bc

Broken Memories

book_age18+
165
FOLLOW
1.8K
READ
HE
heir/heiress
serious
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Bata pa sila Hillary at Kane ng maghiwalay ang mga magulang nila. Mayaman at kinikilalang angkan ang pamilya ng mama nila samantalang kilalang sanggano ang Papa nila kaya ayaw dito ng lolo nila. Gumawa ng paraan ang lolo nila para maghiwalay ang mga magulang nila. Ng umalis ang mama nila dinala nito si Hillary ang kakambal ni Kane naiwan si Kane sa poder ng ama niya. Kaya naman magkaiba ang kinalakihan nila ng kakambal niya lumaki siyang palaban at salat sa lahat ng bagay. Samantalang ang kakambal niyang si Hillary lumaki na spoild sa lolo nila. Isa itong sikat na singer at model. Samantalang si Kane ay kinatatakutan at sikat pagdating sa mga illigal. Sadyang mapaglaro ang tadhana muling pinagtagpo ang buhay nila dahila sa isang aksidente nagkapalit ang sitwasyon nila ng kakambal niya. Ano ang gagawin ni kane pag nalaman niya na nanganganib ang buhay niya at hindi pa yun nakatakda siyang ikasal sa hindi niya kilalang lalake? Ano naman ang magiging reaction ni Hillary pag nalaman niya na patong patong ang kaso niya at maari siyang makulong dahil dito? Pano kung imbis na ikulong ni Kaius si Hillary ay puso niya ang maikulong nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hale honey, Wala talagang nangyari sa amin hindi ko alam kung papano napunta ang babaeng ito sa silid natin." Sabi ni Miguel. Umiiling na tumitulo ang luha ni Hillary. "Pinaglaban kita kay Papa. Dahil mahal kita tapos eto lang ang isusukli mo sa akin." Galit na galit na sabi ni Hillary dito. "Honey maniwala ka naman. Hindi ko kayang gawin sayo yun. Mahala na mahal kita alam mo yan." Sabi ni Miguel dito. "Akala ko din Miguel pero puro kasinungalingan lang pala lahat. Hindi ko sila pinaniwalaan dahil ang alam ko mahal mo ako at hindi mo kayang gawin sa akin yun. Tapos ngayon ano!!" Sigaw nito saka tumalikod ito. Hinabol siya ni Miguel pero sinampal niya ito. Nagmamadali niyang pinuntahan ang mga anak niya na nasa kabilang silid. Binuhat niya ang isang sanggol. "Kane anak babalikan ka ni Mommy Promise anak." Sabi niya habang lumuluha. Saka hinalikan ang natutulog na anak. Kinuha niya ang mga gamit ng anak at lumabas ng bahay saka sumakay ng taxi hindi niya pinansin ang pagtawag ni Miguel sa kanya. Iyak siya ng Iyak. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya. **END OF PLASH BACK** "Mommy! Umiiyak ka na naman ng walang dahilan. Siguro nagbasa ka na naman ng novel." Sabi ni Hillary. Niyakap niya ito. "Bakit narito ka na naman sa silid ko?" Tanong niya sa anak niya. "Pinapatawag ka po ni Lolo." Sabi nito sa kanya. Nagalala siya ng marinig na hinahanap siya ng kanyang ama.Agad na kinuha niya ang kanyang Robe saka sinuot ito. "Papa! Hinahanap niyo daw po ako?" Tanong niya sa ama niya. " Anak! Nais kong ipagkasundo si Hillary sa anak ng kababata ko. Alam ko na mapapabuti doon si Hillary. Napagusapan na namin ang pagkikita niyo. Isa siyang batang batang business tycoon. Kilala na siya sa buong bansa. Sigurado ako na magugustuhan mo siya Hale." Sabi nito sa akin napaisip ako. May pinakita siya sa akin na Magazine. " Ayan siya. " Sabi nito napatingin ako sa binata na nasa Magazine. Kilala niya ito dahil isa din siyang kilala sa business world. " Sige Papa sasabihin ko kay Hillary ang nais niyo." Sabi niya sa ama. Pero alam niya ang magiging reaction ng anak oras na sabihin niya ito. "What? Pero mama buhay ko ito ako dapat ang mamili kung sino ang dapat na makasam ko. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking yun tapos ipagkakasundo niyo ako sa kanya." Sabi nito ng malaman ang balak ng ama. Huminga siya ng malalim. Alam na niya na mangyayari ito. " Kung ganun ikaw ang makipagusap sa lolo mo. " Sabi ko dito. Ngumiti ito saka yumakap sa kanya umiling na lang siya ng magpaalam ito sa kanya. Siguradong kukulitin nito ang ama niya. Dalaga na ito isa na nga itong sikat na Singer at model. Dati ayaw din ng ama niya ang pinasok na mundo ng anak niya. Tutol na tutol ito pero ng kausapin ito ng anak niya napapayag din nito ang matanda. Ganyan ka spoiled ang anak niya sa ama niya. "Kumusta na kaya siya ngayon? Siguradong dalaga narin siya ngayon. Maganda kaya ang naging buhay niya?" Bulong niya sa isip niya. Naalala niya ang isa pa niyang anak. Binalikan niya ito pero wala na ang mga ito sa tinitirahan nila. Inilayo at tinago sa kanya ni Miguel ang anak niya alam nito na kukunin niya ang anak nila. Kaya kahit pinahanap niya ang mga ito hindi niya nakita. Huminga siya ng malalim. ***KANE POV#*** "Papa! Kumain na po tayo." Sabi ko Papa ko. Sinalin ko ang pansit sa plato. Hinati ko ito at binigay sa Papa ko. "Haay! Pasensiya na anak hindi na kita matulungan." Sabi ni Papa ng alalayan ko itong tumayo. Putol na ang mga paa nito dahil nasagasaan ito noong maliit pa ako habang pauwi ito galing sa trabaho. Dati ito ang naghahanapbuhay sa amin kahit putol na ang mga paa nito. Namamalimos ito sa kalye para makain namin. Pero ng lumaki na ako pinatigil ko na ito sa pamamalimos sa kalye ako na ang dumidiskarte para sa amin. "Wala yun Papa, Basta magpalakas kayo. Pag nagkapera ako ng malake ipapagawa ko kayo ng artificial legs. Para makalakad uli kayo." Sabi ko dito. Napangiti ito. " Papa aalis lang po mina ako. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya. " Magiingat ka anak." Sabi nito. Tumango ako. " May bigas na po diyan at uling Papa. Magdadala na lang po ako ng ulam natin pagbalik ko. " Sabi ko dito saka kinuha ko na ang sombrero ko. "Uy! Kane, buti nakita ka namin. Halika maraming tao ngayon sa may Palengke." Sabi ni Biboy ang kababata ko. Isa ding mandurukot. " Tara, dating gawi. " Sabi ko sa kanila. Tumango sila. Tumambay muna kami sa sulok. Pinagmasdan namin ang paligid. Maya maya kinalabit ako ni Biboy at nginuso ang isang babae. Napatingin ako dito Nilapitan namin ito. Ginitgit ito ni Biboy. pumwesto ako sa tabi ng babae. Agad na nabuksan ko ang zipper ng bag nito at dinukot ang wallet at Cellphone nito. Saka pasimple na umalis pagdaan ko sa gilid hinagis ko ito kayla Nitoy na nagtitinda ng mga pekeng alahas na galing sunog. Sakto lang dahil maya maya nakita ko na sinisundan na ako ng parak na si Kaius. Nagmamadali akong tumalilis. Pero pagliko ko sa kanto nahuli ako nito. " Saan ka pupunta? " Tanong nito sa akin. " E di uuwi na bakit sasama ka? " Sarkastika na sagot ko dito. Inis na ponusasan ako nito. " Uy! Oy, bakit mo ako ponoposasan ano ang kasalanan ko? " Tanong ko sa kanya. " Sa prisinto kana magpaliwanag." Sabi niya saka ako binitbit sa prisinto. Hindi na ako umimik. "Wala nga akong ginagawang mali pauwi na ako ng posasan niya ako. Nagtatanong ako sa kanya kung bakit sabi niya dito na daw ako magtanong. Kaya sumama ako sa kanya." Sabi ko sa pulis na nasa harap ko. Nasa harap ko din ang babae na nadukutan. "Ale tingnan mo nga ako ng maige kung nakita mo ako sa tabi mo kanina?" Tanong ko sa babae. Tiningna. naman ako nito. "M.. Mga lalake ang nasa tabi ko kanina." Sabi nito. "O kitam, Lalake ba ako ale? Kasi bulag na yata ang isang pulis dito e." Sabi ko sabay tingin kay Kaius. Inis na tiningnan ako nito. Inirapan ko naman siya. Walang nagawa ito kundi pakawalan ako dahil wala siyang nakuha na ebedensiya na ako ang dumukot sa wallet ng babae. Tawa ng tawa sila Biboy ng salubungin ako sa Palengke at sabihin ko na hinuli na naman ako ng parak na si Kaius. "Paborito ka ng Parak na yun no. Lagi naman siyang napapahiya tuwing hinihuli ka niya." Tawa ng tawa si Biboy. "Si Kne ba naman ang hulihin niya na napakautak niyan." Sabi naman ni Nitoy. May dinukitn pa kami at tiba tiba ang mga nadukot namin. Kaya naman bumili ako ng litchung manok bago ako umuwi. Sinamahan kona ng 1.5 na softdriks. binilihan ko din si Papa ng Sando at short. "Mukhang nakarami ka ngayon anak ah." Sabi ni Papa sa akin. "Tiba tiba yung nadukutan namin eh." Aabi ko dito na lungkot ito. "Aag na kayong malungkot Papa. Mayaman naman yung mga dinudukutan namin. Binabawasan lang namin ang dami ng pera nila." Sabi ko dito. Napiling na lang ito sa akin. Bago ako matulog naghulog muna ako sa alkansiya ko ng pera. "Imbis na ang artificial legs ko ang pinagiipunan mo bakit hindi ka na lang magaral uli Kane. Sayang naman ang tataas kaya ng grades mo noong nagaaral ka.* Aabi ni Papa sa akin. "Haays. Aaka na po yun kapag may paa na kayo. Para pag grumaduate ako makakakyat kayo sa stage at masasabitan niyo ako ng medal." Sabi ko dito napailing na lang ito sa akin. Kinabukasan nandun na naman kami sa tambayan namin. Kanina pa kami nandito wala kaming nakikita na bibiktimahin. "Ang alat naman ngayon." Sabi ko sa kanila. Habang pauwi kami. "Sama ka na lang sa amin mamaya may Gig kami sa isang Bar." Sabi ni Biboy sa akin. "Sige sama ako sa inyo." Sabi ko difo. "Yun Ow! Kompleto na tayo." Sabi nito. Bumili na lang muna ako ng Sardinas para ulam namin ni Papa. "Bawi na lang ako sayo mamaya Papa. Inalat ako ngayon e." Sabi ko dito. "Bakit may lakad ka ngayong gabi?" Tanong niya sa akin. " Sasama ako kayla Biboy mau Gig sila sa isang Bar sa malate sasabit ako bilang guitarist nila. " Sabi ko dito. Si Papa ang nagturo sa akin humawak ng guitara noong maliit pa ako. " Magiingat ka na lang sa pupuntahan niyo." Sabi niya sa akin. "Sila ang magingat sa akin Papa." Biro ko dito sabay kindat sa kanya. Natawa na lang ito sa akin saka napiling. Pagdating namin sa Bar tumogtug kami ng ilang tugtog. Tuwang tuwa sa amin ang mayari ng Bar. Ang galing daw namin. Sa susunod daw kukunin niya uli kami para tumogtog sa ibang Bar niya. Madaling araw na kami natapos. " Ang galing mo tumugtog Kane." Sabi ni Nitoy. " Putcha pag bumanat ng tugtog si Kane ginaganahan na ako. Parang binubuhay ang dugo ko." Sabi naman ni Biboy na tumatawa. " Bakit hindi ka na lang magaply ng banda." Sabi naman ni Nonoy. "Ulol wag niyo nga akong utuin. Hindi niyo ako mauuto. Bakit kayo hindi nagaply dun? " Tanong ko din sa kanila. " Putcha tingnan mo naman ang mga itsura namin. Itong si Nitoy mapagkakamalan ito na may Colored TV sa payat nito. Si Biboy parang hindi pahuhuli ng buhay." Sabi nito na tumatawa. " Wow, hiya naman kamo sayo tol. Ano ka naman mukhang irmatanyo na tumanda na sa kulungan." Sabi naman ni Biboy sabay hagalpak ng tawa. Na tawa na lang ako sa mga ito. Pano si Nitoy sobrang payat nito isang bulate na lang ang pipirma dito. Si Biboy naman ang daming tattoo at namumutla pa. Si Nonoy naman ang haba haba ng buhok at pinakulayan pa ng Gray at ang dami ding Tattoo parehas kasi sila ni Biboy na labas pasok sa kulungan. Kaya ang daming Tattoo nila. Isa pa yun ang dahilan kaya hindi sila pwede sumali sa banda kahit magagaling sila tumugtog. "Kaya ikaw lang ang matino ang itsura sa amin Kane." Sabi nila Umiling ako. "Hindi ako bagay dun. Para sa mga sosyal lang yun." Sabi ko sa kanila. Saka inaya na sila umuwi. Dumaan muna ako sa bilihan ng pansit bumili ako ng Pansit bago ako umiwi sa amin. Sumunod na araw balik na naman kami sa tambayan namin. "Walang kita dito, doon tayo sa Mall." Sabi ni Biboy. Pumunta kami sa mall. Naupo kami sa isang bangko. Tumingin tongin kami sa Paligid umalis sila Biboy naiwan kami ni Nitoy. Maya maya bumalik ang mga ito. "May nakita kami sa may parking lot.Siguradong tiba tiba tayo dun." Zabi nila sa amin. Nagkatinginan kami. " Sige ako ang look out.". Sabi ni Nitoy. " Dito ako sa may exit." Sabi ni Nonoy. " Ako bahala sa guard." Sabi naman ni Biboy. Tumango ako. Lumakad na kami. Tinuro nila ang kotse. Pasimple ko itong nilapitan. Saka sinipat ang loob. Nakakita ako ng dalawang bag sa loob.. Pasipol sipol ako saka senenyas kay nitoy ang CCTV na nasa taas. Sumenyas ito ng Ok. Maya maya hinarangan nito ang CCTV. Agad na kinalikot ko ang pintuan ng kotse maya maya may nag click sa loob agad akong pumasok sa loob. Kinalikot ko agad ang bag na nasa loob. Nilagay ko sa isang bag ang mga gamit na nakita ko at mapapakinabangan namin ng matapos agad na akong lumabas na dito. At naglakad na parang wala lang. Pagdaan ko sa basurahan tinapon ko ang bag. Kinuha naman ito ni Biboy. Saka para wala lang na lumabas din ito ng mall. Nagkita kita kamo sa dating tamabayan namin. "Sabi ko na tiba tiba yung nasa loob nun." Sabi ni Nitoy na tuwang tuwa nagapiran pa ang mga ito. Paguwi ko namili na ako ng lutuing ulam. Binilihan ko na naman si Papa ng damit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

His Obsession

read
87.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook