"Anong nangyayari sayo?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakakunot na naman ang noo nito. Umiling ako.Tinitigan niya ako.
"Ano ba kasi ang pinapanood mo?" Inis na tanong niya sa akin. Saka nilapag ang dala niyang plastik. sa lamesa saka pumasok na sa silid niya. Tiningnan ko ang laman ng plastik. Napangiti ako ng makita na pansit sotanghon ito. Natakam ako dito. Tuwang tuwa na kumuha ako ng pingan saka sinalin ito. Napatingin ako sa silid niya. Nagaalanganin ako kung kakatukin ko siya. Huminga ako ng malalim saka ako kumatok sa kanya.
"Ahm, Kakain kaba ng pansit na dala mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, kumain kana lang. Tapos na akong kumain niyan tira namin yan. Inuwi ko na lang sayang din kasi." Sabi niya. Natigilan ako. Akala ko pa naman binili niya para sa amin yun pala tira lang nila yun na inuwi niya para sa akin.
" Sa bagay. Sino naman ako para bilihan niya ng pagkain. E galit na galit nga yun sa akin." Bulong ko sa isip ko.
Kumain na lang ako magisa. Ng matapos ako niligpit ko ang pinagkainan ko saka ako pumasok na sa silid ko. Nakahiga na ako naalala ko ang babae na nakita ko. Kamukhang kamukha ko siya.
"Bakit parang pamilyar sa akin ang kinakanta niya."
Bulong ko. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Kinabukasan maaga pa nagising na ako.
Pumunta ako sa kusina. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ko si Kaius na nagluluto kagaya kahapon nakahubad baro ito.
Namula ako ng mapadako abg mata ko sa likod niya na walang damit. Sakto naman lumilingon ito.
"Buti naman gising kana. Ihanda mo na ang lamesa maghahain na ako." Sabi niya. Kaya pumunta na ako agad sa lagayan ng pingan kumuha ako ng pingan at kutsara. Inayos ko ito sa lamesa. Naghain naman siya. Nagsikain na kami. Maaga pa siyan umalis. Kagaya kahapon iniwanan niya ako ng pagkain sa kusina. Naglinis ako ng bahay. Ng matapos ako na nood na naman ako ng TV nagbabakasakali ako na makita ko uli ang babae. Pero wala akong nakita. Kaya na nood na lang ako ng tele drama.
Habang nanood ako sige ang iyak ko. Sige ang singhot ko namamaga na ang mata ko sa kakaiyak. Nagulat si Kaius ng makita ang mga mata ko.
"Anong nangyari sayo? Nasugatan ka na naman ba?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.
"E anong nangyari sayo?" Tanong niya na nakakunot ang noo.
"Nanood kasi ako ng tele drama." Sagot ko sa kanya.
"Ang hilig mo kasing manood ng walang ka kwenta kwenta. Pano babalik ang alala mo niyan." Sabi niya natahimik ako.
"O kumain kana." Sabi niya sa akin inabot sa akin ang dala niya. Tiningnan ko ang dala niya. Kanin at ulam. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit may dala ka nito?" Tanong ko sa kanya.
" Para pagkain mo. Hindi ka pwedeng magkasakit dahil kargo kita. Baka maging sagutin pa kita pag nagkataon. " Sabi niya saka pumasok na sa silid niya hindi na lang ako umimik. Kinabukasan maaga pa ng magising ako pumunta ako ng kusina. Naabutan ko siya na nagluluto. Nakahinga ako ng makita na nakadamit na ito. kagaya ng dati ako ang naghugas ng pinagkainan namin. Umalis din ito agad.
"Bakit ba kasi hindi pa bumabalik ang alala ko?" Tanong ko sa isip ko. Habang naglilinis ako ng bahay.
"Hindi pwedeng ganito lang ang ginagawa ko nakakahiya naman sa kanya." Bulong ko sa isip ko.
" Pero anong gagawin ko wala naman akong alam gawin. Wala naman kasi akong naalala. " Bulong ko uli. Pasalampak na naupo ako sa sofa. Binuksan ko ang TV. Napatitig ako dito. Kasalukuyan. Pinapakita dito ang pag gamit ng sabon panlaba. Napangiti ako.
" Tama. Maglalaba ako. " Bulong ko pinatay ko ang TV. Pumasok ako sa silid ko kinuha ko ang mga damit ko na labahan. Ng mapadaan ako sa silid niya. Napaisip ako. Pumasok ako sa loob. Napatanga ako ng makita ang malaking poster.
" Bakit may picture ko dito? " Tanong ko ng may maalala. Napakunot ang noo ko.
" Hindi kaya obsessed sa akin Kaius nagpapangap lang siyang may kasalanan ako at ikukulong niya ako pag bumalik na ang alala ko. Pero ang totoo obsessed siya sa akin at balak niya talaga akong ikulong dito. " Bulong ko sa isip ko. Napahawak ako sa bibig ko.
" Ano kaba Kane, pano naman magiging obsessed sayo yun e pag nakikita ka nga niya parang nasisira ang araw niya. Kaya nga umaalis yyn ng maaga pa at pag dumarating naman nagkukulong sa silid niya para hindi ka makita. Haays. " Bulong ko pero napapaisip ako kung bakit may picture ako sa silid niya
"Infairness ang ganda ko dito. " Bulong ko sa isip ko. Saka lumabas na at naglabada. Nilagay ko sa batya ang mga damit nilagyan ko ng sabon at tubig. Saka tinapaktapakan ito. Pakanta kanta pa ako habang tinatapak tapakan ang mga ito. Ng matapos binanlawan ko ito saka sinampay.
"Natapos ko din. " Sabi ko na tuwang tuwa.
"Ngayon hindi na ako palamunin lang." Sabi ko saka naupo sa sofa nagbukas ng TV. Dahil sa pagod nakatulog ako.Nagising ako ng may tumapik sa akin.
"Kung matutulog ka pumasok ka sa silid mo. Hindi yung bubuksan mo ang TV tapos tutulugan mo lang pala. Aksayado ka ng koryente." Inis na sabi niya sa akin. Saka nilapag ang dala niyang supot.
Pumasok na ito sa silid niya. Tiningnan ko ang dala niya. Nakaramdam ako ng gutom. Pumunta ako ng kusina para isalin ito sa pinggan. Nagulat ako sa pagsulpot niya sa kusina.
"Ikaw ang kumuha ng mga damit ko?" Tanong niya sa akin. Napaisip ako.
"Ahh. Yung madudumi? Nilabhan ko kasama ang mga damit ko." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Nilabhan mo?" Tanong niya uli. Tumango ako sa kanya.
"Nasaan?" Tanong niya uli. Tinuro ko yung nakasampay sa likod. Pumunta siya doon.
"Anong ginawa mo?" Tanong niya ng bumalik siya dala ang mga damit niya.
"Naglaba. Bakit hindi ba malinis ?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo nilagyan ng sonrox ang mga di color sinama mo pa ang mga puti." Sabi niya sa akin.Napatingin ako sa kanya. Nalilito sa sinasabi niya.
"E diba ganyan ang paglalaba ganun ang nakita ko sa TV." Sabi ko sa kanya. Inis na tiningnan niya ako.
"Wag ka ng manood ng TV ha, at sa susunod wag na wag mong pakikialaman ang mga gamit ko.