" Pwede mo bang ihinto sandali ang sasakyan. " Sabi ko kay Hendrix. Napalingon siya sa akin. Pinahinto nito ang sasakyan. Lumabas ako ng sasakyan. Nang aktong lalapitan ko na ang lalake may lumapit dito saka itinulak na ito palayo. Napatda ako.
"Hey, what happened?" Tanong ni Hendix ng lapitan niya ako. Tiningnan niya ang tinitingnan ko.
"Ahhm. Wala akala ko kakilala ko hindi pala. Halika na." Sabi ko sa kanya.
"Bakit bumalik na ba ang alaala mo?" Tanong niya ng umupo na siya sa tabi ko.
"Hindi pa." Sabi ko sa kanya.
"So pano mo nalaman na kilala mo yun?" Tanong niya sa akin.
"Kaya nga akala ko lang." Sagot ko sa kanya saka tumingin sa labas ng bintana. Iniisip ko kung bakit ganun ang naramdaman ko ng makita ko ang matanda na yun." Bulong ko.
"Nakatulog ako sa biyahe nagising ako na tinatapik niya ako. Pagdilat ko nagulat ako dahil nakasandal na ako sa kanya. Agad akong umayos ng pagkakaupo.
"Kain na muna tayo. Baka nagugutom kana." Sabi niya sa akin. Tumingin ako sa labas. Nasa tapat kami ng isang Restaurant. Pinark ng driver niya ang sasakyan. Bumaba siya bago siya gumilid sa papunta sa tabi ko pinagbuksan niya ako. Lumabas ako. Pagpasok namin sa loob may sumalubong na staff sa amin. Nagusap sila ni Hendrix. Bago niya kami dinala sa kabilang side ng restaurant. Ang ganda ng designed ng restaurant. Seefoods ang specialty nila. Namili muna kami ng seefoods na ipaluluto namin.
Bago namili kami kung anong klaseng luto ang gusto namin.
"Sinigang na sugpo, steam lobster at inihaw na pusit ang inorder niya. Sinamahan niya ng manggo shake at pineapple juice. Inalalayan niya ako maupo. Pinagbalat niya ako ng lobster. Ang sarap ng kain ko. Asikaso niya ako kaya naiilang tuloy ako. Hindi ko maiwasan na mamula kapagnilalagyan niya ako ng hiniwa niya na pusit sa pingan ko.
"Dito kami kumakain kapag napupunta ako diro. Kaya kabisado ko na ang luto nila dito. Alam ko na magugustuhan mo ang luto nila." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Nagpapasalamat ako na sinamahan niya ako kasi hindi ko natatandaan ang mga lugar na ito. Kahit sinabi ni Larry na ilang beses na akong nakarating dito. Pero wala talaga akong natatandaan. Habang nasa daan.
Madilim na kami nakarating sa hotel na pagdadausan ng launching. Sinalubong kami ni Larry.
"Kumusta ang biyahe ayos lang ba kayo?" Tanong niya. Tumango ako.
"Kumain na ba kayo?" Tanong niya uli sa amin. Tumango uli ako. Bago kami nakarating dito kumain kami sa isang Restaurant na dinaan namin. Kainan sa kawayan naman yun. Kaya tuwang tuwa ako. Dahil mga bago sa akin ang nararanasan ko. Natatawa siya sa akin. Minsan nga nahahampas ko na siya kasi pinagloloko niya ako.
"Kung ganun ihatid ko na kayo sa mga suit niyo para makapagpahinga na kayo. Dahil bukas maaga pa tayo maguumpisa. Darating ang mga Decorator na kinuha ko. Kailangan mong ipaliwanag sa kanila ang mga gagawin nila. Sa hapon naman darating ang mga Media na mag cocover ng show at sikat na celebrity na si Judith Monroe at Jude Ortega na mag hohost." Sabi ni Larry sa akin. Tumango ako sa kanya. Hinatid niya kami sa mga silid namin. Magkatapat lang ang silid namin ni Hendrix. Nagpaalam na si Larry sa akin.
"Sige mauna kana pumasok." Sabi ni Hendrix sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Sige good night." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Good night." Sabi niya. Sinara ko na ang pintuan.
Kinabukasan maaga pa gising na ako. Naka Tshirt ako na kukay Brown at maong na pants. Pinakita sa akin ni Larry ang lugar kung saan gaganapin ang show. Pinakita niya sa akin ang mga gown na gagamitin sa show. Pati formal dress hangang Lingerie. Natuwa ako sa designed nito. Hindi ko akalain na ako ang gumawa ng yun. Naka suot ito sa manikin. Paglabas namin nakita ko si Hendrix na kausap ang nagkakabjt ng mga ilaw.
"Hi! sweetheart good morning." Bati niya sa akin. Nagulat ako sa tawag niya sa akin. Ngumiti na lang ako saka binati ko na lang din siya. Nangingiti si Larry sa akin.
"Narinig ko yun." Bulong nito sa akin. Siniko ko siya. Natawa ito. Napakunot ang noo ni Hendrix. Niyaya ko na lang ito na magalmusal. Pumunta kami sa restaurant ng hotel.
"Buti nakasama ka dito Hendrix." Sabi ni Larry dito.
" Nagaalala kasi ako sa kanya. Buti kung naalala na niya ang lahat. Kaya alam ko na maninibago siya sa lahat." Sabi ni Hendrix.
" Saka isa pa. Mahalagang araw ito sa kanya, kaya gusto ko siya samahan."
Sabi ni Hendrix.
" Wow naman ang supportive. " Sabi ni Larry.Ngumiti lang ito. Pagkatapos namin kumain dumating na ang mga decorator na kinuha ni Larry.Naginv busy na kami si Lary nasa mga model. Si Hendrix naman tumulong na para isulervise ang installation. Halos gabi na kami nakaka tulog. Ilang araw akong busy. Halos hindi na kami nagkakausap ni Hendrix. Hangang sa sumapit ang Show. Gabi ito gaganapin. Umaga palang nagdatingan na ang mga guests namin. Pagdating ng gabi nakahanda na ang lahat. Nagkikislapan ang mga camera sa bawat sulok ng lugar. Makikita mo ang mga kilalang tao sa loob at labas ng bansa na inimbitahan ni Larry.
"Siguradong paguusapan na naman ng madla ang launching mo ng bago mong designs ang Alora. " Sabi ni Larry.
" Siguradong magugulat sila dahil Sanay sila na mga Lingeries lang ang nakikita nila pero ngayon ponaghalo halo mo ang show." Sabi niya sa akin.
" Para mabigyan ng dating ang pinak main event. " Sabi ko sa kanya. Napangiti siya.
" Iba ka talaga magisip ngayon." Sabi niya. Nagtaka kasi siya ng magimbita ako ng ibang designer at isinali ko ang mga kilalang designed nila sa show. Pero ang pinaka main even ang bago kong design na si Alora.
"Good evening everyone. We are once again gathering together to witness HEC's new outdoor design, the Alora." Sabi ng MC na nasa Stage.
"But before that let's call the founder of HEC. Miss Hillary Navara." Tawag sa akin sa stage. Tumayo ako at umakyat sa stage.
" Good evening everyone, Thank you for attending tonight. I hope you like our new creations for all of you that we really worked hard and stayed awake for. So tonight we are releasing the new HEC design that I know you will all love. Alora. I named her Alora because when you see her you will dream. Thats all, thank you and enjoy the show." Sabi ko. Saka bumaba na sa stage.
" Thank you miss Hillary. " Sabi ng isang host namin.
"Tonight you will not only see the designs of HEC but also the new designs of the designers you know. Because we have invited some famous Designers to present their work tonight." Sabi ng babaeng hosts.
" The Reborn made by Anastasia Brown." Pakilala ng hosts. Nagpalakpakan ang mga tao. Nagkislapan ang mga camera.
Nasa kalagitnaan na ng event. Ng lumapit sa amin ang isang tauhan namin.
" Ma'am Hillary may problema po tayo." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
" Ano? " Tanong ko dito.
" Yung model na kinuha ni Madame nadisgrasya mo habang papunta dito sinugod po sa ospital." Sabi nito. Nagkatinginan kami ni Larry.
"Ano pong gagawin natin. Malapit na po ang main event." Sabi nito. Napaisip ako. Ng magsalita si Larry.
" No problem." Sabi nito saka hinila ako. Nagtataka na napasunod ako dito. Napatingin sa amin si Hendrix. Kinawayan ko na lang ito.
" Bakit mo ba ako hinihila? " Tanong ko dito. Ng nasa loob na kami ng dressing room.
" Lani tawagin mo si Bella sabihin mo pinatatawag ko. Tapos dalahin niyo dito si Alora." Sabi ni Larry napakunot ang noo ko.
"Bakit mo tinatawag ang beautician natin? Saka bakit mo pinadadala dito si Alora anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ko dito.
" Dahil ikaw ang magsusuot nun. " Sabi ni Larry.
" Ako? Sigurado ka? E yung Lingeries nga nahirapan ako isuot yun pa kaya. " Sabi ko dito.
" Ayoko baka masira ko ang show. " Sabi ko dito na kinakabahan. Iniisip ko pa lang na magsusuot ako ng gown kinakabahan na ako isa pa siguradong naka heels yun pano kung matumba ako sa gitna ng stage. Hinawakan nito ang kamay ko.
" Magtiwala ka sa akin. Alam ko na kaya mo yan. Nagawa mo na ito dati kaya alam ko na magagawa mo uli." Sabi niya sa akin napatingin ako sa kanya. Kinakabahan talaga ako.
" Alaala mo lang ang nawala sayo. Hindi ang kakayahan mo. Kaya alam ko na kaya mo yan. May tiwala ako sayo. " Aabi niya hindi ako nakaimik.
" Ang isipin mo nakasasalalay sayo ang tagumpay ng show. " Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Dumating na si Bella. Pinaayusan ako ni Larry.
" Hihintayin kita sa labas." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Kinakabahan ako. Pero wala na kaming choice kundi ito na lang.