Chapter 11

1055 Words
Kinabukasan katatapos ko lang maligo ng kumatok sa pintuan ko si mommy. "Iha, nasa ibaba na si Hendrix hinihintay ka. Pupunta daw kayo sa studio?" Sabi ni mommy sa akin ng pumasok siya sa silid ko. Tumango na lang ako. pinatuyo ko ang buhok ko saka tinali ito pataas. Pinagmamasdan ako ni mommy. "Sigurado ka na talaga iha sa gagawin mo?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Pero marami ka pang hindi naalala." Sabi ni mommy sa akin. "Mom, wag kayong magalala ayos lang ako. Isa pa mas makakabuti para sa akin ang lumabas ng silid ko. Baka pag binalikan ko ang ginagawa ko dati bumalik na ang alala ko." Sabi ko kay mommy. Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag kayong magalala. Hindi naman ako pababayaan ni Larry at ni Hendrix." Sabi ko uli sa kanya. Huminga siya ng malalim. "Ang laki ng pinagbago mo mula ng maospital ka. Napaka simple mo na lang ngayon at napaka positive mo magisip." Sabi ni mommy sa akin. Nilingon ko siya nilalaro niya ang dalawang aso. "Marami lang siguro akong ginagawa nun. Hindi kagaya ngayon kaya magulo ang isip ko." Sabi ko sa kanya.Ngumiti siya saka hinawakan ang mukha ko. " Basta magiingat ka. " Sabi niya sa akin. Tumango ako. "Ma nandiyan na po ba si Larry?" Tanong ko kay mommy. "Wala pa, si Hendrix palang ang nandiyan." Sagot niya. Kinuha ko na ang bag ko. "Alis na kami mommy baka nandiyan na si Larry." Sabi ko kay mommy. Pagbaba ko nakita ko si Larry na nagbabasa ng magazine. Si Hendrix naman ay umiinom ng tea. Nakatingin kay Larry. Bumaba na kami ni mommy. Tumayo si Larry ng makita niya ako. "Besty!" Tili nito. Sabay lapit sa akin. "Ready kana?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Tumikhim si Hendrix. Napalingon kami sa kanya. "Are you ready?" Seryosong tanong nito sa akin. Tumango ako. Tumaas ang kilay ni Larry. "Ahhm. Larry si Hendrix, Hendrix si Larry best friend ko." Pakilala ko sa kanila. Ngumiti si Larry at kinamayan si Hendrix. "So pano tayo na?" Sabi ni Larry. Tumango ako. Sa sasakyan kami ni Hendrix sumakay. Sa likod sana ako sasakay. Pero tinulak ako ni Larry papunta sa harap. "Sa harap ka gaga, mag mumukhang dtiver natin yang fiance mo kapag sa likod ka rin sumakay. " Bulong niya sa akin kaya napatingin ako kay Hendrix na nagpapaalam pa kay mommy. Huminga na lang ako ng malalim saka lumipat sa unahan. "Larry ikaw na ang magturo kung saan banda yum hindi ko kasi maalala kung saan banda yun." Sabi ko kay Larry ng paalis na kami. "Sa may makati yun. Sa may Ayala. " Sabi ni Larry kay Hendrix. Tumango naman ito. Tahimik kami habang nasa biyahe. "Hendrix, pwede bang Bluetooth ang speaker mo?" Tanong ni Larry dito. Tumango ito saka binuksan ang speaker niya. Pinatugtog ni Larry ang album ko. Sinasabahan ko ito habang umaandar kami. "Yan ba ang album mo ngayon?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Uy! Hendrix pag nagkaroon ng concert si Hillary kailangan nandun ka ah." Sabi ni Larry. Sinamaan ko ng tingin ito pero Ngumiti lang ito sa akin. "Kailan ba yu?" Tanong nito. "Wala pa naman date kababalik palang kasi ni Hillary paguusapan pa namin ni Lui. " Sabi ni Larry. "Sabihan niyo lang ako ng maaga para maayos ko ang schedule ko. " Sabi ni Hendrix. Hindi ako umimik. " Sige ssabihin na lang ni Hillary sayo. " Sabi ni Larry uli.Inis na tiningnan ko uli ito. Pagdating namin sa studio. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok kami sa loob. Kinalabit ako ni Larry. "Yang palapit sayo yan si Lui. Yung nasa record room si Pam yan. Yan ang second voice mo. Yung nasa gilid si EJ." Pakilala ni Larry sa akin sa mga tao na nasa loob ng studio isa isa kong tiningnan ang mga sinabi niya. " Hillary! Sa wakas nagpakita karin." Sabi ni Lui ng makita ako. Yayakap sana ito sa akin. Kaso napatingin ito kay Hendrix. " Si Hendrix fiance ni Hillary." Pakilala ni Larry dito. Tumango si Lui. " Pwede ba kayong makausap in private." Sabi ni Lui sa amin ni Larry. Tumango ako. Naupo si Hendrix sa sofa na nandun. Pumasok kami sa isang silid. Pinagusapan namin ang gagawin kong Concert napagusapan na daw namin yun bago ako mawala. Sinabi ko na nagaya ng biglaang bakasyon si mommy. Para ma meet ko si Hendrix. Buti na lang tinanggap niya ang palusot ko na yun. Alam niya daw na gagawin yun ng mommy ko dahil lagi ko na lang daw iniindian ang mga ito. Napagkasunduan namin na sa susunod na buwan gaganapin ang concert ko. at uumpisahan ng ilabas ang album ko this weekend. magkakaroon kami ng mga mall show at guesting para ipromote ang album ko at ang concert ko. ****OTHER PERSON POV*** "TAY MIGUEL!" Tawag sa akin sa labas. sumakay ako sa stroller na ginawa sa akin ni Kane. "Tay Miguel dinalahan ka namin ng pagkain." Sabi ni Biboy sabay abot ng isang plastik sa akin. " Nagabala pa kayo." Sabi ko sa kanila. " Naku wala po yun. Baka po dumating si Kane sabihin pinababayaan namin kayo. Kita niyong ayaw na ayaw nun na naghahanapbuhay kayo." Sabi naman ni Nitoy. Nalungkot ako. " Wala pa ba kayong balita sa anak ko? " Tanong ko sa kanila. Nagaalala na ako ng husto. Ilang buwan ng nawawala ang anak ko. " Pasensiya na Tay Miguel wala parin kaming balita. Nagtanong tanong na kami wala din silang balita." Sabi ni Biboy. " Pero may kutob kami na baka nahuli na siya ni Kaius kasi hindi narin namin nakikita ang parak na yun. Dati naman laging nasa paligid lang yun. Pero ngayon hindi namin nakikita." Sabi uli ni Biboy. Napatingin ako sa kanya. " Pero wag kang magaalala Tay Miguel bukas papasyal kami sa prisinto 3 magbabaka sakali kami baka may nakakita kay Kane dun. " Sabi ni Nitoy. Nagpasalamat ako sa kanila. Nagpaalam na sila sa akin. Babalik na lang daw sila bukas. " Kailangan ko ng lumabas ng bahay. Kailangan kong hanapin ang anak ko." Bulong ko sa isip ko. " Nararamdaman ko na kailangan ako ng anak ko. " Bulong ko uli. Kinabukasan maaga pa naasikaso na ako ng sarili ko. Dala ang gamit ko lumabas ako ng bahay namin saka ng stroller ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD