Nang matapos akong asikasuhin ng doctor nagpaalam na ito. Pagpasok ni Mommy sinabi niya na nagpaalam na daw ang fiance ko pati ang magulang niya. Kaya lihim akong nagpasalamat. Dahil sa totoo lang naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Babalik na lang daw ito.
Nagstay pa ako ng Ilang linggo sa ospital. Hindi na nakabalik ang fiance ko nagkaroon daw ito ng biglaang meeting sa ibang bansa Babawi na lang daw ito pagbalik niya. Natuwa ako sa nalaman na wala ito sa bansa ibig sabihin hindi ko ito makikita. Hindi ko kailangan magpangap na okay. Hindi narin naulit pa na may nagtangka sa akin. Inuwi na ako ni mommy sa bahay. Humanga ako sa laki at ganda ng bahay.
"Magandang tanghali po senorita." Bati sa akin ng mga katulong.Ngumiti ako sa kanila. Lumapit sa amin ang isang may edad na babae halos hindi nagkakalayo ang edad nila ni mommy. May kasama siya na babae na halos kasing edad ko lang.
"Siya si Tita Vallary mo kapatid ko eto naman si Samantha ang anak niya." Pakilala ni mommy sa kanila.
"Maligayang pagbabalik iha." Bati sa akin ni Tita Vallary binati din ako ni Samantha saka yumukod sa akin. Nailang ako sa ginawa niya. Pero hindi ko na lang pinahalata ngumiti qako sa kanila.Pinakilala din isa isa ni mommy ang mga katulong. Pati ang batler namin na si George.
Sinamahan ako ni mommy sa kwarto ko. Doon lang ako nakahinga ng iwan ako ni mommy para makapagpahinga. Inilibot ko ang paningin ko sa silid ko.
"Bakit ganun kahit isa wala man lang akong naalala sa kanila. " Bulong ko habang nakatingin ako sa kisame. Bumangon ako saka nagtungo sa closet ko na tinuro ni mommy sa akin kanina. Na mangha ako sa dami ng damit na narito.
Pero napakunot ang noo ko ng makita na puro pang sexy ang damit na narito pag hindi kita ang likod kita naman ang balikat. Napabuga ako ng hangin.
"Talaga bang akin ang mga damit na ito? Para kasing hindi ako nagsusuot ng mga ganito na damit. " Bulong ko. Isang crop top na kulay navy blue at long sleeve na blue ang napili ko na isuot pinaresan ko ito ng maong na pantalon. Saka ako pumasok sa banyo para maligo.
***HILLARY POV#***
Nagising ako na nasa silid parin ako at nakaposas sa higaan. Napakunot ang noo ko saka pilit na kinakalas ang posas sa kamay ko. Ng bumukas ang pintuan.
"Hindi mo yan basta basta matatangal dahil pinasadya ko talaga ang posas na yan para sayo. Saka wag ka ng magtangkang tumakas dahil hindi ka din makakatakas sa akin. Kung noon nakakatakas ka sa akin ngayon hindi ko na hahayaan na takasan mo pa ako."
Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
"How dare you, sino ka para paratangan ako ng ganyan. Ni hindi ko nga alam ang mga sinasabi mo." Sabi ko sa kanya. Tumawa ito ng nakakaloko.
"Talaga lang ah, wag mo akong artehan dahil hindi bebenta sa akin yan. Mabuti pa kumain ka na lang ng lumakas ka para pwede ka ng ilipat ko sa kulungan." Sabi niya saka nilapag sa harap ko ang pagkain. Tiningnan ko ang pagkain na nilapag niya. Kanin at karne ang laman ng tray. Pakiramdam ko hindi ko pa sinusubo babaliktad na agad ang sikmura ko.
"Hindi ko sinabi na tingnan mo lang yan sabi ko kumain kana" Sabi niya.Inirapan ko lang siya.
" Ayaw mo kumain bahala ka. " Sabi niya at kinuha ang pagkain saka kinain niya ito. Inis na nahiga na lang ako.
Nagising ako na kumukulo ang tiyan ko. paglingon ko sa lamesa nakita ko ang lalake na may kausap sa phone niya. Na wala ang gutom ko. Nakaramdam ako agad ng Inis. Nakita ko na nakaposas parin ang kamay ko.
" Buti gising kana. Siguro naman ngayon aamin kana sa kasalanan mo. " Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
" Wala nga sabi akong naalala sa mga sinasabi mo sa akin. Pano ko aaminin. Ni hindi nga kita kilala. Ni hindi ko nga maalala kung saan tayo nagkita. " Inis na sabi ko sa kanya.
" Talaga lang wala ka talagang naalala."
Sabi niya.
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong naaalala ni hindi ko nga alam kung pano ako napunta dito. " Sabi ko sa kanya.
" Wag mong sabihin na kahit pangalan mo hindi mo alam. " Sarkastiko niyang sabi. Napaisip ako. Dahil tama siya kahit pangalan ko hindi ko maalala. Pilit kong inaalala ang pangalan ko. Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito. Napakunot ang noo niya ng makita niya na napahawak ako sa ulo ko. Maya maya pinindot na niya ang kulay pula na nasa gilid ng higaan ko. Maya maya dumating na ang doctor at nurse. Tinurukan nila ako ng pang pakalma ng kirot. Nakaidlip ako. Ng magising ako nakahinga ako ng makita na wala siya sa silid ko.
" Buti naman wala ang bwisit na lalake na yun. Lalo lang akong nanghihina kapag nakikita ko ang mukha niya. " Bulong ko. Kumalam na naman ang tiyan ko.
" Nagugutom na talaga ako. Ilang araw na ba akong hindi kumakain? Bwisit kasi ang lalake na yun." Bulong ko sa isip ko.
" Bakit kasi hindi mo na lang kinain ang binigay niya na pagkain kanina? " Bulong ko uli sa isip ko.
" Pano ko naman kakainin yun. pakiramdam ko pag kinain ko yun hindi ako lalakas magkakaroon ako ng sakit lalo dun. Hindi naman kaya healthy food yun no. "Bulong ko uli sa isip ko. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Pumikit uli ako nagpangap ako na tulog. Ayaw kong makipag bangayan sa kanya wala na akong lakas pa.
" Hoy! Gumising kana. Kumain kana. Alam ko nagugutom kana. " Sabi niya sa akin. Napadilat ako saka tiningnan ang dala niyang pagkain. Napasimangot ako ng makita na kagaya ng dala niya kanina ang dala niya iba lang ang pagkakaluto ng ulam.
"Hindi ako nagugutom." Sabi ko saka aktong pipikit uli ng tumunog ang sikmura ko. Napapikit na lang ako.
"Talaga lang ha, hindi ka nga talaga nagugutom." Sarkastiko na sabi niya habang nakatingin sa tiyan ko. Hindi ako umimik.
"Ano hindi ka talaga kakain?" Tanong niya sa akin.
"Pano ako kakain niyan. Hindi naman Healthy food yan no." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"At kailan ka pa naging maarte sa pagkain. Kumakain ka nga sa karinderia nila aling Nene e." Sabi niya. Napakunot ang noo ko.
"Who's aling Nene?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mo sabi akong artehan. Hindi porket nawala ang alaala mo maabswelto kana sa akin. Hindi parin kita pakakawalan kaya wag ka ng umarte na arte dahil hindi mo ako makukuha sa pa English English mo. Dahil alam ko na matalino ka isa na naman yan sa mga strategy mo. " Sabi niya. Saka aktong kukunin na naman niya ang pagkain napakislot ako. Napatingin siya sa akin ng tumunog uli ang tiyan ko.
" Hindi ka talaga kakain? " Tanong niya sa akin. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na matulog. Narinig ko na kinuha niya ang tray saka lumabas ng silid. Napalunok na lang ako.
" Ayan wala kanang pagkain. Ayaw mo pa kasing kainin yun." Sabi ko sa isip ko.
Inis na inis ako sa lalakeng yun. Nakatulugan ko na lang ang inis ko.
Nagising ako sa amoy ng soup na nasa tabi ko. Kumalam agad ang tiyan ko. Pagdilat ko. Nakita ko ang tray na nasa tabi ng higaan ko. Tiningnan ko ang pagkain na nasa tray. Napangiti ako ng makita ko ang gulay at Kanin may kasama itong sabaw.
" Pwede narin yan. " Bulong ko kaso hindi ko alam kung papano ako kakain. hindi ko maigalaw ang isang kamay ko kasi naka posas yung isa naman may nakatusok na dextrose. Saktong bumukas ang pintuan inis na napapikit na lang ako.
"O bakit hindi kapa kumakain? Wag mong sabihin na ayaw mo parin niyan?" Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
"Sa palagay mo pano ako kakain?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry, nakalimutan ko na wala ka nga palang naalala. Nasanay ako na lahat kaya mong gawin." Sabi niya sa akin saka nilapitan ako at kinalas ang posas sa kamay ko. Nahawakan ko ang pulso ko na namula dahil sa posas. Napatingin siya dito. Inadjust niya ang higaan ko para makaupo ako. Saka nilagay niya ang tray sa harap ko. Nagpasalamat na lang ako sa kanya.
" Wag kang magpasalamat. Gusto ko lang lumakas ka ng mailipat na kita sa kulungan. " Sabi niya Inirapan ko na lang siya.
" Akala ko pa naman bumait na sa wakas yun pala nagbabalat kayo lang pala." Inis na bulong ko sa isip ko.