ready, Wild Eagle!" Malakas na sagot ni Thisa, nakangisi din siya sa kaibigan, ngunit hindi nila nakikita ang mukha ng isa't-isa dahil sa suot nilang bonnet at mask. Magkasunod na tumalon sina Thisa at Kany, mula sa helicopter at mabilis na bumulusok pababa. Nang malapit na sila sa kalupaan ay bigla nilang ibinuka ang kanilang mga kamay at paa, para mag slow down ang kanilang pagbaba sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD