***HILLARY POV#***
Lalong naging mahina si Lolo nitong mga nagdaang araw. Kaya kinuha na namin siya ng Nurse na magaasikaso sa kanya. Nagulat ako ng sabihin ng Nurse na hindi na humihinga ang Lolo ko. Kaya pinuntahan ko ito Iyak ako ng iyak ng makita ko na pinagkakaguluhan ito ng mga doctor. Niyakap ako ni Mama.
Ilang araw pagkatapos ilibing si Lolo Pinatawag kami ng abugado nito. Nagtaka kami ng iiwan nito ang lahat ng mga ariarian niya kay Mama at sa akin. Napatingin kami sa kapatid ni Mama na si Tita Cliofe. Umiyak ito yung bahay sa Makati at kunting pera sa Bangko ang iniwan sa kanila ni Lolo. May anak ito na isa si Feñalope anak niya ito sa pagkadalaga. May kapansanan kasi si Tita hindi ito nakakapagsalita ng maayos bingi din ito. Sa Mansion sila nakatira kasama namin si Feñalope ang nagalaga kay lolo nung nagkasakit ito.Kaya nagtataka kami bakit ito ginawa ni lolo.
Hindi namin sila pinaalis sa mansion.
Dinagdagan rin ni mama ang pera nila sa Bangko. Kasama sa kahilingan ni Lolo ang pagpapakasal ko sa apo ng kababata niya. Kaya sa ayaw at sa gusto ko nakipagkasundo si Mama sa mga ito. Pero ng pumunta ang mga ito sa mansion hindi nila kasama ang mapapangasawa ko. May business meeting daw ito sa ibang bansa. Kaya hindi nakarating. Lihim akong nagpasalamat dahil sa totoo lang tutol talaga ako sa kasunduan na ito. Pakiramda ko binebenta nila ako.
Sumunod na araw naging busy na ako dahil may gaganapin akong Concert sa ibang bansa kaya tinatapos ko ang album na ginagawa ko ngayon. May gaganapin pa akong modeling sa Buracay sa susunod na lingo para sa bagong design ko na lingeries sa aking boutique. Ito naman ang sarili kong business may sarili akong boutique ng ibat ibang lingeries at may sarili din akong recording company.
"Iha, hindi ka pwedeng umalis dahil sasusunod na linggo na ang susunod na pagpunta nila dito para hingiin ang kama mo." Sabi ni mama sa akin
"Mama hindi pwedeng icancel ang flight ko papuntang Boracay kailangan ko ng matapos ang photoshoot ko dun dahil ilalabas na ang bagong designs ng mga lingeries ko. wala akong ipapakita na posters nito at mga kopya ng magazine nito at isa pa next month na ang concert ko sa Hawaii kaya kailangan kong tapusin ang lounching ng mga bago kong designed na mga lingeries bago ako umalis papuntang Hawaii next month." Sabi ko kay mama.
"Pero Hillary...." Sabi ni mama na hindi ko na pinatapos pa.
"Mama please, hindi ko kayo pinigilan nung makipagkasundo kayo sa kanila kahit tutol ako sa gusto niyong mangyari. Dahil ginagalang ko din ang gusto ni Lolo pero hindi ako papayag kung hadlangan nito ang business ko.
Maiintindihan din nila ako dahil businessman din ang apo nila sa katunayan wala nga siya dito nung nakaraan dahil sa business niya kaya patas lang kami. Siguro baka hindi talaga kami para sa isat isa." Sabi ko kay Mama saka kinuha ko ang bag ko at humalik na sa kanya.
" Goodbye ma, may recording pa ako." Sabi ko dito.
" Hillary! " Tawag ni Mama pero hindi ko na siya nilingon pa nagtuloy tuloy ako sa kotse ko. Kumaway na lang ako dito saka pinaandar na ang sasakyan ko. Umiling na lang ito. Pagdating ko binati ako ng mga staff. Naging busy na kami sa bago kong album. Tuwang tuwa ako ng matapos ko din ito sa wakas.
" Whoo ang ganda talaga ng boses mo Hillary siguradong papatok na naman ito sa masa." Sabi ni Ben ang nagrerecord ng mga kanta ko.
" So kailangan ko ng magpaschedule ng interview mo." Sabi naman ni Melenie ang manager ko. Nagapadeliver na lang ako ng pagkain namin. Gabi na ako nakauwi kasi nagmeeting pa kami sa paglabas ng bago kong album. Sige na ang tawag ni Mama sa akin hindi ko pinapansin alam ko na makikipagkulitan lang ito sa akin. Paglabas ko dumeretso ako sa kotse ko. Napakunot ang noo ko ng makita na bukas ang pintuan nito. Hindi ko na lang pinansin kasi lagi ko naman talaga nakakalimutan na ilock ang pintuan ng kotse ko. pumasok ako sa loob at pinaandar ko ito. Naisip ko na dadaan na lang ako ng bake shop bibilihan ko na lang si mama ng chocolate cake. Kaso ng tapakan ko ang break ng kotse hindi ito gumana.
"Oh my god! Na walan ako ng break."
Sabi ko saka sinubukan uli na tapakan ang break pero hindi talaga gumana. Nataranta na ako. Nagulat ako ng biglang may lumabas na babae sa likod ko.
"Sino ka?" Tanong ko dito. Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang magkatitigan kami.
"Bakit kamukha kita?" Sabay na tanong namin.Napahawak ako sa bibig ko. Pero nagulat ako ng pumunta siya sa harap.
"Umalis ka diyan ako ang magmamaneho." Sabi nito tutol pa sana ako pero nataranta ako ng makita na may pasalubong na truck sa amin. Agad akong umalis sa manibela mabilis na pumalit siya sa akin. Humanga ako sa galing niya magmaneho ng maiwasan namin ang truck. Pero nanlaki ang mata ko ng mapansin ang tinitumbok niya.
"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Coveran mo ang ulo mo at humawak ka ng maigi. Kailangan natin gawin ito mas logtas ito kesa sa iba pa tayo mabangga O kaya tayo ang bangain." Sabi nito kaya nagmamadali na sinuot ko ang seatbelt ko pati siya sinuutan ko din.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Sinusuutan ka ng seatbelt baka tumalsik ka pag bumangga tayo." Sabi ko saka humawak ng maigi at lihim na nagdasal. Maya maya narinig ko na lang ang malakas na lagabog ng sasakyan namin at tumama ang ulo ko sa gilid ng sasakyan dahil dun na walan ako ng malay.
Nagising ako na nasa isang silid ako. Puro puti ito. Napalingon ako ng may pumasok na lalake may kausap ito sa phone niya. Babangon sana ako kaso laking gulat ko ng makita na nakaposas ako.
"Buti naman at gising kana." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
"S.. Sino ka at bakit narito ako?" Tanong ko sa kanya. Napangise siya.
"Hindi mo naalala. Pinasok mo lang naman ang isang sasakyan at naabutan ka ng mayari dahil dun nabangga kayo." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko wala akong maalala. Kumirot ang ulo ko napahawak ako sa ulo ko.
"Wag mo akong dramahan hindi mo ako madadala diyan. Hindi kana makakawala sa akin ngayon." Sabi niya. Hindi ko na siya inintindi dahil mas tumindi ang sakit ng ulo ko dahil doon na walan uli ako ng malay.