BACK TO BACK-1‼️

1265 Words
MAGKASUNOD na lumapag sa lupa sina Thisa at Kany, gamit ang maliit na Parachute, para mag slow down ang kanilang paglanding. Mabilis din silang tumakbo patungo sa isang masukal na bahagi ng mga halaman upang doon tanggalin ang kanilang mga suot na Paraglider. Tinupi din nila ito ng maayos at ibinalik sa loob ng dala nilang bag. Walang gaanong laman ang kani-kanilang bag, dahil sa paggamit nila ng Paraglider kanina. Hindi kakayanin ng kanilang suot na paraglider na ilipad sila kung may mabigat silang dala. Matapos nilang maibalik ang kanilang mga gamit sa bag ay pinag-aralan naman nila ang buong paligid. Mula sa kanilang location ay matatanaw ang malaking gusali na isang kilala na Pharmaceutical Industry sa United States. Pag-aari ito ng isang Chinese-American na nagngangalang Charlie Ong. Napag-alaman ng mga kina-u-ukulan na hindi lamang mga gamot ang kanilang ginagawa sa loob. Dito rin nila ginagawa ang mga libu-libong kilo ng mga high grade Çøçàìn̈è, at iba't-ibang klase ng mga Tables na nakakasira sa buhay ng mga tao. Lalo na sa mga kabataan, kapag gumamit sila nito. Ini-export pa ang mga ito sa iba't-ibang bansa, kasama nang mga gamot na ginagawa nila na nabibili sa mga Botica. Isang Scientist ng Universal Lab ang nag leak ng impormation, tungkol sa nasabing aktibidad sa loob ng C&W INTERPHEX. Sabay na lumapit sa Building sina Thisa at Kany, upang isagawa ang kanilang plano na pagpapas@bøg sa malaking gusali at pag assàssin@te sa may-ari ng Pharmaceutical Industry na kilala sa pangalan na C&W INTERPHEX. Sa bandang likod ng gusali sila dumaan, upang hindi sila makita ng mga bantay sa paligid. Nagtago muna si Thisa sa likod ng isang puno ng kahoy, upang pag-aralan ang buong paligid. Mataas ang Bintana ng Building na nakikita ni Thisa, kaya nag-isip siya ng paraan kung paano sila makakapasok sa loob na hindi namamalayan ng mga bantay. "Lady Hawk, akyatin ko yung bintana, ikaw naman sa Fire Exit. Magkita na lang tayo sa loob." Pabulong na suhistyon ni Kany sa kaibigan. Nasa likod lamang niya ang kaibigan at abala ito sa pagsilip sa dala nitong maliit na telescope. "Copy that, Wild Eagle. Mag-ingat ka, baka mawala ka nanaman sa focus 'pag makakita ka ng guwapo. Tandaan mo, nasa Mission tayo, hindi sa Bar." Sagot ni Thisa sa kaibigan. Binigyan din niya ito ng babala, para paalalahanan ito. "Yes, Ma'am!" Pauyam na sagot ni Kany. Pinandilatan din niya si Thisa, ngunit hindi naman ito makikita ng kaibigan, dahil pareho silang nakasuot ng bonnet, mask at night vision goggles. Magkahiwalay silang lumapit sa Building, upang pasukin ito. Parang tinatangay lang nang hangin sa bilis si Lady Hawk na tumakbo patungo sa tapat ng Fire Exit, upang doon dumaan. Kinuha din niya ang kanyang L@tigo na nakasukbit sa baywang at ito ang ginamit niya, upang maabot ang Fire Exit ladder. Hinampas niya nang malakas ang kanyang l@tigo at nang pumulupot na ang dulo nito sa bakal ay agad din niya itong hinila pababa, upang bumaba din ang ladder. Mabilis na inakyat ni Thisa ang hagdan ng Fire Exit, upang makarating siya sa itaas. Parang lumilipad sa bilis ni Thisa sa pag-akyat. Umaabot ng pitong palapag ang Building, ngunit sa bilis ni Thisa ay para lamang itong umakyat sa tatlong palapag na gusali. Hindi rin siya pinagpawisan sa kanyang ginawang pag-akyat, parang normal pa rin ang pakiramdam niya, pagdating niya sa itaas ng Building. Si Kany naman ay umakyat sa isang bintana gamit ang manipis na lubid na dala niya. Parang sinulid na malaki lang ang laki ng kanyang lubid, ngunit matibay ito at hindi basta-basta napupugto kahit mabigat ang maglambitin dito. Mabilis siyang naka akyat sa bintana, at maingat na pumasok sa loob ng kuwarto. SUMILIP muna si Thisa sa paligid ng rooftop, upang malaman niya kung may tao rito o wala. Nang masiguro niyang walang nagbabantay sa rooftop at saka pa lang siya sumampa sa taas. Naka yuko rin siyang tumakbo, patungo sa may pinto upang walang makapansin saa kanya. Muli niyang tiningnan ang kanyang paligid, bago niya dahan-dahan na binuksan ang pinto at pumasok siya sa loob. Dahil sa suot niyang night vision goggles, kaya kahit madilim ay nakikita niya nang maliwanag ang buong paligid. Walang mga tao sa buong paligid nang makapasok na si Thisa sa loob ng building. Kinuha din niya ang dalawang p@t@lim na dala niya, upang may panglaban siya sa mga kalaban niya, kapag nagkagipitan. Normal lang na naglakad si Thisa sa isang hallway, patungo sa elevator. Ngunit bago siya makarating sa may elevator ay may nakita siyang tatlong lalaki na nag-uusap sa malapit. Mabilis na nagtago si Thisa at kinuha nito ang maliit niyang bar*l at nilagyan ng bala na puro karayom na may laman na pampatulog. Ikinasa niya ito at itinutok sa mga lalaki at magkakasunod na kinalabit ang gatilyo nito. "Hhhhgk!" Daing ng isang lalaki, habang nakahawak ito sa kanyang leeg, ganon din ang dalawang kasama nito na gulat na gulat sa nangyari sa kanila. Nanlalaki din ang mga mata nila, dahil sa pagkagulat nila sa biglang pagbaon ng kung anong bagay sa kanilang mga leeg at nagpamanhid sa kanilang mga katawan. Inayos naman ni Thisa ang kanyang hood, upang hindi makita sa mga CCTV ang kanyang ulo. Kahit balot na balot ito ay mas gusto pa rin ni Thisa na nakalagay sa kanyang ulo ang hood ng kanyang jacket, para mas makapag concentrate siyang mabuti. Mas tumatalas kasi ang kanyang pakiramdam at pandinig, kapag mayroon ito. "Wild Eagle, what's your status?" Pabulong na tanong ni Thisa sa kasama, gamit ang wireless headphones. "I'm inside, Lady Hawk. Proceeding to the fire exit stairs. Rendezvous point is the basement lab." Sagot sa kanya ni Kany. Nasa second floor ito, kaya mas malapit na siya sa Lab na nasa basement ng building. "Stay alert, Wild Eagle. Every move counts. There are numerous cameras, they might already know we're here." Bilin ni Thisa sa kaibigan. Alam niyang nakita na sila ng mga kalaban, kaya kailangan nilang magdoble ingat sa kanilang mga galaw. "Copy that, Lady Hawk." Sagot ni Kany. Mabilis na nagtungo sa fire exit stairs si Thisa, upang doon dumaan pababa. Hindi na niya maaring gamitin ang elevator, dahil puwede siyang mahuli kapag sumakay siya sa elevator. Para siyang ipo-ipo na bumaba sa hagdan, patungo sa basement. Napakabilis ng kanyang mga hakbang na tila lumilipad siya sa hagdan pababa. Every move counts, yan ang motto ni Thisa, kaya hindi siya puweding maging mabagal. Hindi siya si Lady Hawk, kung mabagal ang kanyang galaw. Bawat level din na madaanan ni Thisa ay dinidikitan niya ng maliit na Time bōmɓ. Nag-iwan rin siya ng dalawa sa rooftop kanina, para madaling maŵà§ak ang building kapag pinas@ɓøĝ na nila ito mamaya. Malapit na si Thisa sa basement nang bigla na lang siyang paulànan ng ɓàlà ng mga bantay sa paligid. Nasa bandang itaas niya ang dalawang lalaki na ɓùmàɓàŕìl sa kanya, mabilis siyang tumàløn, patungo sa kabilang bahagi ng hagdan. Tuloy-tuloy pa rin ang ginawang pagpapàùlàn sa kanya ng ɓàĺà, kaya muli na naman siyang tumaløn patungo sa kabilang bahagi ng hagdan. "We need to hurry. We have to catch him and bring him to the Boss. We need to find out who sent him." Malakas na wika nang isa sa mga humahabol kay Thisa. "He's fast. He's no amateur fighter. He dodged all our shots. I think he's a secret agent. Maybe he's connected to the ones we took out last week who tried to breach this lab." Sagot naman ng isa. "I think you're right." Pagsang-ayon ng kasama nito, saka sila mabilis na sumunod sa taong naka itim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD