Kinabukasan nagulat ako ng magisnan ko si manang Linda.
" Pinapunta ako dito ni Kaius para kunin ang mga labahan niya at para mamili narin ng mga kulang dito sa bahay. " Sabi niya tumango ako.
" O bat ganyan ang itsura mo?"
Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik.
" Siguro naiinip kana dito no?Mabuti pa ikaw na lang ang mamili ng mga kailangan niyo dito sa bahay. Para makalabas ka naman. " Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
" Baka magalit si Kaius." Sabi ko sa kanya.
" Haay, akong bahala. Sige na iiwan ko sayo ang pang pamili ikaw na ang bahala mamili. Tutal napapagod narin naman ako" Sabi niya sa akin.
Iniwan niya nga ang pera na binigay ni Kaius. Dinagdagan niya ng extra para daw pambili ko ng mga gusto kong bilihin. Nagpasalamat na lang ako sa kanya. Pagalis niya nagbihis ako. Saka umalis pumunta ako ng palengke. Namili ako ng gulay isda at iba pang ilalagay sa ref. Napadaan ako sa bilihan ng mga magazine. Na mili ako ng magazine. Pumasok din ako sa loob ng bookstore. Namili ako ng ilang libro na babasahin ko. Hapon na ako nakauwi.
"Ikaw pala yung girlfriend ni Sarhento." Sabi ng driver sa akin.
"Ah, hindi niya ako girlfriend." Sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin.
"K.. Kaibigan lang niya ako. Nakikitira lang ako sa kanya." Sabi ko sa kanya.
"Ganun ba? Sorry akala ko kasi girlfriend ka niya."
Sabi niya habang dala niya ang mga pinamili ko.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Ako nga pala si Rens magkapitbahay lang tayo. Diyan lang kami nakatira sa tabi niyo." Sabi niya.
"Talaga?" Sabi ko sa kanya tumango siya.
"Kaya pala ikaw lagi ang sinasakyan ni manang." Sabi ko sa kanya.
"Ah, Oo kilala na namin si manang noon pa." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Nagpasalamat na lang ako sa kanya.
"Pag may kailangan ka wag kang mahiya na tumawag nandiyan lang ako sa kabila." Sabi niya sa akin tumango ako sa kanya. Nagpaalam na ito.
Inayos ko muna ang mga pinamili ko. Saka ako nagsimulang magluto ng matapos kumain na ako at nagsara ng pintuan at bintana. Saka pumasok na sa loob ng silid ko. Binasa ko ang magazine na binili ko. Nagulat ako ng makita ang babae na kamukha ko. Binasa ko ang nakasulat sa ibaba ng larawan niya.
"Isa pala siyang sikat na singer at model." Bulong ko sa isip ko.
"Kaya pala naalala ko ang mga kanta niya dahil sikat na sikat pala ito. Ibig sabihin siya ang nasa silid ni Kaius. Fans niya din pala si Kaius." Bulong ko ewan ko parang nalungkot ako. Nilipat ko na lang ang Binabasa ko. Pero kahit nilipat ko na ang binabasa ko laman parin siya ng isipan ko. Hangang nakatulugan ko na lang.
"Grabe, iba ka talaga besty pag romampa. Talbog sila lahat." Sabi ng isang bakla sa akin.
"Magbibihis lang ako at pupunta na tayo sa studio." Sabi ko sa alalay ko.Tumango naman ito habang nililigpit ang mga gamit namin.
" Larry, ikaw na ang bahala dito mauuna na ako sa studio sumunod ka na lang." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagbihis na ako. Pagdating namin sa studio may sumalubong sa akin na isang lalake.
" Hillary! Buti naman at nandito kana." Sabi nito sa akin.
" Hey! Magumpisa na tayo. Nandito na si Hillary." Sabi nito. Pumasok na ako sa isang silid na napapaikutan ng salamin.
Nagising ako na pawis na pawis. Napabangon ako. Hawak ko ang dib dib ko.
" Sino ang mga yun bat nila ako tinawag na Hillary? " Tanong ko sa isip ko. Ng mapatingin ako sa magazine na nasa tabi ko. Huminga ako ng malalim.
"Haays, kakabasa ko sayo napapanaginipan ko na lang tuloy ikaw. " Bulong ko sa isip ko. Saka naginat at nagayos ng sarili. Bago lumabas ng silid ko. Muntik na akong mapatalon ng makita ko si Kaius na nagluluto sa kusina. Agad na bumalik ako sa silid ko. Ayaw kong magbangayan na naman kami. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya. Nahiga na lang uli ako. Tanghali na ako gumising. Bumangon na ako. Kumuha ako ng tuwalya at damit ko. Hikab hikab pa ako na pumasok sa kusina. Napatili ako ng may magsalita.
"O gising kana pala. Tamang tama kanina pa kita hinihintay na gumising. " Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa relos sa ding ding.
" Nagkamali ba ako ng tingin ng oras? " Bulong ko sa isip ko.
" Maupo kana. " Sabi niya sa akin.
" Ahm,.. " Sabi ko hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita uli siya.
" Kanina pa ako nagugutom kaya kumain na tayo. " Sabi niya kaya hindi na lang ako umimik.
" Sino ba kasing may sabi sayo na antayin mo pa ako. " Bulong ko sa isip ko.
" Pagkatapos natin kumain magbihis ka at aalis tayo. " Sabi niya napatingin ako sa kanya.
" Saan naman kaya niya ako dadalahin. Hinfi kaya.." Bulong ko sa isip ko.
" Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
" Sabi ni manang naiinip kana daw dito. Kaya ipapasyal kita." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang kumakain .Hindi na lang ako umimik pa. Ewan ko pero parang ang saya ko. Pagkatapos naming kumain. Hinugasan ko ang pinggan na pangakainan namin. Saka ako kumuha ng damit ko. Saka naligo. Nagasikaso ako ng sarili ko. Excited ako sa pupuntahan namin. Palabas pa lang ako ng marinig ko n may kausap siya. Nakita ko yung babaeng pulis.
"Bakit kailangan mo pa siyang ipasyal?" Tanong nito kay Kaius.
"Naiinip na kasi siya dito. Saka naisip ko din naman na mas makakatulong sa kanya kung ilalabas ko siya baka dahil dun bumalik na ang alala niya." Sabi niya.Na dismaya ako.
"Ano naman ang akala mo bumait na siya sayo? Malabo yun. Kaya wag ka ng umasa." Bulong ko sa isip ko at malungkot na lumabas ng silid ko.
Nagpunta kami sa mall. Nagikot ikot kami doon. Sunod lang ako ng sunod sa kanila. Na wala ang mood ko sa pagiikot.
"May gusto ka bang bilihin?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.
"Baka mamaya singilin mo pa ako diyan. Isa pa yan sa maging utang ko." Bulong ko sa isip ko.
Napatitig siya sa akin.
"Napapagod kana ba? Gusto mo na bang umuwi?"
Tanong niya sa akin. Tumango ako.
" Mamaya na tayo umuwi maaga pa naman . Sige na ngayon lang kaya tayo lumabas." Sabi ng kasama niya. Tumango siya. Huminga ako ng malalim. Nagikot pa kami pumasok kami sa bilihan ng mga damit. Tinitingnan ko lang sila.Ng mapatingin ako sa kabilang side. Napakunot ang noo ko ng maalala ko ito sa panaginip ko. Tinitigan ko ang lalake.
" Ano pang ginagawa mo diyan? Uuwi na daw tayo sabi ni Kaius." Sabi ng babaeng pulis na kasama namin. Doon ko lang napansin na nasa labas na si Kaius. Nagmamadali akong lumabas ng Store.
Nakakunot na naman ang noo nito. Wala kaming imikan sa biyahe. Hinatid lang nila ako. Umalis din sila agad. Papasok palang ako sa bahay ng may sumitsit sa akin. Napalingon ako dito.
"Ikaw ba si Kane?" Tanong nito sa akin.
"Oo,Bakit?" Tanong ko naman dito.
"Pinabibigay ni kuya. Birthday kasi ni Mama." Sabi niya sabay abot ng pingan na may pagkain sa akin. Nagpasalamat ako dito.
"Ako si Shane kapatid ako ni Rens." Sabi niya sa akin. Pinapasok ko siya aa loob habang sinasalin ko ang pagkain.
"Samalamat ha paki sabi na lang sa mama mo happy birthday. " Sabi ko sa kanya.
" Kanina ka pa hinahanap ni kuya pero nakasarado kayo. " Sabi niya.
" Ah sinama kasi ako mamasyal nila Kaius." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka nagpaalam na iti sa akin. Sinara ko ang bahay pagalis niya saka dinala ko sa silid ko ang pagkain doon na lang ako kumain. Yun na lang ang kinain ko. Bago ako natulog.
Naging malapit ako sa kapitbahay namin ng mga sumunod na araw. Lagi ko ng kausap si Shane. Hindi na ako naiinip. Dahil may nakakausap na ako. Katatapos ko lang magluto ng tanghalian ko ng may kumatok sa pintuan ko.