Sumunod na araw nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya ang magisnan kong kasama ko sa silid ko. Nakita ko din na hindi na ako nakaposas. Nakita ko na pulang pula ang kamay ko. Kumain na muna ako.. Lagi ng gulay ang dinadala sa akin na pagkain pag hindi naman sandwich na tuna ang palaman. Kahit papano natuwa din ako sa kanya at sa wakas nagsawa narin siya sa kakabantay sa akin. Lagi niya na lang sinasabi na tatakasan ko siya. Pano naman kaya ako tatakas e naka posas nga ako bantay sarado pa siya sa akin.
Naiilang na nga ako sa kanya.
"Kung may kailangan ka sabihin mo lang." Sabi ng babaeng pulis na nakabantay sa akin.
"Nasan na yung bantay ko?" Tanong ko dito.
"May importanteng nilakad siya kaya ako muna ang bantay mo." Sabi niya sa akin.
"Buti naman masyadong nakakairita yun. Lalo lang akong hindi gagaling dun." Inis na sabi ko dito. Natawa ito sa sinabi ko.
Dalawang lingo na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Naging ka close ko tuloy ang bantay ko.
"Ganun talaga ang ugali ni Sir pero mabait yun. Inis lang talaga sayo yun kasi hindi ka niya mahuli huli. Ikaw lang kasi ang hinuli niya na nabaliktad siya muntik pa siyang masibak sa serbisyo." Sabi nito na natatawa. Napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" Tanong ko sa kanya.
"Oo no. Actually napapabilib mo nga ako sa talino mo." Sabi niya. Napisip ako sa mga sinabi niya.
"Ano ba ang mga kaso ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw lang naman ang laging laman ng prisinto pero hindi nakukulong kasi laging abswelto kaya pinagiinitan ka nila. Hindi lang naman si Sarhento ang nagiinit sayo. Halos lahat ng pulis kasi lahat ng illegal laging kasama ang pangalan mo. Pero wala lagi silang nakukuhang ebidensiya laban sayo. Kaya hindi ka nila nakukulong." Kwento nito sa akin. Manghang mangha ako sa nalaman ko parang hindi ko kayang gawin ang mga sinabi niya.
Sumunod na araw dumating na siya siya na ang bantay ko ng magising ako.
"Buti naman gising kana. Maghanda kana at ilalabas na kiita dito sa ospital. Sabi ng doctor mo pwede ka na daw idischarge kaya pinaasikaso ko na ang papel mo." Sabi niya sa akin. Kinabahan ako.
" Makukulong na ba talaga ako. Kahit hindi ko alam ang ginawa kong kasalanan." Bulong ko sa isip ko.
Pinakain niya ako. Wala akong umimik hangang sa makalabas na kami ng ospital. Kabadong kabado ako. Tinitingnan niya ako sa salamin. Habang naguusap sila ng babae na nagbantay sa akin.
Nagulat ako ng mapansin ang dinadaanan namin puro bahay ito na dikit dikit. Maraming tao sa kalsada. Nagulat ako ng huminto ang sasakyan namin at bumaba silang dalawa. Gumilid siya papunta sa side ko.
"Ano pang hinihintay mo? Akal mo ba bubuhatin pa kita." Sabi niya sa akin ng buksan niya ang pintuan. Inis na bumaba ako ng sasakyan saka tinalikuran ko siya.
"Hoy! Ang gamit mo wag mong sabihin na ako pa ang nagdadala niyan. Aba suswerte ka naman." Sabi niya sa akin. Inis na kinuha ko ang bag na nasa tabi ko kanina. Saka inirapan ko siya.
"Eto pa." Sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kanya. Napakunot ang noo ko ng makita na ang bag niya ang tinuturo niya.
"Hindi naman sa akin yan ah." Sabi ko sa kanya.
"Bakit may sinabi ba akong sayo. Ang sabi ko eto pa dalahin mo rin. Tapos na ang pasarap mo. Alala mo lang ang may deperesiya hindi ang katawan mo kaya dalahin mo ito ng makabayad ka naman sa binayad ko sa bill mo sa ospital." Sabi niya sa akin. Inis na kinuha ko ang bag niya. Muntik na akong masobsob sa bigat nito. Pero ng makita ko na tinititigan niya ako. Pinilit ko na buhatin ito kahit nahihirapan ako. Ayoko magkaroon ng utang na loob lalong lalo na kung sa kanya pa. Napapailing na lang ang babae na kasama namin. Nauna na ako sa kania.
Pero napahinto ako ng makakita ng mga lalakeng nagiinuman.Lihim akong gumitna sa kanila. Ng dumaan kami dun.
binati nila ang mga kasama ko at binigyan ng baso na may lamang alak si
Kaius. Kinuha nito yun at ininom. Dumeretso kami sa hindi kalakihang bahay. Pumasok kami sa loob. May dalawang silod ito at magkaiba ang kusina at sala pero isa lang ang banyo nasa kusina ito. Gawa sa kahoy at semento ang bahay.
"Hindi porket dito kita tinuloy ay abswelto kana sa kaso mo. Dito lang kita dineretso dahil hindi pa bumabalik ang alala mo pero oras na bumalik ang alala mo sa kulungan na ang bagsak mo." Sabi niya sa akin hindi na lang ako umimik. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
"Pwede narin. Malinis naman ang paligid. " Bulong ko. Tinuro niya ang isang pintuan doon daw ang magiging silid ko. Pumasok ako dito. Maliit siya pero ayos na ito kesa sa kulungan. May maliit na electric fan sa tabi. Nilapag ko ang bag ko sa papag. May manipis na kutchon ito. Nagbihis ako saka nahiga. Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin ngayong kasama ko siya. Sa kakaisip nakatulog ako ng hindi ko na mamalayan.
Nagising ako na parang may nakamasid sa akin. Nagulat ako ng magisnan ko siya sa tabi ng higaan ko.
"A.. Anong g.... Ginagawa mo d.. Dito?" Kandautal na tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko ang kumot ko. Para namang natauhan ito.
"Buti naman gising kana. Kanina pa kita ginigising, bumangon kana diyan magluto kana." Sabi niya sa akin.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mong sabihin na bingi kana din ngayon. O inaasahan mo na aasikasuhin parin kita dito. Para sabihin ko sayo may bayad ang pagtira mo dito. Habang nandito ka ikaw ang gagawa ng mga gawaing bahay. Bilang bayad sa pagtira mo dito. " Sabi niya. Para naman akong natauhan. Napahiya ako sa inisip ko. Akala ko kasi may binabalak siya sa akin kanina. Nagulat kasi ako na nandito siya sa silid ko.Napapikit na lang ako. Iniwan na niya ako. Huminga na lang ako ng malalim. Saka bumangon at hinanda ang sarili sa susunod pang mangyayari.