Chapter 19

1323 Words
Napapaisip ako sa nangyari. "Saan kaya siya tumakbo. Ang bilis naman niyang na wala." Bulong ko sa isip ko. Hinayaan ko si mommy na makipag usap sa mga pulis. Hindi ako nakatulog agad. Dahil dun tinanghali ako ng gsing kinabukasan. Buti na lang natapos ko na ang mga gagawin ko. Nagising ako sa pag dila ng mga alaga ko sa akin. Napabalikwas ako ng bangon ng makita na maliwanag na sa labas. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko nagulat ako ng makita ko si Hendrix kausap ni mommy. "O, hayan na pala siya." Sabi ni mommy.Tumayo si Hendrix saka lumapit sa akin. "Kumusta kana ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin.. Tumango ako. "Bakit ka nandito pa? Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na muna ako pumasok ngayon para masamahan kita sa pupuntahan mo." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Nagpaalam na kami kay mommy. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Saka siya umikot sa kabila. Nagpahatid ako sa opisina ko. Kinikilig si Larry habang nakatingin kay Hendrix na naghihintay sa akin. May kausap ito sa CP niya. Ako naman pinapaliwanag ko ang magiging tema ng program namin. Nagpahatid na lang ng pagkain sa amin si Hendrix. Sa opisina na kami kumain. Pagkatapos namin dun. May guesting pa ako na dinaluhan. "Balita namin engaged kana daw?" Tanong sa akin.. Napatingin ako kay Hendrix. Na busy na naman sa pakikipag usap sa phone niya. "Opo." Sagot ko nagtilihan ang mga fans ko. "Yung ibang awitin mo ba para sa kanya.?" Tanong ng TV host. "Hindi po para po sa mga fans ko. " Sabi ko natawa ang hosts. "Kasama mo ba siya ngayon?" Tanong nito uli. Tumango ako. Nagtilihan uli ang mga fans. "Maari ba namim siyang makita?" Tanong uli ng TV hosts. "Saka na lang. Hindi ko pa siya natanong kong handa na siyang humarap sa inyo." Sabi ko sa kanila. Nalungkot sila. "Kasama mo ba siya sa concerts mo?" Tanong nila uli sa akin. " Hindi ko alam. Masyado kasi siyang busy. " Sabi ko. Na lungkot na naman sila. "Maari mo ba kaming imbitahan sa darating na concert mo at sa mall tour mo. " Sabi ng TV hosts. " Iniimbitahan ko po kayo sa Concert ko na gaganapin 21stq ng next month. Sa Araneta Grandstand at nasa ayala mall ako sa sunday at pagdating ng lunes nasa Starbox ako. Pagdating naman ng byernes nasa Star luisita po ako. " Sabi ko sa kanila. " Hectic pala ang schedule mo next week?" Sabi nito sa akin. " Opo. " Sagot ko sa kanya. Pinakanta niya pa ako bago ako nagpaalam sa kanila. " Busy ka pala next week. " Sabi niya sa akin. "Oo kaya nga ngayong linggo ko gaganapin ang Launching ng Lingeries ko. Sabi ko sa kanya. " Saan mo ba gaganapin ang Launching nito? " Tanong niya sa akin. " Sa Baguio. " Sabi ko sa kanya. " Kailan ka aalis papunta dun? " Tanong niya sa akin " Bukas na ang alis ko. Dahil marami pa kaming kailangan ihanda doon. " Sabi ko sa kanya. " Ilang araw ka dun? " Tanong niya uli sa akin. Habang nasa biyahe kami. " Sa sabado na ng gabi ang balik ko. Bale apat na araw ako dun. " Sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik. Hinatid niya ako sa bahay hindi na siya bumaba may kailangan pa daw siyang tapusin. " Tawagan mo ako pag may nangyari uling problema. " Sabi niya sa akin. Tumango ako. "ingat sa paguwi. " Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya. Pagpasok ko sa loob sumalubong agad ang mga alaga ko. Hinimas ko ang mga aso ko bago ko kinarga ang pusa ko. " Hello! Hanna. " Sabi ko dito " Bukas na ba ang alis mo? " Tanong ni mommy sa akin. " Opo mom. Kailangan ko na pong tapusin ang launching ko ngayong lingo dahil magiging busy na ako sa pag propromote ng concert ko sa mga susunod na araw." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. " Magiingat ka dun ha. " Sabi ni mommy sa akin. " Mom don't worry kaya ko ang sarili ko. Kayo ang magiingat dito habang wala ako. " Sabi ko sa kanya. " Ano kaba nandito sila Tita mo kasama ko. " Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Nagaalala talaga ako para sa mommy ko. Tinulungan ako nito magimpake ng mga gamit na dadalahin ko. " Sumama ka na lang kaya sa akin mom. Para makapagbakasyon ka. " Sabi ko sa kanya. " Hindi pwedeng iwanan ang company. Lalo na ngayon na maraming project na tinatapos kami. " Sabi ni mommy sa akin. " Sabi ko na nga. " Sabi ko sa kanya. Tumawa na lang ito. " Basta magiingat ka dun. " Sabi niya uli. " Paulit ulit ka mom. " Maktol ko ngumiti lang ito saka niyakap ako. Yumakap na lang din ako dito. Bago ako matulog nakatangap ako ng tawag kay Hendrix tinatanong niya kung anong oras ang alis ko kinabukasan. Kinabukasan maaga pa gising na ako. Nagayos na ako ng sarili ko. Ng matapos binuhat ko na ang traveling bag ko at ang pusa ko. Nagsunuran ang mga alaga ko. Pagbaba ko nagulat ako ng makita ko si Hendrix kausap ni mommy. Hindi ito nakasuot ng coat. Naka long sleeve shirt lang ito na puti at kulay brown na pants. Napalingon si mommy sa akin. "O ayan na pala siya." Sabi ni mommy. Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya saka lumapit sa akin. "Ako na ang magdadala niyan." Sabi niya saka kinuha ang bag na dala ko. Napatanga na lang ako sa kanya. Kinuha ni mommy si Hanna. "Akina na si Hanna." Sabi ni mommy. Nagpaalam na si Hendrix kay mommy. Palabas na kami ng mapatili si Samantha. Napalingon kami sa hardin. Nakita ko na natataranta si Tita. "Anong nangyari? " Tanong ni Mommy kay Tita. "Nasugatan ng pambungkal ng lupa si Samantha. Ang laki nh sugat niya. Mukhang kailangan ko siyang dalahin sa ospital." Sabi ni Tita. Pupuntahan sana namin ito pero nagsalita si mommy. "Sige na umalis na kayo kami na ang bahala kay Samantha. " Sabi ni mommy. "P.. Pero kailangan ihatid sa ospital si Samantha." Sabi ni Tita. "Nandiyan si Fred ihahatid muna namin kayo bago niya ako ihatid sa opisina. Pababalikin ko na lang siya para masundo kayo." Sabi ni mommy. Tumango na lang ako saka nagpaalam kay mommy. "Hindi ba maabala ka. Diba kailangan mong makarating sa opisina dahil may meeting ka ngayon." Sabi ni Tita. "Ayos lang erereschedule ko na lang ang meeting ko. Puntahan mo na si Samantha para madala na natin sa ospital." Sabi ni mommy kay Tita. "Sige pasensiya na." Sabi na lang ni Tita. Umalis na kami. "Hindi mo na ako kailangan ihatid. " Sabi ko kay Hendrix ng pagbuksan niya ako ng pintuan niya. Kinuha ng driver niya ang traveling ko.Umikot siya sa kabila saka sumakay. "Sinong may sabi sayo na ihahatid lang kita?" Sabi niya napatingin ako sa kanya. "Nag leave ako ng ilang araw sa opisina. Kaya sasamahan kita dun." Sabi niya. Napatanga ako dito.Ngumiti ito sa akin, lihim akong napahawak sa dib dib ko ang lakas ng t***k nito. Napatingin na lang ako sa labas ng sasakyan. May kinuha ito sa likod ng upuan. " For you. " Sabi niya. Napatingin ako sa inaabot niya. Bulaklak ito. " Thank you. " Sabi ko sa kanya. Saka inamoy ito. " Deretso na ba tayo? Wala ka bang dadaanan? " Tanong niya sa akin. Tumango ako. Pagdating namin sa Edsa na traffic kami. Nakatingin ako sa labas ng sasakyan ko. Ng may matanaw ako na lalaking nakasakay sa wheelchair. May yakap na guitara. Mukhang tumutogtog siya ng guitara. Nang malapit na kami sa kanya. Lumingon ito sa side ko. Ewan ko kung bakit biglang kumabog ang puso ko. Parang may kung ano na pwersa na humihila sa akin para lapitan ang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD