Chapter 10

1707 Words
Mababait naman sila." Sabi ko saka ngumiti sa kanya. Ng aktong tatalikod na ako. Nagsalita siya uli. " Ahhm, diyan ko na ba ipapahatid ang almusal mo?" Tanong niya uli sa akin tumango na lang ako. Umungol ang mga aso. Napatingin siya sa mga ito nagmamadali na nagpaalam na ito sa akin. Napakunot na lang ang noo ko saka pinakalma ang mga aso saka tinuntun ang tinuro niya na daan. Nakita ko naman agad ang pintuan na sinasabi niya. Pagbukas ko napanganga ako sa nakita. Kompleto ito sa loob. Wala sa loob na hinawakan ko isa isa ang mga intrumento. Tuwang tuwa na pinatugtog ko isa isa. Nagtaka ako kasi naalala ko lahat gamitin yun. Ng hawakan ko ang piano na nasa gilid. May naalala ako na lalake. Tinuturaan ako nito sa pagtutog ng keyboard. Napakunot ang noo ko. Bakit hindi ko naalala ang pagtugtog ng piano. "Hindi ba ako marunong gumamit nito? Pero imposible nandito ito ibig sabihin alam ko patugtugin ito. Hindi ko lang siguro naalala." Bulong ko sa isip ko. Nakita ko ang ibat ibang klase ng tapes. Pinatugtog ko isa isa. Maya maya tinawagan ko si Larry. "Pwede mo ba akong ikuha ng bago kong album. Para mapagaralan ko ito. " Sabi ko sa kanya. " Oo naman. Sige dadalahin ko diyan mamaya. " Sabi niya sa akin. Tumango ako. Halos lahat napakingan kona ang mga kanta ko. Napapaisip ako. Kasi puro love song ang mga kanta ko. Pero ang naalala ko na kinakanta ko hindi mga love song dahil ayaw ko niyan kasi masyadong mga nakakalungkot. Gusto ko yung mga masisiglang kanta. Kaya nga paborito ko ang guitar sa lahat ng instrumento. Kinuha ko ang guitar saka pinatugtog ito. Ng biglang bumukas ang pintuan napatingin ako dito. Nakita ko si mommy na titig na titig sa akin. May dala siyang tray ng pagkain. "Mommy!" Sabi ko saka nilapitan ko siya at kinuha ko ang tray sa kanya. Nilapag ko sa lamesa na nadoon sa gilid. "Bakit ikaw ang nagdala ng pagkain ko?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko sanang kumustahin ka. Sabi kasi ni George kanina kapa daw nandito." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. "Ah, pinakikingan ko kasi ang mga awitin ko." Sabi ko sa kanya. Saka nagsimula na akong kumain. "Ahhm, saan mo natutunan ang tugtugin na yun?" Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ang alin po?" Tanong ko sa kanya. "Yung tinugtog mo ngayon lang." Sabi niya sa akin. Napaisip ako. "Ah, yun ba naalala ko lang mom kaya tinugtog ko. Hindi ko maalala kung saan ko natutunan yun. Bakit po mom?" Tanong ko sa kanya. " Ahhm. Wala ngayon ko lang kasi narinig na tinugtog mo yun. M...Maganda siya." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Pero nagtataka ako kasi parang lagi ko yung tinutugtog. Hindi na lang ako umimik. Buong maghapon akong naglagi dito. Pagdating ng hapon dumating si Larry dala ang album ko. Pinagusapan namin ang guesting ko sa mga TV show. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko hindi ako sanay sa nga ganito. "Hey! Relax. Wag kang magalala aalalayan kita. Basta pagaaralan mo ang album mo. Okay?" Sabi niya sa akin saka ngumiti sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Naging busy ako ng sumunod na araw. Pinagaralan ko ang bago kong awitin. Katatapos ko lang sa huling kanta ko ng may kumatok sa pintuan ko. Napatingin ako dito. Pumasok si mommy. "Iha nandiyan si Hendrix." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko. Tinanggal ko ang head phone na nasa tenga ko. "Bakit daw po siya nandito?" Tanong ko kay mommy. "Of course she wants to see you. isn't obvious?" Sabi ni mommy sa akin. Hindi ako umimik. "Iha, pumunta dito si Hendrix to make up with you. Kaya wag ka naman ganyan sa tao anak. Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya. Alam ko na mali na pinangunahan namin kayo. Pero mabait si Hendrix mukha lang siyang suplado pero mabait siya. Marami kayong pagkakatulad kaya sigurado akong magugustuhan mo siya." Sabi ni mommy sa akin. Huminga na lang ako ng malalim. "Okay, mommy pero hindi ko pinapangako na magkakasundo kami." Sabi ko sa kanya. Saka niyaya ko na siyang lumabas. Napailing na lang siya.Nakita ko na kausap siya ni George. Lumingon ito ng maramdaman ang pagdating namin ni mommy. Napakunot ang noo nito ng makita niya ako. Naptaas ang kilay ko. "Bakit may mali ba sa ayos ko?" Bulong ko sa isip ko. Nakasuot lang naman ako ng Tshirt at jugging pants na nakita ko sa closet ko. Tinitigan ko siya. Para naman natauhan ito. Ngumiti ito binati niya si mommy saka tumingin sa akin. "Hello, babe." Bati niya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Dati sweetheart. Ngayon naman babe. Hindi kaya nagkakamali ka ng tinatawag o baka sa dami namin nalilito kana kung sino ang Babe mo at sweetheart mo." Sarkastika na sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam na selosa pala ang fiance ko. Don't worry you're only one. I have no other girl." Sabi niya saka kumindat pa sa akin. Kinilabutan ako. Natawa si mommy nagpaalam na ito sa amin. Napangiwe na lang ako sa kanya. " Bat nandito ka nanaman? " Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. " To make up with you. I want to invite with you for dinner. " Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya kung seryoso siya sa sinabi niya. "Why?" Tanong niya sa akin. "Wala tiningnan ko lang kung seryoso ka." Sabi ko sa kanya. Nilapag ni Samantha ang tea para sa kanya. "Off course I'm serious." Sabi niya sa akin. "Akala mo ba na hindi ako seryoso ng sabihin ko na babawi ako sayo. Seryoso ako Hillary. I want to know you more." Sabi niya sa akin. Saka tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Okay, sabi mo e. Sige magbibihis lang ako." Sabi ko sa kanya. Saka walang ano ano na iniwan ko siya. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Napabuga ako ng hangin ng makaakyat ako. Pakiramdam ko naubusan ako ng hangin. Ang lakas ng t***k ng puso ko. "Bwisit na lalake na yun. Ang lakas mangasar" Bulong ko sa isip ko. Pumasok ako sa silid ko. Naligo ako. Ng nasa loob na ako ng closet ko. May naisip akong kalokohan. " Huh, akala mo ikaw lang ang marunong mangasar. " Bulong ko sa isip ko. Tiningnan ko ang dress na nasa harap ko. Napatingin ako sa kulay peach na dress off shoulder ito na fit sa katawan ang pagkakayari. Hangang taas lang ng tuhod ito. Ng maisuot ko ito napangiti ako kasi lumutang ang kulay ko. Pinarisan ko ito ng black na heels. Muntik pa akong matuwad ng tumayo ako. " Ano ba to parang hindi ako sanay magsuot nito ah." Bulong ko saka tiningnan ang mga sapatos na nandun puro matataas ang takong ng iba eto lang ang medyo mababa. Kaya napabuga na lang ako ng hangin saka pinakalma ang sarili at dahan dahang naglakad papunta sa tokador. Niladlad ko ang buhok ko. Naglagay lang ako ng liptint saka kunting face powder. Kinuha ko na ang itim na shoulder bag na napili ko. Saka lumabas na. Nakita ko na kausap siya ni mommy. Napalingon sila sa akin. Natigilan siya ng makita niya ako. Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. Nailang tuloy ako. Tinaasan ko siya ng tingin. "Ano pang hinihintay mo hindi paba tayo aalis?" Inis na sabi ko sa kanya. Napalunok siya. Nagpaalam siya kay mommy. "A.. Aalis na mauna na po kami Tita." Sabi niya kay mommy. "Dito na po kami Tita at mukhang mainipin po pala ang anak niyo. " Sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako ng hawakan ako nito sa siko. Napapitlag ako sa ginawa niya. Pero parang balewala lang dito. " Sige magiingat kayo. Ikaw na ang bahala kay Hillary Hendrix. " Sabi ni mommy sa kanya. " Wag po kayong magaalala. Iuuwi ko po siya ng ligtas. " Sabi niya uli at naglakad na kami palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan hinintay niya muna akong pumasok bago siya umikot sa kabila. Pinagbuksan siya ng driver niya. Nagdertso kami sa isang restaurant. Pagbaba ko ng sasakyan. Maglalakad na lang ako ng maout balance ako. Nahapit niya ako sa bewang napahawak ako sa balikat niya. " Are you okay? " Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Lumakas ang t***k ng dib dib ko. Tumikhim siya saka lang ako natauhan dun ko lang nakita na nakayapos siya sa akin. Agad na naitulak ko siya umayos ako ng pagkakatayo. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya nauna na ako maglakad sa kanya. Napailing na lang siya sa akin. " Haays, bwisit kasi na sapatos ito. Bakit kasi wala akong sapatos na plat man lang. Bakit kasi naisip ko pang magsuot ng ganito. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos sa harap ng lalake na yun. " Inis na maktol ko sa sarili ko. Pagpasok namin sa loob may sumalubong sa amin na lalake hinatid kami sa pinareserve na lamesa niya. Pagdating namin dun may inabot na bouquet sa kanya ang waiter na nandun sa tabi ng lamesa namin naghihintay. "For you." Sabi niya ng iabot sa akin ang bulaklak. Nagpasalamat ako sa kanya. Saka inabot ang bulaklak. Pinaghila niya ako ng upuan. Umorder siya ng pagkain namin. Wala kaming imikan habang kumakain. "Sabi ni Tita may bago ka daw Album ngayon." Sabi niya sa akin. Tumango ako. "Buti naalala mo pa ang tono nun. Hindi kaba nahihirapan?" Tanong niya sa akin. "Ayos lang. Nahihirapan pero nakukuha naman sa practice. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. " Meron ka bang pupuntahan bukas? " Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Bakit? " Tanong ko sa kanya. " Ahhm, baka gusto mong samahan kita free ako bukas." Sabi niya. Tatangihan ko sana siya pero naalala ko ang sinabi ni mommy sa akin. " Pupunta ako ng studio bukas. Makikipag kita ako kay Lui may paguusapan kami tungkol sa bago kong Album. " Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. " Lui? " Tanong niya. " Ang producer ko." Sagot ko sa kanya. Tumango siya sa akin. Hindi na siya umimik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD