Chapter 23

1085 Words
"Kane, ikaw ba yan?" Tanong ng isang lalake na mukhang sanggano. puro tattoo ito. "Puta, ikaw nga yan Kane. Big time kana ah. Kaya pala hindi kana nagpapakita sa amin ah." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ah, Sir pwede niyo po ba akong tulungan may tama kasi ang kasama ko saka May mga humahabol kasi sa amin na mga lalake. " Sabi ko dito. Napatingin siya sa kasama. "Teka, si Mr. Collins ba ito bakit magkasama kayo nagtatrabaho kana ba sa kanya kaya ka na wala ng matagal?" Tanong uli nito. "Pwede ba sir, mamaya na kayo magtanong ng magtanong mamatay ma ang kasama ko kailangan ko nga tulong." Sabi ko dito. "Syempre tutulungan ka. High blood ka parin hangang ngayon." Sabi niya. " Hoy! Buhatin niyo yan dalahin niyo kay doctor kwak kwak. " Sabi nito sa mga lalake na kasama niya. Binuhat nila si Hendrix. " Wag kang magalala malayo sa bituka ang tama ng kasama mo. " Sabi niya sa akin. " Ngayon pwede mo bang sagutin ang mga tanong ko sayo. " Sabi niya sa akin. Sinundan ko ang mga lalake ba may dala kay Hendrix pinasok nila ito sa maliit na bahay. Napakunot ang noo ko. " Doctor ba talaga yung nakatira diyan? " Tanong ko sa kanya. Kasi nagtataka ako sa bahay nito. tagpi tagpi na nga. Parang isang hangin lang tutumba pa ito. " Haay, para ka namang bago dito sa lugar natin. Doctor kwak kwak nga ibig sabihin hindi talaga siya doctor." Sabi nito. Napakunot ang noo ko. " Kung ganun bakit niyo dun dinala ang kasama ko? " Tanong ko dito saka aktong papasukin ko ang bahay. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ano ka ba? Parang hindi mo kilala si Mang Berto ah. Ikaw pa nga ang nagpakilala sa amin sa kanya. Nakalimutan mo na?" Sabi niya napakunot ang noo ko. "Teka sir, nagkakamali ata kayo. Hindi po Kane ang pangalan ko ako po si Hillary." Sabi ko sa kanya. " Hillary? Niloloko mo ba ako. Kilala kita kahit pa magtakip ka pa ng mukha mo. makikilala ka namin. Dahil magkababata tayo. Kaya wag ka ng magpangap na ibang tao sa amin. Umuwi kana sa inyo matagal ka ng hinahanap ni tatay Miguel. Kung saan saan pumupunta ang matanda nagbabakasakali na makita ka niya. " Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. " Sinong tatay Miguel? Pasensiya na hindi ko talaga kayo naalala." Sabi ko sa kanya. Nagtataka na tumitig siya sa akin. " Hindi ako nagkakamali. Ikaw si Kane na kababata namin. Ano ba talaga ang nangyari sayo bakit hindi mo kami naalala? " Tanong niya sa akin.Natigilan ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa akin. Kaya nanahimik na lang ako. Ilang minuto lang lumabas ang isang matanda sa loob ng bahay. " Kane, Iha ikaw pala yan." Sabi nito ng makita ako napakunot ang noo ko. " Kasama mo ba siya? Kailangan mo siyang dalahin sa ospital. Dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Pero wag kang magalala ayos na ang sugat niya. Kailangan niya lang masalinan ng dugo. " Sabi nito sa akin. " May iba pa bang daanan dito maliban diyan. May nagaabang kasi sa amin diyan. " Sabi ko sa lalake na kausap ko kanina. " Oo naman. Hindi mo natatandaan? " Tanong niya sa akin. " Kung alam ko ba itatanong ko ba sa iyo?" Tanong ko din sa kanya. " Sinabi ko nga e. " Sabi niya sa akin. " Dito."Sabi niya saka tinulak ang yero na parang ding ding. Isa palang gate yun papuntang kabilang iskinita. " Deretsuhin mo lang yang iskinita na yan. Labas mo diyan Ospital na malake." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa lugar na dadaanan ng sasakyan ko. " Wag kang magalala walang gagalaw sayo diyan, takot lang nila sayo. " Sabi nito sa akin. Huminga ako ng malalim. Tinulungan nila ako na madala sa sasakyan ko si Hendrix. Nagpasalamat ako sa kanila. Nagbigay ako ng malaking halaga sa kanila. "Wow, bigatin kana talaga ngayon. magugulat sila Biboy kapag nalaman nila ito. " Sabi niya na tuwang tuwa. Hindi na lang ako umimik. Nang sasakay na ako sa sasakyan ko naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko alam pero parang may pakiramdam ako na may obligasyon ako dun sa sinasabi niyang tao. Kaya bumalik ako sa kanya. Nagabot uli ako ng pera. "Para saan ito?" Tanong niya sa akin. "Para sa matanda Paki bigay na lang." Sabi ko saka nagpasalamat sa kanila at umalis na. Deneretso ko nga ang iskinita napapatingin sa akin ang mga dinadaanan ko. Nagugulat ako kapag binabati nila ako. Tumatango na lang ako sa kanila. Paglabas ko dun nakita ko nga ang Ospital na sinasabi nila Dinala ko kaagad sa Emergency si Hendrix. Nagulat ako ng makita ang mama ni Hendrix na dumarating. "Hillary iha, Anong nangyari kay Hendrix?" Tanong nito sa akin. "Nabaril po siya tita ng mga lalake na nangharang sa amin." Sabi ko. " Maupo ka muna diyan Iha." Sabi niya. Saka pumasok na ito sa Emergency room. "Doctor pala dito ang mama niya." Bulong ko. Nupo muna ako sa sofa na nadun. Nagaalala ako para kay Hendrix. Pero gumugulo din sa isipan ko ang mga sinabi ng lalake na nakausap ko kanina. Dumating na din ang Papa ni Hendrix. Bumati ako dito. Binati din ako nito saka kinumusta ang lagay ni Hendrix sinabi ko na hindi pa lumalabas si tita sa emergency room. Ilang oras din ang nakalipas bago lumabas ang mama ni Hendrix. " Kumusta na po si Hendrix Tita?" Tanong ko dito. "Ayos na siya iha. Salamat sa nag opera sa kanya." Sabi nito. "Saang ospital mo siya dinala bago mo siya isinugod dito?" Tanong nito sa akin. "Pasensiya na tita. Hindi po sa ospital ko na isugod si Hendrix. Hinahabol po kasi kami ng mga armadong lalake." Sabi ko sa Kanya. Saka kwenento ang nangyari. "Sigurado ka iha na hindi doctor ang nagopera sa anak ko?" Tanong ni Tita sa akin. "Opo tita. Bakit po?" Tanong ko sa kanya. "Dahil maselang parte ang tinamaan ng bala kay Hendrix. Kung hindi na tangal agad ang bala baka wala na siya. Pero isang kagaya ko lamang ang makakagawa nun." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Pero totoo po. Yung tinatawag na doctor kwak kwak diyan sa mga maliit na bahay na nakatira sa likod ng ospital na ito ang nag gamot kay Hendrix." Sabi ko dito. Nagkatinginan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD