***HILLARY POV#***
Bumangon ako at nagbihis bago ako lumabas. Pumunta ako ng kusina.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa isip ko.
" Bahala na nga. Baka pag nagtanong pa ako sa kanya sermunan niya na naman ako." Bulong ko sa isip ko. Kumuha ako ng bigas saka nagluto ako. Binuksan ko ang kalan saka sinalang ang kaldero.
Binuksan ko ang ref nakakita ako ng bacon dun saka itlog. Binuksan ko ang kabilang kalan. Nilagay ko ang kawali.
kaso ng ilagay ko na ang itlog biglang nagingay ang mantika. Nataranta ako napatakbo ako sa pintuan.Hinintay ko pa na tumigil ito sa pagiingay bago ko nilapitan at pinatay ang kalan.Sakti naman pumasok siya sa kusina na naka short lang walang damit pangtaas.
"Anong amoy yun?" Tanong niya sa akin. Saka napatingin sa kalan. Agad na lumapit ito dito at pinatay ang kalan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Nagluluto obvious ba?" Inis na tanong ko din sa kanya.
"Nagluluto ka niyan? Talaga lang ah?" Sarkastiko na sabi niya.
"Sa tingin ko kasi balak mong sunugin ang bahay ko." Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
"Bat ko naman susunugin ang bahay mo e di pati ako walang matitirahan." Inis na sabi ko sa kanya.
"Oo nga naman kaya ang pagkain na lang ang sinunog mo." Sabi niya hindi ako umimik.
"Saka bat sinalang mo ang bigas na walang tubig. Pinirito mo ang itlog na walang mantika." Sabi niya sa akin saka tinuturo ang kaldero at ang kawali. Napaisip ko.
"Malay ko. Ang naalala ko lang piniprito naman talaga ang itlog ng walang mantika ah. Pero ang bigas hindi ko naalala kung pano siya niluluto." Sabi ko sa kanya. Naptingin siya sa akin.
"Eh bakit hindi ka nagtanong sa akin. Hindi mo naman pala alam. Pano kung nasunog mo ang bahay." Sermon niya sa akin.
"Pano naman ako magtatanong sayo. E lagi ka na lang galit no." Bulong ko. Napatingin siya sa akin. Huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang epron na nakasabit.
"Manood ka ituturo ko sayo kung papano ang tamang pagluluto ng kanin." Sabi niya. Hinugasan niya ang mga gunamit ko.
"Ginawa mong kape ang bigas." Sabi niya. Saka umiling.
"Alam mo na kasing wala akong naalala inutusan mo pang magluto. Saka feeling ko hindi ko ginagawa ang mga bagay na yan no." Sabi ko sa kanya. Saka tiningnan ang kamay ko na napaso ng tintangal ko ang itlog sa kawali. Napatingin siya sa akin. Tinago ko ang kamay ko. Pinanood ko siya sa pagluluto.
"Nilalagyan ng tubig ang bigas bago mo isalang. Pero kailangan mong sukatin ang tubig. Para hindi mahilaw ang bigas." Sabi niya. Hindi ako umimik. Tinulungan ko siya maghain ng pagkain. Siya narin ang nagtimpla ng kape namin. Ng maupo ako sa bangko. Nakita ko na lumabas siya ng kusina. Pagbalik niya may hawak na siya na ointment.
" Akina ang kamay mo. " Sabi niya. Napatnga ako sa kanya. Kinuha niya na lang ang kamay ko. Napatitig siya sa kamay ko.
" Ako na lang ang maglalagay. " Sabi ko sa kanya. Saka binawi ang kamay ko na hawak niya.
" Ako na. " Sabi niya saka nilagyan ng ointment ang kamay ko. Hindi na lang ako umimik. Kumain na kami. Pagkatapos naming kumain. Tinulungan niya akong magligpit ng pinagkainan namin.
" Siguro naman kaya mo ng hugasan ang mga yan." Sabi niya sa akin.
" Kaya ko na paghuhigas lang." Sabi ko sa kanya.Tiningnan niya ako. Saka iniwan na ako. Nagumpisa na akong maghugas ng pinggan. Maayos na sana kaso na mali ang paghawak ko ng pingan dumulas ito sa kamay ko. Napatili ako ng bumagsak ito sa lapag.
" Anong nangyari? " Tanong niya ng pumasok sa kusina. Kinabahan ako agad kong hinawakan ang nabasag na pinggan.
" Wag mong hawakan! " Sabi niya kaso huli na nahawakan ko na ito. Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako ng lapitan niya ako saka hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko na dumudugo ang kamay ko. Na mutla ako at tuluyan na akong na walan ng malay. Nagising ako sa ingay sa paligid ko.
"Bakit mo ba kasi inutusan pa siya. Alam mo na nga na walang na aalala kung ano ano pa ang pinagagawa mo." Sabi ng boses babae.
"Malay ko ba. Akala ko nagpapangap lang siya. Hindi na kasi ako naniniwala sa kanya." Sabi niya dito.
"So ngayon naniniwala kana." Sabi uli ng babae. Hindi ito umimik. Kumilos na ako. Napalingon sila sa akin.
"Ayos ka lang ba Kane?" Tanong sa akin ng babae na pulis. Si Helena. Ng lapitan niya ako. Tumango ako sa kanya.
"Takot ka pala sa dugo." Sabi niya sa akin.
"I don know basta ng makita ko ang dugo parang nanikip ang dib dib ko." Sabi ko sa kanya.
"Takot ka nga sa dugo. Kung ganun." Sabi uli nito.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya uli sa akin.
"Ayos na ako." Sabi ko sa kanya. Saka tumayo na ako.
"Kung ganun aalis na kami. May pagkain na diyan sa kusina. Kaya hindi mo na kailangan magluto." Sabi nito sa akin. Tumango na lang ako. Hindi ako tumitingin sa kanya. Ayaw kong masermunan niya. Umalis na sila.
"Haays, bakit ba kasi simple na lang na gawain hindi ko pa kayang gawin." Bulong ko ng magisa na lang ako. Huminga ako ng malalim.
"Bakit kaya parang hindi ko pa nagagawa ang mga bagay na yun." Bulong ko. Saka naalala ang takot ko ng makita ko na nagingay ang kawali ng ilagay ko ang itlog. Akala ko sasabog na ito. Napailing na lang ako. Pagdating ng tanghali kumain ako. Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Ingat na ingat ako. Baka mamaya mabasag ko na naman. Sa awa ng diyos na tapos ako na walang nabasag. Kinuha ko na lang ang walis nagwalis na lang ako ng sahig. Ingat na ingat ako sa kilos ko. Pinalitan ko ang mga cover ng upuan pati ang mga kurtina. Naghalungkat ako sa kabinet niya. Hindi ko na pinunasan ang mga devider natatakot ako na baka makabasag ako. Hapon na ako natapos. Naghalungkat ako sa kusina ng makakain. Nakakita ako ng Tinapay at palaman. Kumuha ako ng Juice. Kumakain ako habang nanood ng TV.
Napunta ako sa isang TV show.
"Ngayon ating e well come ang ating guest for today. Miss Hillary Nevara!! " Sabi ng TV hosts. Napakunot ang noo ko parang kilala ko ang panglan na yan. Hindi ko lang maalala. Laking gulat ko ng makita ang mukha ng Hillary Nevara. Nagsimula itong umawit. Sumakit ang ulo ko. May kung ano akong naalala sa awitin na kinakanta ng babae sa TV. Napahawak ako sa ulo ko. Sakto namang dumating si Kaius pinatay nito ang TV.