Inayusan at binihisan nila ako. Pagkatapos sinuot nila ang gown na si Alora.
"Grabe, ma'am ang ganda po talaga niyo." Sabi ng beautician na kinuha namin. Namula ako. Pinaharap niya ako sa salamin nagulat ako sa naging itsura ko. Kunulot nila ang buhok saka initnaas nila ito at naglaylay lang sila ng maiit na hibla sa mga gilid. Binagayan ito ng manipis na make up na nilagay nila sa mukha ko. Sukat na sukat naman sa katawan ko ang tabas ng damit parang sinukat ito sa akin. Isa itong sleeveless wedding gown na fit magmula sa katawan pababa sa kalahati ng hita.Pagdating sa kalahati ng hita pabaloon na ito na punong puno ng raffle. Mahaba ito. Kita ang likod ko pababa sa bewang ko pagdating sa bewang ko may nakakabit na raffle dito pababa. Lampas ito sa paa ko. Nakalatag ito sa sahig sa bandang likuran ko. sinuutan nila sa akin ang pares nitong gwantes na pero labas ang mga daliri ko. Hangang kalahati ng braso ko ito. Gawa ito sa Chantilly lace. punong puno ng mamahaling sequence ang gown. Kaya pag tinatamaan ng liwanag kumikinang ito. Sinuot na nila sa akin ang pres na heels at Belo. Saka pinahawak sa akin ang bouquet nito.
"Grabe, Para ka ng totoong ikakasal ma'am." Sabi uli nito. Hindi ako umimik.
Knalalayan na nila ako na lumabas. Nagulat si Larry ng makita ako.
"Grabe, Ikaw ba yan Hillary?" Tanong nito.
"Grabe, lumutang ang ganda ng Alora ng isuot mo." Sabi niya sa akin. Hinampas ko ito.
"Loka loka, hindi mo na kailangan bolahin ako suot ko na o." Sabi ko sa kanya. Tumawa siya.
"Pwera biro Grabe ang ganda mo day. Parang gusto ko ng maging lalake." Sabi nito natawa ako. inalalayan na nila ako sa likod ng stage ng sabihin na susnod na ang Alora. Kinabahan ako.
"Grabe parang totoong ikakasal naman ako nito." Bulong ko habang nakatayo sa likod ng stage.
"This time you will witness the new designs of Hillary's Elegant Collection that you will really admire." Sabi ng host.
" Kaya mo yan Hillary." Bulong ko sa isip ko saka bumuga ng hangin.
" The Alora." Sabi ng hosts. Bumukas ang tillon. Bumungad ako sa kanila. Unti unti akong naglakad papasok sa stage. Natahimik ang lahat. Kinabahan ako.
"Hindi ba sila na gandahan sa ginawa namin?" Tanong ko sa isip ko habang naglalakad ako. Napatingin ako kay Hendrix. Nakita ko na may kausal ito sa phone niya. Nagulat ito ng makita ako na naglalakad sa stage. Nahigit ko ang hininga ko ng makita na titig na titig siya sa akin. Maya maya nagpalakpakan ang mga tao. Nagkislapan ang mga camera. Nagumpisa ng magsalita si Larry. Pinapaliwanag niya kung saan gawa ang Alora. Pagdating sa dulo ng stage. inangat ko ang belo bago ako tumalikod. Nagpalakpakan na naman sila ng makita ang designed nito sa likod. Naglakad na ako pabalik sa gitna ng mga model namin. Nag kislapan ang mga camera.
"Grabe ang ganda ng pasok mo kanina. Ginulat mo ang lahat. Natulala sila sayo." Sabi ni Larry habang nagbibihis ako sa dressing room. Tawa ito ng tawa.
"Nakita mo ba ang expression ng fiace mo? Grabe akala ko mabibitawan niya yung Phone niya kanina ng makita ka." Sabi uli nito. Sabay tawa. Natigilan ako sa loob ng dressing room.
Naging tagumpay ang launching ng Alora. Tuwang tuwa ang grupo ko. Nagkaroon kami ng konting party.
Doon lang din sa hotel.
Nagkatuwaan kami. Nakatingin lang sa akin si Hendrix. Halos nakakarami na ako. Nagulat ako ng bigyan nila ako ng alak ito ang uminom. Nagtawanan sila.
"Hey, bakit mo ininom akin yan shot e" Sabi ko sa kanya. Medyo lasing na ako.
"Tama na lasing kana." Sabi niya sa akin.
" Sinong nagsabi sayo? Hindi pa ako lasing. " Sabi ko dito. Saka kinuha ang isang shot saka tinungga ito.Napailing na lang ito. Nagtawanan sila Larry.
***HILLARY POV#***
Ng maiwan kami hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Kaius. Umungol ito. Napatingin ako dito. Nakita ko na nakapikit ito. Kumuha ako ng planganang maliit nilagyan ko ng tubig na maligamgam saka bimpo. Pinunasan ko ito sa mukha niya pati sa mga braso. Napatingin ako sa Tshirt niya. Nagdadalawang isip ako kung papalitan ko ba siya ng damit O hindi. Nagtatalo ang isip ko.
"Bahala na nga. Tutal tulog naman siya. Saka wala naman akong gagawing masama bibihisan ko lang siya no." Sabi ko saka huminga ng malalim. Pumunta ako sa damitan niya. Kumuha ako ng Sando niya. Saka naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang lay layan ng damit niya. Kumilos ito. Kinabahan ako na baka nagising ito. Pero nanatili itong nakapikit. Huminga ako ng malalim saka hinubad ko ang damit niya. Napalunok ako ng makita ang katawan niya. Nagalinlangan tuloy ako kung pupunsan ko paba ito o bibihisan ko na agad. Umungol uli si Kaius. Napatingin ako sa mukha niya. Napabuga ako ng malalim saka kinuha ang bimpo at pinigaan ito. sinimulan kong punasan siya sa leeg niya papunta sa dib dib niya ng nasa tiyan niya na ang pupunasan ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko sabay kabig sa akin palapit sa kanya. Napadapa tuloy ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita na ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Mas lalo lang akong nataranta ng bigla itong dumilat.
Saka tumitig sa akin.Nahigit ko ang hininga ko sa Nervous.
"Kamukhang kamukha mo siya. Pero bakit sa tuwing titigan kita ibang tao ang nakikita ko.Gusto kang parusahan ng utak ko pero iba ang dinidikta ng puso ko. Bakit mo ba ginugulo ang systema ko. Sino kaba talaga Kane Nevara bakit noon mo pa ginugulo ang buhay ko?" Sabi nito. Nanlake ang mata ko ng makita na hahalikan ako nito. Nataranta ako hindi ko alam kung iiwas ba O hahayan siya sa gagawin niya. Ng makita na magdidikit na ang labi namin. Pumikit na lang ako. Kaso nagtaka ako ng hindi lumapat ang labi niya sa labi ko.
Pagdilat ko. Nakapikit ito uli at naghihilik na. Namula ang mukha ko saka nagmamadali na lumayo sa kanya.
Kinuha ko na lang kumot ang kinumutan siya saka kinuha ang mga ginamit ko at lumabas na ng dilid niya. Ng makalabas ako ng silid niya napasandal ako sa ding ding ng pintuan niya. Wala sa sarili na napahawak ako sa dib dib ko. Ang lakas ng t***k nito para na itong lalabas. Naalala ko ang sinabi niya namumula na napangiti ako saka huminga ng malalim.