Chapter 18

1170 Words
naiintindihan ko naman. Kasi iisa lang ang driver namin "Ayos lang, naiintindihan ko. Salamat pala sa pagtulong sa kanila. " Sabi ko sa massage ko sa kanya. Tumunog ang phone ko. " Hi! Pauwi kana ba? " Tanong niya sa akin. " Oo tapos na kami." Sagot ko. " Ahhm. Ingat sa paguwi. " Sabi niya sa akin. Hindi ako nakaimik. " Sorry uli, babawi na lang ako sa susunod. " Sabi niya uli . " Ayos lang. Salamat nga pala sa pusa ang cute niya. " Sabi ko sa kanya. Tumawa siya. "Mahilig ka nga sa hayop. " Sabi niya. Napangiti na lang ako. Nagpaalam na ako sa kanya ng makita ko na palapit na sa akin si Larry. Sigurado kasing tutuksuhin na naman ako nito. "Halika na tapos na kayo?" Tanong ko sa kanya ng lumapit siya. "Sino kausap mo?" Tanong niya sa akin habang kinukuha niya ang mga gamit niya. "Si mom." Pagsisinungaling ko. Tumango siya. "Ang ganda daw ng huli mong kinanta. Ikaw ba ang bumuo nun?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko maalala kung saan ko narinig yun basta naalala ko lang kung paano siya kantahin saka kung paano siya tugtugin gamit ang guitar." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya. "Isinama ni Lui yun sa listahan ng kakantahin mo sa concert mo. " Sabi ni Larry sa akin. " Gusto niya nga isama sa bago mong album. Pero sabi ko tanungin ka muna namin. " Sabi niya sa akin. "Wag na muna, hindi natin alam kung saan ko nakuha ang awitin na yun." Sabi ko sa kanya. "Sabi ko nga. Mas makakabuti pala na sinama yun ni Lui sa listahan ng kakantahin mo sa concert mo. Para malaman natin kung may nagmamayari ng kanta na yun. Dahil siguradong magrereact pag narinig niya na kinanta mo yun." Sabi niya sa akin. Napaisip ako. Tama siya. Madilim na ako nakauwi sa bahay. Nakita ko si Hendrix na kausap ni si Samantha. Sinalubong ako ni mommy. "Kumusta ang recording niyo?" Tanong ni mommy sa akin. "Ayos lang mom." Sagot ko sa kanya. "Good evening sweetheart, Kararating mo lang ba?" Tanong ni Hendrix sa akin ng lapitan niya ako sabay abot sa akin ng bulaklak. Tumango ako saka nagpasalamat sa kanya. Iniwan na kami ni mom. "Kumusta na si samantha?" Tanong ko sa kanya. "Sabi ng doctor wala naman daw bali na ipitan lang ng ugat kaya namamaga at nahihirapan siyang iapak. Bukod dun wala namang naging pinsala sa kanya." Sabi niya sa akin. Tumingin ako kay Samantha na nakaupo sa sofa. "Kumusta ang recording niyo?" Tanong niya sa akin. Niyaya ko siya tabi ng pool. "Ayos lang, Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, Hinihintay kita kaya hindi muna ako umuwi." Sabi niya sa akin. napakunot ang noo ko. "Bakit mo naman ako hinihintay?" Tanong ko sa kanya. "I want to make sure that you're okay." Sabi niya. Hindi ako nakaimik. "Iha nakahanda na ang pagkain kumain na muna tayo. Dito kana maghaunan Hendrix." Sabi ni mommy. Tumango na lang si Hendrix. Pagdating namin nakita ko si Samantha na nakaupo na. Si Tita naman tumutulong maghain ng pagkain. Pinaghila ako ng upuan ni Hendrix. Paupo na ako ng sumigaw si Samantha. Napalingon kami dito nakita namin na natapunan ito ng sabaw na hawak ng mama niya. " Hindi mo na sana ako tinulungan. Natapunan ka tuloy." Sabi ni Tita dito. Hindi naman umiimik si Samantha hawak nito ang kamay niya.Nilapitan ito ni hinawakan ni Hendrix ang kamay niya. Ayaw pa sana nitong ipahawak. Nagpakuha ng ointment si mommy sa isang katulong. "Mey I see." Sabi ni Hendrix habang hinahawakan ang kamay ni Samantha. Umiiyak naman na binigay ni Samantha ang kamay niya. Nilagyan ni Hendrix ng Ointment ang kamay nito. Napaiwas na lang ako ng tingin ewan ko kung bakit parang hindi ko kayang tingnan sila. Pagkataos kumain nagpalam na si Hendrix. Naging busy ako sa mga guesting. Hindi narin kami nagkita pa ni Hendrix nagkaroon kasi siya ng business meeting sa ibang bansa nagtatayo kasi siya ng bagong Hotel casino sa ibat ibang bansa. Kabi kabila ang alok sa akin na mag guesting sa mga show nila. Nalalapit narin ang launching ng mga Lingeries ko. Kaya masyado akong busy. Kahit nasa bahay ako nagtatrabaho parin ako. Hating gabi na pero hindi pa ako tulog tinatapos ko pa ang gagawing program sa launching ng lingeries ko. 3:00 na ng madaling araw ako natapos. Naginat inat ako ng mga braso ko. Saka kinuha ang mugs na nasa tabi ko. Wala na itong laman na tubig. Tumayo ako dala ang mugs ko. Paglabas ko ng pintuan nagulat ako ng may tumakip sa mukha ko. Naamoy ko agad ang gamot na nakalagay dito. Agad na pinigilan ko na huminga. Siniko ko siya sa tagiliran niya. Napaigik siya. Nahawakan ko ang kamay niya. Inubos ko ang lakas ko para maibalibag ko siya. bumalandra siya sa gilid nabasag ang isang vase. Habol ko ang hininga ko. Nataranta ito hawak ang tagiliran niya na tumayo ng makita ko na tatakas ito. Hahabulin ko sana ito ng maalala ko ang hawak ko na mugs. Binato ko ito. Tinamaan ito sa likod. Mataas kasi ito. Nabasag ang mugs sa sahig. Hahabulin ko sana ito ng marinig ko ang boses mommy. "Hillary, Iha! Anong nangyari dito?" Tanong nito ng makita niya ang nabasag na vase at ang basag na mugs ng buksan nito ang ilaw. Napalingon ako kay mommy. Pagtingin ko wala na ang lalake. "Mom tumawag ka ng guard may nakapasok sa bahay na tao." Sabi ko kay mommy. Saka tumakbo sa tinakbuhan ng lalake. "Hillary! Saan ka pupunta?" Sigaw ni mommy hindi ko siya sinagot. Nagmamadli ako. Alam ko na hindi pa yun nakakalayo. Pero tiningnan ko na isa isa ang mga silid wala akong nakita. Bubuksan ko na ang isang pintuan lumabas si Samantha na hirap na hirap magsuot ng robe niya. Nagulat ito ng makita ako. "Hillary? Bakit anong nangyayari?" Tanong nito sa akin. "I lock mo ang pintuan mo. Wag kang magbubukas. May nakapasok na tao sa bahay." Sabi ko sa kanya. Namutla ito. "Si mama kumusta siya?" Tanong nito sa akin. "Wag kang magalala maayos lang sila.Basta isara mo ang pintuan mo wag kang lalabas." Sabi ko sa kanya.Tumango siya iniwan ko na siya. Nakarating na ako sa dulo wala akong nakita kahit anino.Napakunot ang noo ko. "Ang bilis ng loko na yun. Alam ko napuruhan ko din siya." Bulong ko. Bumalik na ako kayla Mommy nakita ko na may kausap na itong mga pulis. nagkakalat na ang mga alagad ng batas sa labas ng bahay namin. "Ano po ba ang nangyari miss Nevara?" Tanong nito sa akin. Sinalaysay ko ang nangyari. Sinulat niya ang sinabi ko. "Nalibot na po namin ang buong bahay. Pero wala na po kaming nakita. Wala din po kaming nakita na ebedensiya na magtuturo sa susupect. Maari pong akyat bahay lang po yun." Sabi ng pulis. Napapaisip ako sa sinabi nila. Nakita ko na nagpaalam na ang mga pulis kay mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD