Dinala nila ako sa sasakyan. Habang nasa biyahe napapaisip ako sa alala na bumalik sa akin.
"Sabi ni mommy isa lang ako sa sasakyan sino siya? Kitang kita ko na may kasama ako sa sasakyan hindi ako nagiisa."Bulong ko saka napahawak ako sa ulo ko sumasakit na naman ito. Ng tumunog ang phone ko.
"Hillary ayos ka lang ba?" Tanong ni Larry na nagaalala sa akin.
"Oo ayos lang ako. Ikaw kumusta, ayos ka lang b" Tanong ko dito.
"Ay, Muntik ng masira ang beauty ko dun. Akala ko mahihimatay na ako." Sabi nito. Natawa na lang ako sa kanya.
" Ano ba talaga ang nanagyari dun?" Tanong niya. Hindi ako umimik
" Naku Hillary akala ko tinamaan kana ng bala kaya ka tumumba. Yun pala may tumulak daw sayo na fans. Buti ma lang ginawa niya kundi tinamaan kana." histerya niya.
"Sabi ng mga pulis may nagamok daw. Ano ba namang mall yun nakapasok ang lalake na yun." Tili nito.
"Naku ng dahil sa kanya. Pina stop ang mall tour mo. Ireresched na lang daw." Sabi nito. Naka hinga ako ng maluwag.
"Buti naman wala na ako sa mood ngayon sumasakit ang ulo ko. Sa nangyari. " Sabi ko sa kanya.
"Buti pa magpahinga ka muna. Tatawagan na lang kita pag nakausap ko na sila kung ano ang gagawin." Sabi niya. Tumango na lang ako sa kanya. Nagpaalam na ito. Nagpahatid na ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay sinalubong ako agad ni mommy na nagaalala.
"Ayos ka lang ba iha. Sabi may nagamok daw sa mall muntik kana daw tamaan buti na lang na itulak ka ng isang fans mo." Sabi ni Mommy sa akin.
"Ayos lang po ako mommy. Wag na po kayong magalala." Sabi ko sa kanya saka yumakap sa kanya. Nagpaalam ako dito na magpapahinga lang sandali. Saka pumasok na ako sa silid ko.
Nalaman ni Hendrix ang nangyari nagalala ito ng husto sa akin. Pinuntahan ako nito sa bahay.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin.
"Hindi, dahil alam ko na para sa akin yung bala na yun." Sabi ko sa kanya.
Niyakap niya ako.
"Wag ka na lang muna kayang magaalis." Sabi niya sa akin.
"Ano ka ba. Pano ko malalaman kung sino ang gustong pumatay sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Nagaalala ako ng husto sayo" Sabi niya sa akin.
"Wag kang magalala walang mangyayari sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako mapapanatag." Sabi niya sa akin.
"Kumusta na ang sugat mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos na ako." Sabi niya sa akin.
"Pinaimbistigahan ko na ang nangyari." Sabi niya. Nagpasalamat ako. Nagpaalam na siya para daw makapagpahinga na daw ako.
***HILLARY POV#***
Nagulat ako ng makita ko siya. Magkamukhang magkamukha kami.
Nakita ko na itinutok sa kanya ng lalake ang baril nito kaya itinulak ko siya.
"Bakit ka nasa mall?" Tanong sa akin ni Kaius. Napatingin ako sa kanya. Siya yung humila sa akin kanina. Nagulat ako. Nandun daw siya para mag escort.
"Niyaya ako ni Shane pumunta sa mall may mall tour daw ang Idol niya. Kaso nagkahiwalay kami. Nagpaalam siya na pupunta ng banyo bago magkagulo." Sabi ko sa kanya.
"Wag ka ng lalabas ng hindi ako kasama." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako.
"Natatakot siguro siya na tumakas ako." Bulong ko sa isip ko.
" Bossing parang kanina pa tayo sinusundan ng sasakyan na yan." Sabi ng kasama niya na nagmamaneho.
Tumingin siya sa side mirror.
"Pagdating sa dulo bigla mong iliko." Sabi niya dito. Pagdating nh dulo bigla niya ngang niliko sa isang bakod. Nagderetso ang mga ito. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami umalis sa lugar na yun.
Pagdating namin sa bahay ponapasok niha ako.
" Wag ka ng lalabas wag kang magbubukas hangat hindi ako ang kumakatok. Naiintindihan mo? " Sabi niha sa akin. Tumango ako sa kanya.
" Magsarado kana. Ilock mo pati bintana. Wag ka ng magluto bibili na lang ako ng pagkain natin sa labas. Sandali lang ako." Sabi niya. Tumango ako sa Kanya.
Ginawa ko ang utos niya. Nilock ko ang pintuan at bintana bago ako pumasok sa silid ko. Naligo ako at nagbihis. Saktong katatapos ko lang magasikaso ng sarili ko ng may kumatok. Napatingin ako sa pintuan. Nagdalawang isip ako kung magbubukas ako.
" Kane, Ako to si Shane. Nandiyan kana ba?" Tanong nito sa akin. Lumapit ako sa pintuan saka binuksan ito.
"Shane! Pasensiya na. Nakita kasi ako ni Kaius kanina pinauwi ako ng magkagulo. Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo ayos lang ako. Nagalala ako sayo. Kasi bigla kang nawala." Sabi niya
" Pasensiya na. " Sabi ko na lang uli. Nagpalam na ito inalam lang daw niya kung nakauwi ako. Kasasara ko lang ng pintuan ng dumating si Kaius. May dala itong Pagkain namin. Kumain na muna kami. Bago nagpaalam na ako na matutulog na. Nagising ako na may gumigising sa akin. Pagdilat ko nakita ko si Kaius. Napakunot ang noo ko. Tatanungin ko sana ito kung bakit nandito sa silid ko. Nagulat ako ng takpan niya ang bibig ko.
"Wag kang maingay." Bulong niya. Napakunot ang noo ko. Pinatayo niya ako. Saka hinawakan ang kamay ko. Lumabas kami ng silid. Narinig ko ang kaloskus sa labas. Parang may mga tao sa labas ng bahay namin.
"Hello?" Rinig namin.
"Oo, Nndito kami sinundan namin sila nung pulis." Sabi nito.
"Ano pano mangyayari yun e nakita namin na kasama siya ng pulis." Sabi nito. Tumingin sa akin si Kaius. Hinila ako ni Kaius papunta sa kusina. Nagulat ako ng papasukin niya ako sa ilalim ng lababo Pagpasok ko dun nakita ko na may pintuan dun. Pinabuksan niya yun sa akin. Doon kami dumaan palabas.
"Deretso ka lang diyan." Sabi niya sa akin. Nagderetso lang ako dito. Puro bahay ang nadadaanan namin. Nagulat ako ng hawakan ako ng isang lalake.
"Kane!" Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"uuwi ka na ba sa inyo?" Tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Hinahanap kana ng tatay mo." Sabi nito sa akin.
"Sino ka po ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba Ako si Biboy hindio ba ako nakikilala. Halika tayo na sa bahay niyo." Aabi nito sa akin. Nang biglang hawakan ni Kaius ang kamay ko.
"Hindi siya sasama sayo, Dahil sa akin soya sasama." Sabi ni Kaius. Saka hinila na ako. Napakamot sa ulo ang lalake. Saka tiningnan na lang kami.