Pinauwi muna ako ni Tita para makapag pahinga.
Gabi na hindi parin ako dalawin ng antok iniisip ko ang nangyari sa amin at yung mga sinabi sa akin ng lalake .
"Sino ba ang Kane na tinatawag nila?" Tanong ko.
"Bakit nila ako tinawag sa pangalan na yun at sino ang tatay Miguel na sinasabi nila. Bakit parang kilala ko siya?" Tanong ko sa isip ko. Nakatulugan ko na lang ang mga tanong sa isip ko.
Kinabukasan bumalik ako sa ospital kasama sila mama Nalaman ko na nagkamalay na si Hendrix.
" Kumusta na ang pakiramdam mo? " Tanong ko sa kanya.
" Ayos na ako. Ikaw Ayos ka lang ba? " Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya.
" Salamat." Sabi niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Magpagaling ka agad." Sabi ko sa kanya.
"Sino ang mga yun? Bakit ka nila gustong patayin? " Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya saka huminga ng malalim.
" Sa totoo lang hindi ko din alam." Sagot ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Noong una akala ko napagkamalian lang nila ako kaya hindi ko pinansin. Pero nitong nakaraan at kahapon. Nalilito na ako." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Nitong nakaraan lang may sumira ng sasakyan ko para mawalan ng break ito at ngayon naman may nagtangka sa buhay ko. Noong nasa ospital pa ako may nagtangka din sa buhay ko at nitong nakaraan lang din may nagtangka sa akin sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nila pinagtatangkaan ang buhay ko. " Sabi ko kay Hendrix napakunot ang noo niya.
" Sorry nadamay ka sa akin. Pati ikaw nanganib ang buhay ng dahil sa akin. " Sabi ko sa kanya.
" Ayos lang yun, ang mahalaga ligtas ka." Sabi niya sa akin.
" Bakit hindi mo sinabi sa akin sa akin ang mga ito?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa kasi ako sigurado nitong nakaraan." Sabi ko sa kanya.
"Wag kang magalala nandito ako. Hindi ko hahayaan na masaktan ka nila." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Tutulungan kita na mahuli kung sino man siya." Sabi niya sa akin.
"Salamat." Sabi ko sa kanya saka yumakap ako sa kanya. Binigyan ako ng Alalay ni Hendrix inutusan niya ang kanang kamay niya na samahan ako kahit saan ako magpunta. Kaya nagkaroon ako ng bodyguard.
Maaga pa nagaayos na ako ng sarili ko.
may mall tour kami ngayon.Ng matapos akong magasikaso ng sarili binuksan ko muna ang laptop ko saka nag video chapt kay Hendrix.
"Sorry Hendrix hindi ako makakapunta ngayon diyan. May mall tour kami ngayon." Sabi ko sa kanya. Nagalala ito sa akin.
"Wag kang magalala ayos lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Magiingat ka. Pasensiya na hindi pa kita masasamahan ngayon." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
" Ano ka ba, Malaking tulong na sa akin ang mga bodyguard na binigay mo. Walang masamang mangyayari sa akin. Magpahinga ka lang diyan. Pagnatapos kami pupuntahan kita. " Sabi ko sa kanya.
" Magiingat ka sweetheart." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka tumango. Nagpaalam na ako sa kanya.Saka pinatay ang laptop ko.
Pagbaba ko sinalubong ako ni mommy.
"Aalis kana ba?" Tanong niya sa akin tumango ako sa kanya.
"Magiingay ka anak." Sabi niya sa akin saka humalik sa akin.
"Ikaw Mom magiingat sa pagpasok mo sa office." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya saka niyakap ako nagpaalam na ako sa kanya. Kumaway na lang ako sa kanya. Habang palayo ang sasakyan ko.
"Buti naman dumating kana." Sabi ni Larry sa akin..
"Evelyn Ayusan mo na si Althea." Sabi ni Larry.
"O mag ready na kayo. Maguumpisa na tayo." Sabi ni Larry sa mga Staff. Inaayos na nila ang lamesa na uupuan ko. Para sa pagpirma ng mga autograph.
ni ready na ang stage.Busy ang lahat. Inayusan nila ako sa sasakyan ko. Si Hendrix ang nagbigay sa akin nito. Costumise na saaakyan ito.
"Ready na kayo?" Tanong sa akin. Larry. Tumango ako sa kanya.
"Okay, Lumabas kana diyan." Sabi niya sa akin. Limabas na ako sasakyan ko.
Pinagkaguluhan ako agad ng mga fans.
ko. Nagkislapan ang mga Camera habang naglalakad ako pinaiikutan ako ng mga bodyguard na binigay ni Hendrix. Umikot muna ako sa store na nag sponsor sa akin. Nginingitian ko ang mga tao nandun sa store. Sige ang kaway ko. Naupo ako sa bangko na nasa tabi ng lamesa may mga poster dun pinirmahan ko isa isa yun. Pumila ang mga fans na nagpapapirma. Ng matapos pumunta ako sa sa stage. inalalayan ako ng bodyguard ko para umakyat ng stage. Binigay sa akin ng host ang mike. Nagumpisang na akong kumanta. Sinasabayan ako ng mga tao. Natuwa ako sa kanila.
"Salamat Salamat. Magandang Tanghali sa inyong lahat.Iniinvite ko po kayo na manood ng Concert ko this coming October 21 magkita kita po tayo sa Araneta Grandstand." Sabi ko saka umawit pa ng isa. Saka nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na ako paalis Malapit na ako sa pintuan ng mall ng mapalingon ako. Nagulat ako ng bigla akong itulak ng isang babae kasabay nun ang isang putok. natumba kami ng babae. Pinaikutan kami agad ng mga bodyguard at ng mga alagad ng batas na nasa mall na kinuha ni Larry para mag escort sa amin. Nabigla ako sa nangyari. Nagkagulo ang mga tao. May nagsigawan. Napalingon ako sa babae na tumulak sa akin. Nanlake ang mata ko ng makita ang itsura niya. Ganun din siya. Biglang may bumalik na alaala sa akin.
"Oh, my god na walan ako ng preno." Rinig kong sabi. Lumabas ako sa sasakyan. Laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya. Ganun din aiya.
"S.. Sino ka?" Tanong niya sa akin ng makita niya ako.
"Bakit kamukha kita?" Sabay naming tanong. Naalala ko na nawalan kami ng break.
" Umalis la diyan ako ang magmamaneho. " Sabi ko sa kanya.
"Ma'am Hillary! halika na po kailangan na po tayong jmalis." Sabi ng body guard ko natauhan ako napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa kamay tinayo ako nito. Napalingon ako sa babae na kamukha ko. inaalalayan din siya ng isang lalake paalis sa lugar.