"Bumukas lang ang tahi ng sugat mo pero ayos na siya. Wag ka munang kikilos kasi sariwa pa ang mga sugat mo. " Sabi ng doctor sa akin. Tinurukan nila ako ng para sa kirot. Nagusap sila ni mommy. Kwenento ni mommy ang nangyari. Nagtaka ang doctor.
"Wala akong inuutusan na nurse dahil hindi pa oras ng paginom mo ng gamot. Saka hindi na kailangan na iinject ang gamot sayo dahil hindi naman sumasakit ng husto ang mga sugat mo." Sabi ng doctor. Napakunot ang noo ko.
"Kung ganun sino yung nurse na pumunta dito? Ano ang gamot na ituturok niya sa akin? " Bulong ko ng maalala ang injection na nabitawan ng nurse.
" Ahhm, Doc nabitawan niya ang hawak niyang injection kanina. Maari niyo bang malaman kung anong gamot yang iinject niya sana sa akin. " Sabi ko dito ng damputin nito ang injection na nasa sahig.
" Sige, wag kang magaalala aalamin ko kung anong gamot ito. Sasabihin ko sa inyo pag may resulta na." Sabi nito sa amin saka nagpaalam na ito sa amin.
" Magpahinga kana anak. Nag request ako ng bantay sa labas. Kaya wag ka ng magaalala hindi na makakabalik ang nurse na yun. " Sabi ni mommy. Hindi naabutan ni Dayday ito. Napapaisip ako kung sino ang nurse na yun.
Nagising ako na may naguusap sa tabi ko nakita ko si mommy na may kausap na lalake. Napalingon sila sa akin ng maramdaman nila ang pagkilos ko.
"Gising ka na pala iha." Sabi ni mommy sa akin ng lapitan niya ako.
"Siya pala si Sarhento Ledesma. Pinatawag ko siya para imbistigahan yung nangyari kagabi." Sabi ni mommy. Tinatanong ako ni sarhento habang nagaalmusal ako.
"Binigay na sa akin ni Doc ang resulta ng gamot na dinala niya sa lab kagabi. Isang klase ito ng lason na pagpumasok sa katawan ng tao mapa paralyze ang buo nitong katawan kasama na ang puso. Na magiging sanhi ng pagkamatay nito." Sabi ni Sarhento napahawak sa bibig niya si mommy.
"Nalaman din namin na hindi lang simpleng accident ang nangyari sayo. May pumutol ng break ng kotse mo. Kaya ka na walan ng break. Buti na lang at naiisip mo na ibangga ito sa poste.. Kung nagkataon baka mas matindi pa ang nangyari sayo." Sabi uli nito. May alaala na pumasok sa isipan ko. Nakahawak ako sa manibela habang may kausap ako.
"M... May kasama ba ako sa sasakyan ko mommy?" Tanong ko sa mommy ko.
" Wala kaming nakita na kasama mo. Ikaw lang ang nakuha ng mga nagrescue. Dinala ka nila dito sa hospital. Napaisip ako. May mga tinanong pa sa akin si Sarhento pero hindi ko din naman nasagot kasi wala akong naaalala.
"Tawagan mo na lang ako pag may naalala ka." Sabi nito sa akin. Saka iniwan sa akin ang calling card niya. Tumango na lang ako sa kanya.
Ilang araw palang ang nakalipas ng may dumating na bisita. Saktong nagkwekwentuhan kami ni mommy.
"Mr. Collins!" Sabi ni mommy sa may edad na lalake. Bumati ang may edad na lalake kay mommy humalik din sa kanya ang babae na kasama nito.
"Sorry ngayon lang kami nakadalaw. Galing pa kasi kami ng California kararating lang namin kanina." Sabi ng babae sa mommy ko.
" Naiintindihan ko naman yun balae. Halika pasok kayo. Kamusta nga pala si Hendrix? " Tanong ni mommy sa kanila. Pumasok sila sa loob ng silid ko. Nilapag ni mommy ang basket ng prutas at bulaklak sa lamesa na nasa tabi ng mesa ko.
" Nandiyan na yun dumaan pa kasi sa bake shop bumili ng chocolate cake na paborito ni Hillary. " Sabi ng baba.
" Kumusta kana iha? " Tanong ng lalake sa akin.
" Ayos lang po. " Sagot ko dito at nagtataka na tumingin kay Mommy.
" Ahhm, sila nga pala ang Mama at papa ni Hendrix ang fiance mo nakita mo na sila bago ka pa madisgrasya. Pero si Hendrix hindi pa kayo nagkikita. " Sabi ni mommy. Nagtataka na nakatingin sa amin ang magulang ng fiance ko daw.
"Pasensiya na kayo, nagkaroon kasi siya ng temporary amnesia kaya marami siyang hindi naaalala. " Sabi ni mommy sa kanila.
" Naku dear, wag kang magalala ang mga ganyang kaso pansamantala lang yan. Kadalasan bumabalik din agad ang memory ng may temporary amnesia." Sabi ng babae sa akin.
" Isa din kasi siyang doctor. May sarili silang hospital at isa ito sa pagmamayari nila. " Sabi ni Mommy napatango ako.
" Oh! Eto na pala si Hendrix!" Sabi ng lalake na nasa likod nila mommy. Napatingin kami sa likod nila. Nakita ko ang isang lalake na matangkad naka tuxedo
May hawak na box ng cake. Bumati ito kay mommy. Napakunot ang noo ko. Parang pamilyar siya sa akin. Napalingon ito sa gawi ko. Biglang nawala ang ngiti nito ng makita ako.
"Ahhm, siya nga pala Hendrix ang anak ko si Hillary. Dito pa tuloy kayo nagkita." Sabi ni mommy.
"Ikaw?" Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
" Kilala niya ba ako? Pero sabi ni mommy hindi pa daw kami nagkikita ng fiance ko. Pero bakit parang kilala niya na ako at parang pamilyar din siya sa akin. Hindi kaya nagkita na kami. Hindi lang nila alam." Bulong ko sa isip ko.
"Bakit? Nagkakilala naba kayo?" Tanong ni mommy kay Hendrix. Parang natauhan naman ito.
"Ahhm, hindi tita kamukha niya lang kasi yung babae na nakilala ko kaylan lang." Sabi nito saka tumingin uli sa akin.
"Ahh, akala ko nagkita na kayo ng anak ko."
Sabi ni Mommy.
" Ano kaba makikilala mo talaga siya kasi sikat na singer si Hillary. Nagkakalat ang poster niya sa kahit saang magazine dahil kilala din ang mga lingeries niya na minomodel niya. " Sabi ng mommy niya. Lumapit ito sa akin. Lumakas ang t***k ng puso ko.
" Hi! Nice to meet you sweetheart. " Sabi niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko naitulak ko siya ng di oras. Napatingin siya sa akin.
"Pasensiya kana Hendrix. Wala kasing naalala si Hillary may temporary Amnesia siya sanhi ng pagkabangga ng kotse niya." Sabi ng mommy niya.
" I understand ma. " Sabi niya. Hindi ko alam pero parang naiinis ako sa kanya.
" Mabuti pa Hendrix bigyan mo ng cake si Hillary. " Sabi ng papa niya. Kaya naman kumuha ito ng platito saka humiwa ng cake. Gumawa naman si mommy ng shake. Aayaw sana ako pero nahihiya naman ako sa magulang niya kaya hindi na lang ako umimik.
"Kaya mo bang kumain magisa o gusto mo subuan kita?" Tanong niya sa akin. Nataranta ako. Agad na kinuha ko ang platito sa kanya.
"Hindi na! A.. ang ibig kong sabihin kaya ko naman kumain magisa hindi mo na kailangan na subuan ako." Sabi ko na lang . Tumango siya . Hindi ko na siya pinansin kumain na lang ako. Kaso naiilang ako sa kanya kasi titig na titig siya sa akin.
"Bakit? ' inis na tanong ko sa kanya. Kumamot ako sa ilong ko.
" Nothing, kamukhang kamukha mo kasi talaga siya pati sa kilos.Kung hindi lang lagi kang kwenekwento sa akin ni mommy baka sabihin ko na iisa kayo. " sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
" Sino ba yun? " Tanong ko sa kanya.
" Wala yun wag mo na lang intindihin. Kumusta na ang pala ang pakiramdam mo? Pasensiya na ngayon lang tayo nag meet masyado kasi akong busy lately." Sabi nito sa akin.
" Ayos lang ako." Tipid na sagot ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit mainit agad ang dugo ko sa kanya.Ng matapos akong kumain nagpasalamat ako ng dumating ang doctor ko. Oras na para linisan at palitan ng bandage ang sugat ko. Kaya napilitan silang lumabas.Ng lumabas siya ng silid ko saka lang ako nakahinga ng maluwag.