***KANE POV#***
Nagising ako na nasa isang silid ako. Punong puno ng benda ang ulo ko pati ang braso at binti ko. Narinig ko na may naguusap sa tabi ko. Napalingon sa akin ang babae na medyo may idad na. Napalapit ito sa akin ng makita na gising na ako.
"Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" Tanong nito sa akin.
"N... Nasan ako? S... Sino kayo? A...Anong nangyari sa akin?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila ng lalaking naka kulay puti.
" Doc anong nangyari sa anak ko? Bakit hindi niya ako nakikilala? " Tanong ng babae sa lalaking naka kulay puti na damit. Nilapitan ako ng lalake na nakakulay puti.
" Nasa hospital ka. Sinugod ka dito kasi bumangga ang sasakyan mo. Hindi mo ba naalala? " Tanong niya sa akin. Umiling ako.
" Okay, lang yan kagigising mo lang kasi. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? " Tanong niya sa akin.
" Kumikirot ang ulo ko. " Sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ang mga mata ko.
" Hindi kaba nahihilo. Ang paningin mo ayos lang naman? " Tanong niya uli sa akin.
" Ayos lang naman. " Sagot ko uli sa kanya. Tumango siya kinuhanan nila ako BP pati ang hearth beat ko.
" Ayos lang naman siya. Sa tingin ko sanhi lang yan ng pagkakatama ng ulo mo. Pero wag kang magaalala babalik din ang alala mo. Sa ngayon kailangan mo lang magpahinga para bumalik ang lakas mo." Sabi niya sa amin. Tumango ako. Nagusap sila ng babae na mama ko daw.
Nakatulog ako uli ng may tinurok sila sa akin.
Nagising ako na madlim na sa labas. Kita sa bintana na nasa tabi ko.
" Gising kana pala Iha. Gusto mo bang kumain. Trka tatanungin ko si doc kung ano ang pwede mong kainin. " Sabi ng babae na nagpakilala na nanay ko. Nagpaalam ito sa akin. Hindi ako umimik. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Sarili ko ang silid may isa pang kama sa tabi ko. May sofa. Mukhang VIP ang room na kinalalagyan ko.
Pagbalik ni mama may kasama na siyang babae na may hawak na tray. Inayos niya ang higaan ko. Nilagay niya sa lamesa na maliit na nilagay niya sa harap ko saka niya nilagay ang tray. Tinulungan niya akong kumain. Nakaramdam ako ng gutom ng matikman ko ang pagkain. Naubos ko lahat ang pagkain na nasa harap ko.
"Mukhang nagutom ng husto ang anak ko. Nawala ang pag dyedyeta mo sa pagkain." Sabi nito sa akin. Ngumiti na lang ako dito. Pero sa totoo lang parang ngayon lang ako nakatikim ng masarap na pagkain.
" Anak, naalala mo na ba kung ano ang nangyari sayo? " Tanong niya sa akin.Napaisip ako.
" Wala parin akong naalala." Sagot ko dito.
Napatitig soya sa akin.
"Ayos lang yan anak." Sabi niya sa akin saka hinawakan niya ang kamay ko. May kung ano akong naramdaman ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.
"Sabi ni doctor Suarez. Babalik din daw ang alala mo. Kaya wag mo ng isipin yun. Ipahinga mo ang sarili mo para bumalik ang lakas mo." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Inayos naman ng babae na kasama ng mama ko ang higaan ko.
"Wag kang magalala anak tutulungan kita para makabalik ang alala mo." Sabi ni mama.
"Ako nga pala si Hillary kane Nevara. Ang tawag mo sa akin ay mommy. Ang pangalan mo ay Hillary Nevara. Isa kang sikat na Singer at Model.
May sarili kang Negosyo na napalago mo sa sarili mong sikap. Nakuha mo ang hilig mo sa business sa amin ng lolo mo." Kwento niya sa akin marami pa siyang sinabi sa akin. Pero kahit isa wala akong naalala. May mga pangalan siya na binigkas pero wala ako nakikilala. Nakatulugan ko na lang ang pagkwenkwentuhan namin ni Mommy.
Nagising ako na naiihi ako. Nakita ko na tulog na tulog si mommy sa higaan na nasa tabi ko. Aktong tatayo na ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nahiga uli ako. May pumasok na nurse. Lumapit ito sa akin. Kakalabitin ko sana ito para magpatulong na tumayo. Pero nagtaka ako ng makita na may iinject siya sa akin naalala ko bago ako matulog pinainom na ako ng gamot ni mommy. Kung para sa kirot naman iniinjectionan lang nila ako oras na tinawag sila ni mommy.
"Teka nurse, para saan ang gamot na yan?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Napatingin ako sa orasan na nasa ding ding. Napakunot ang noo ko. Ng aktong ibabaon na niya sa swero ko hinawakan ko ang kamay niya.
"Teka miss hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Para sa saan nga yan? Saka di pa oras ng paginom ko ng gamot." Tanong ko uli dito. Nagoiglas siya.
" Hindi kita bibitawan hangat hindi ka sumasagot."
Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya na may hawak na injection. Nagising si mommy.
" Anong nangyayari? " Tanong nito. Nataranta ang nurse. Tinulak ako nito. Pero hindi ko siya binitawan. Kaya napababa si mommy sa higaan niya. Hinawakan ng nurse ang benda ko sa braso saka diniinan. Naitulak ko siya kaya bumalandra siya sa gilid. Nabitawan niya ang hawak niya. Nilapitan ako ni mommy ng makita na nagdudugo ang sugat ko sa braso. Agad na tumayo ang nurse at nagmamadali na lumabas.
"Habulin niyo siya mommy wag niyong hahayaan na makalayo siya." Sabi ko kay mommy. Sakto naman na pumapasok ang katulong na kasama ni mommy kanina.
Day day sundan mo ang nurse na kalalabas lang pigilan mo na makaalis. Tumawag ka ng guard pag nahuli mo siya. " Sabi ni mommy. Tumango naman ang katulong kahit nagtataka.
" Ayos ka lang ba anak? Sino ba yun? " Sunod sunod na tanong nito sa akin.
Hindi ako umimik. Pinindot nito ang botton na nasa tabi ng higaan ko. Dumating ang doctor ko at isang nurse. Tiningnan ko ang kasama nitong nurse. Hindi yun ang nurse na pumunta sa silid ki kanina. Inasikaso nila ang sugat ko na nagdudugo. Pati ang swero ko na nawala sa ayos dahil sa pagpipigil ko sa nurse kanina. Dumating si Dayday na may kasama na security guard.Nagusap ito at si Mommy.