Chapter 16

1140 Words
"Hi!" Bati sa akin ni Rens. "Hi! Bakit na dalaw ka? Wala ka bang labas ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Ah, coding ko ngayon. Sabi kasi ni Shane mahilig ka daw sa music. Kaya dinalahan kita ng mp3 para kapag gusto mong makinig ng music kahit may ginagawa ka." Sabi niya saka inabot sa akin ang isang head set. "Ha? Naku wala akong pambili niyan." Sabi ko sa lanya. "Sino naman ang mau sabi sayo na binibenta ko sayo ito." Sabi niya. Para naman akong napahiya. *Alam ko na hindi mo ito tatangapin kahit ibigay ko pa sayo. Kaya ipapahiram ko na lang sayo. Tutal dalawa naman ang ganyan ko. " Sabi niya nagpasalamat ako sa kanya. Binigyan ko sila ng niluto ko na sinigang na baboy. " Akala ko ba hindi ka nakain ng karne? " Tanong niya sa akin. " Ah, sinusubukan ko ng kumain masarap naman pala. " Sabi ko. Nasubukan kong kumain nito nung magluto si manang nahihiya naman akong magreklamo kaya kinakain ko na lang ang mga niluluto niya. Masarap naman pala. Hindi pa sana siya uuwi makikipagkqentuhan pa sana siya sa akin kaso dumating si Kaius. " Magandang tanghali Sarhento." Bati niya dito. Pero tiningnan lang siya ni Kaius. Kaya napilitan itong magpaalam. "Mauna na ako Kane. Salamat sa ulam." Sabi nito sa akin.Tumango ako. "Salamat din dito. Hayaan mo iingatan ko ito." Sabi ko sa kanya. Kumaway na ito sa akin. Hinatid ko na lang siya sa pintuan. Akala ko pumasok na sa silid niya si Kaius pagpasok ko sa loob nakita ko na nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin. Aktong papasok ako sa silid ko. Ng magsalita ito. "Saan ka pupunta? Hindi mo ba ako pakakainin ng niluto mo? Yung ibang tao pinapakain mo ako na may ari ng bahay at bumili ng mga sangkap hindi mo pakakainin." Sabi nito. Inis na tiningnan ko siya. "Pasensiya na po, hindi ko alam na kakain po pala kayo." Sabi ko sa kanya. "Nagtanong ka ba?" Sabi niya. Hindi na lang ako umimik. Pumasok ako sa loob ng kusina naghain ako. "Bakit para sa isang tao lang ito? Ikaw hindi ka kakain?" Tanong niya sa akin. "Tapos na po akong kumain." Sabi ko sa kanya. "Sino kasabay mo yung lalake na yun?" Tanong nito na nakakunot ang noo. "Hindi po. Binigyan ko lang po sila ng ulam kasi po nagbibigay din po ang mama niya dito sa akin ng ulam. " Sabi ko sa kanya. " Gustong gusto mo naman. Bakit may pagkain ka naman dito ah. Wag mong sabihin tinatamad ka pang magluto para sarili mo na nga lang. Kinakatamaran mo pa. " Sabi niya inis na tiningnan ko siya. " Nagugustuhan ko talaga, syempre hindi ko na kailangan magluto ng ulam. Isa pa masarap kaya magluto si Rens. " Inis na sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. " Bat si Rens akala ko ba yung mama niya? " Tanong uli nito na nakakunot na naman ang noo. " Si mama niya lang ang naghahatid sa akin pero si Rens ang nagluluto kasi hindi marunong magluto ang mama niya. " Paliwanag ko sa kanya. " May tanong pa poba kayo? " Inis na tanong ko sa kanya. Hindi na ito umimik. Pumasok na ako sa loob ng silid ko. Umalis din ito pagkatapos kumain. " Anong problema nun? Bakit kaya umuwi yun nagutom lang kaya umuwi. " Bulong ko habang naghuhugas ng pinagkainan namin. Umiling na lang ako. Nakinig ako ng music ang bagong album ni Hillary. " Ang ganda talaga ng boses niya. " Bulong ko. Sinasabyan ko pa siya. Ng matapos ako nagsaing na ako. Ininit ko na lang ang ulam na niluto ko kanina. "Hindi naman yun kakain dito. Sigurado ako." Bulong ko. Ng matapos ako naghain na ako at kumain na.naghuhjgas ako ng pinagkainan ko ng makarinig ako ng ingay sa pintuan ko. "Nasaan na ba ang susi na yun?" Rinig kong tanong Kaius.Napakunot ang noo ko. " Sira yata ang susi na ito hindi na gumagana." Sabi niya uli. "Parang lasing." Bulong ko. Binuksan ko ang pintuan. Tumingin ito sa akin. Nakakunot ang noo. "Hindi talaga gagana yan kasi hindi naman naka lock ang pintuan. Hindi pa ako nagsasara ng pintuan." Sabi ko sa kanya.. "Ikaw na naman." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako. Ngunit nagsalita siya uli. "Dati trabaho ko lang ang ginugulo mo. Pero ngayon buong systema ko ginugulo mo na. Bakit ba hindi ako magkaroon sayo ng katahimikan. Bakit ba ang hilig mong guluhin ang mundo ko?" Sabi niya. Napatanga ako sa kanya. Magsasalita sana ako kaso bigla itong tumumba sa akin. "Ay! Kaius, ano ba ang nangyayari sayo?" Inis na sabi ko dito. Pero tuluyan na itong na walan ng malay sa kalasingan. Dahil sa bigat niya matutumba narin sana ako. Buti na lang may umalalay sa kanya. "Kane! Ayos ka lang? Mukhang lasing na lasing si Sarhento." Sabi ni Rens. "Oo mukhang nalasing nga siya. Maari mo ba akong tulungan na ipasok siya sa silid niya?" Sabi ko dito. " Sige ako na ang bahala sa kanya." Sabi niya. Saka inalalayan si Kaius nito papasok sa silid niya. Inayos namin ang pagkakahiga nito. " Salamat Rens ah. " Sabi ko sa kanya ng lumabas na kami ng silid ni Kaius. " Ayos ka lang ba? " Tanong niya sa akin. " Oo, ayos lang ako. " Sabi ko sa kanya at nagpasalamat uli dito. Nagpaalam na ito. **** KANE POV#*** Ilang araw din akong sinamahan ni Hendrix. Sa pageensayo ko at sa mga guesting. Hindi naman ako nahirapan kasi inaalalayan ako ni Larry. Maaga pa gising na ako may lakad ako ngayon papuntang Laguna para sa isang photoshoot ko. nagulat ako ng may dumating na pockage sa bahay. "Seniorita may pockage po na dumating sa inyo." Sabi ni Tintin sa akin. Napakunot ako. "Anong package?" Tanong ko dito. "Eto po." Sabi niya sabay pakita ng isang kulungan. Napatanga ako ng makita ang isang kulungan na may laman na balbon na kulay puting pusa. Napatanga ako ng lumingon ito sa akin dahil kulay gold ang mata nito. Napalapit ako dito. "Kanino galing?" Tanong ko kay Tintin. "Bakit hindi mo basahin para malaman mo." Sagot ni mommy na bigla na lang sumulpot. Napatingin ako sa card na nakadikit sa ribbon. Kinuha ko ito. " Sorry, hindi kita masasamahan ngayon may assembly meeting kami sa ngayon sa Chicago. Next week pa ang balik ko. Promise babawi ako sayo pagbalik ko. Hendrix. " Basa ko sa nakasulat sa card. Huminga ako ng malalim. Pagtingin ko kay mommy nakangiti ito sa akin. Hindi na lang ako umimik. Ewan ko parang nalungkot ako. Binuksan ko ang kulungan saka kinuha ang pusa sa loob.Nagpaalam na sila mommy sa akin. Tumango na lang ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD