Chapter 14

1393 Words
Naiintindihan mo? " Galit na galit na sabi niya. Tumango na lang ako. Inis na tumalikod ito saka pabalya na sinara ang pintuan niya. Tumutulo ang luha ko habang kumakain ako. " Nilabhan ko na nga ang mga damit niya nagalit pa siya. Sumakit kaya ang mga paa ko sa kakatapak ng mga damit niya. " Bulong ko habang umiiyak ako. Nakatulugan ko na lang ang kakaisip kung bakit nagalit si Kaius sa akin. Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Wala na siya ng magising ako. Kumain na lang ako at naghugas ng pingan. Ng matapos ako kumain naglinis muna ako ng bahay. Magbubukas sana ako ng TV kaso naalala ko ang sinabi niya kaya hindi ko na tinuloy. Nagbasa basa na lang ako ng mga libro. Pagdating ng gabi.Nagulat ako ng dumating siya na lasing. "Huh, Bakit mo na naman pinakialaman ito diba sinabi ko na sayo na wag mong pakikialaman ang mga gamit ko. Dahil wala kang magandang dinudulot sa mga ito." Inis na sabi niya saka kinuha ang mga libro na binasa ko kanina. "Sorry, wala lang kasi akong magawa kaya nagbasa basa na lang ako." Sabi ko. "Huh, may naalala ka naman pala kahit konti akala ko tuluyan ng napurol ang ulo mo. Dahil sa pagkabangga mo. " Sabi niya. Inis na tiningnan ko siya. Saka iniwan siya. Umiyak na naman ako pagdating ko sa silid ko. Kinabukasan tinanghali uli ako ng gising palabas na ako ng silid ko ng marinig ko na may kausap siya. " Nasaan na ang preso mo? " Tanong ng babaeng pulis na kasama niya. " Huh, tulog pa. " Sagot niya. " Wow, ang sarap naman ng buhay ng preso mo. Kain tulog na lang. Hindi pa ba bumabalik ang alala niya kahit kunti? " Tanong nito. " Sa awa ng diyos wala pa kahit konti. " Sabi nan niya. " Hanggang kailan mo ba ikukulong ang babae na yan dito? " Tanong uli ng babaeng pulis. " Tssk, wag na nga natin siyang pagusapan nasisira lang ang araw ko. " Sabi niya. Saka narinig ko na ang paglabas nila ng bahay. Tumulo na naman ang luha ko. " Bakit kasi wala pa akong naalala. Para mapagbayaran kona ang mga kaso na sinasabi niya na ginawa ko ng makalaya na ako sa kanya. " Bulong ko sa isip ko. Sumunod na araw pilit na iniwasan ko siya para hindi na umiinit ang ulo niya ng dahil sa akin. Nilibang ko na lang sa ibang bagay ang sarili ko. Papasok na ako sa silid ko ng may dumating na may edad na babae. "Hi! Ikaw ba si Kane?" Tanong nito sa akin tumango ako sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siya na naup. "Pinapunta ako dito ni sir Kaius para dalahan ka ng pagkain mo. Hindi siya kasi makakauwi ngayon. May tinatapos silang trabaho." Sabi nito. Napatango na lang ako. Nagpasalamat ako sa kanya. "So pano babalik na lang ako bukas ng umaga. Isara mo ng maige ang pintuan at mga bintana ha." Sabi niya uli sa akin. Tumango ako. Kinabukasan Nagulat ako ng magising ako na nasa kusina na siya. " O, ang aga mo naman magising." Sabi niya sa akin. " Hihintayin po sana kita para pagbuksan." Sabi ko sa kanya. " Haay, nakalimutan ko sabihin na may susi akong sarili. Ako kasi ang laging pinapupunta ni sir Kaius dito para ipagluto, ipaglaba at ipaglinis siya ng bahay. " Sabi nito. Tumango na lang ako. Tiningnan ko siya habang naghihiwa siya. " Pwede niyo po ba akong turuan kung pano yang ginagawa niyo? " Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. " Gusto mong matutu magluto? " Tanong niya sa akin. Tumango ako. Ngumiti siya. Saka pinalapit ako sa kanya. Tinuruan niya ako sa paghihiwa ng mga sangkap. Tuwang tuwa na ginawa ko ang sinabi niya. " Simple lang lutuin ito dahil sinangag na kanin lang ang gagawin natin saka pritong itlog at piniritong bacon. " Sabi niya sa akin. Tuwa akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Habang nagpapaliwanag siya nag kwekwento pa siya. Sabay na kaming kumain. Tawa siya ng tawa ng maikwento ko ang paglalaba ko. " Nanakit na nga ang mga paa ko nagalit pa siya sa akin. Mainit talaga ang ulo nun sa akin. " Tawa ito ng tawa. " So ikaw pala ang may gawa nun. " Sabi nito na tawa ng tawa. " Pano naman hindi magagalit yun sayo yung puti ginawa mong di color yung di color ginawa mong puti." Sabi niya na tumatawa. Napapaisip ako sa sinasabi niya. "Hindi kasi sinasabay ang puti sa di color na damit. Pag naglalaba ka. Saka hindi yun nilalagyan ng sonrox dahil matatangal ang kulay ng damit . Yung puti na damit ang nilalagyan ng sonrox. " Sabi niya sa akin dun ko lang naintindihan. "Nagalit pala siya dahil natangal ang kulay ng damit niya. " Bulong ko sa isip ko. "Hayaan mo tuturuan kita kung pano maglaba." Sabi niya sa akin. Umalis muna siya bago bumalik siya ng tanghali tinuruan naman niya ako magluto ng kanin at adobong manok. Kinabukasan tinulungan ko uli siya magluto. Binigyan niya ako ng recipe ng mga luto niya. Tuwang tuwa ako sa kanya. Sumunod na araw sinama niya ako mamalengke. Wala na raw kasing laman ang ref namin tinuruan niya ako kung papano mamili ng isda at gulay. Pati pag groceries. Sumakay kami ng tricycle pabalik sa bahay. Kilala na siya ng mga driver. Pinabuhat niya ang mga pinamili namin. Apat na araw ko siyang nakasama marami akong natutunan sa kanya. Nagulat ako pagpasok ko sa kusina hindi si manang ang nakita ko si Kaius. Nagluluto ito. Babalik na lang sana ako sa silid ko kaso nagsalita siya. "Buti naman gising kana. Ihanda mo na ang mesa." Sabi niya. Tumango na lang ako naglagay ako ng pingan at kutsara sa lamesa. Saka aktong aalis na ng magsalita siya. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. "Mamaya na ako kakain hindi pa ako nagugutom. Iwan mo na lang sa lababo ang pinagkainan mo ako na ang maghuhugas wag mo na nga pala akong dalahan ng pagkain mamayang gabi." Sagot ko sa kanya saka lumabas na ako ng kusina.Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Pumasok ako uli sa silid ko. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Pagdating ng hapon nagluto ako ng kanin at ulam. Ng matapos kumain na ako. Ng matapos ako sinara ko ang pintuan at bintana pumasok na ako sa silid ko. Kinabukasan maaga ng magising ako. Sinangag ko ang kanin na natira ko kagabi. Natuwa ako ng tikman ko ito na ayos naman ang lasa. Nagprito ako ng itlog at ham. Saka inihain sa lamesa bago bumalik na ako sa silid ko natulog uli ako. Kinabukasan naglaba ako ng mga damit ko. Natuwa ako dahil na gawa ko ng tama ang mga tinuro sa akin ni manang Linda. Ilang araw ng ganun ang ginagawa ko. Iniwasan ko na magkita kami para hindi na masisira ang araw niya. Kinabukasan nagising na naman ako ng maaga para magluto ng almusal. Katatapos ko lang maghain sa lamesa. Nagulat ako ng makita ko siya na nakasandal sa may pintuan pinagmamasdan ako habang nakakunot ang noo niya. "Ahhm, kumain kana mamaya na ako kakain." Sabi ko na lang at aktong aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko. "Sana nga bumalik na ang alaala ko ng matigil kana. Kaso hindi e. Iniwasan kita para hindi na masira ang araw mo diba sabi mo nasisira lang araw mo dahil sa akin. Kung ang pagluluto ang iniisip mo tinuruan lang ako ni manang Linda magluto. Kaya natutu ako dahil para sabihin ko sayo wala lang akong maalala pero hindi mapurol ang utak. Nasagot ko na ba ang mga tanong mo? Wag kang magalala dahil hindi lang ikaw ang gustong bumalik ang alaala ko ako din ng makalaya na ako sa poder mo. " Inis na sabi ko sa kanya. Saka iniwan ko siya. Pumasok ako sa silid ko. Umiyak na naman ako. Ewan ko ba masyado akong iyakin. Parang hindi ako sanay makatangap ng masasamang salita. "Magtapat ka nga sa akin. Bumalik na ang alaala mo no kaya iniwasan mo ako. Akala mo ba madadaan mo ako sa ganyan. Para sabihin ko sayo sa kulungan parin ang bagsak mo." Galit na sabi niya. Inis na binawi ko sa kanya ang braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD