Chapter 22

1166 Words
Kinabukasan maaga pa ako nagising. Nagulat ako ng makita siya na naghahain ng pagkain. "Maupo kana kakain na tayo." Sabi niya naupo na ako. Wala kaming imikan habang kumakain. Halatang nagkakailangan kami. Walang nagsasalita hanggang sa matapos kami kumain. Tumayo ako para magligpit ng kinainan namin. Nagkasabay kami sa pagdampot sa pinggan na pinaglalagyan ng sinangag. Nauna akong humawak sa pingan kaya kamay ko ang nahawakan niya. Agad na binawi ko ang kamay ko. Saka kinuha ang pisel. Inalis niya rin ang kamay niya. Aktong pupunta na ako ng lababo siya naman papunta sa kabilang mesa. Nagkabanggaan tuloy kami. Muntik na akong matumba. Buti na lang nasalo niya ako. Natapon tuloy sa kanya ang tubig. " Sorry! " Magkasabay na sabi namin. Hinawakan ko ang dib dib niya na nabasa. Habang hawak naman niya ang braso ko. Ng matauhan ako tumalikod ako agad para itago ang pamumula ng mukha ko. Siya naman napabuga ng hangin saka napakamot sa ulo. Magkasabay na lang namin na niligpit ang lamesa na walang umiimik. Ng aktong huhugasan ko ang mga pinggan. Nagsalita siya. " Ako na. " Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Tumango na lang ako saka aktong tatalikod na ng tawagin niya ako. "Ahhm, Gusto mo bang mamasyal? N... Naisip ko kasi baka naiinip kana." Sabi niya saka kumamot na naman ito sa batok niya. Saka tumingin sa akin. Nakita ko na namumula ang tenga niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "S.. Sige." Sagot ko saka tumalikod na at lumabas na ng kusina ang bilis bilis ng t***k ng puso ko para itong hinahabol. Huminga ako ng malalim ng makalabas ako ng kusina. Pumasok ako ng silid ko kumuha ako ng damit na isusuot ko. Pagbalik ko ng kusina wala na ito. Naligo na ako at nagbihis. Isang bistida ang napili ko na isuot. Nagasikaso ako ng sarili ko. Paglabas ko nakita ko siya na may kausap sa phone niya. "Sige pagbalik ko na lang diyan.Saka natin pagusapan." Sabi niya napalingon siya sa akin.saka pinatay na ang phone niya.Napatitig siya sa akin. Napatingin ako sa paligid. Wala akong ibang nakita. "Ready kana?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Kami lang ba ang aalis?" Tanong ko sa isip ko. Lumabas na kami ng bahay nakita ko ang owner niya. Inalalayan niya akong sumakay dito. Naiilang tuloy ako sa kanya. Dinala niya ako sa mall. "Dito ka lang ipaparada ko lang ang sasakyan. Antayin mo ako diyan." Sabi niya sa akin tumango ako sa kanya. Saka tiningnan ko siya na pinarada ang sasakyan. Nagulat ako ng may humawak sa akin na lalake na naka wheelchair. "Kane, anak. Ikaw ba yan? " Sabi nito napakunot ang noo ko. " Kilala niya ba ako? Bakit tinawag niya ang pangalan ko?" Tanong ko sa isip ko. Aktong hahawakan ko ito ng hawakan ni Kaius ang kamay ko saka inilayo sa lalake na naka wheelchair. "May problema ba?" Tanong nito sa akin. Saka tumingin sa lalake na nasa tabi ko. Humarap ako kay Kaius. Pagtingin ko sa lalake na nasa tabi ko tinutulak na ito ng dalawang lalake at nagmamadali na itong umalis. Pero sige ang lingon ng lalake sa akin. Niyaya niya na ako sa loob ng mall. Pagpasok namin nakita ko na may inaayos ang mga lalake sa stage. "Meron sigurong guest sila na darating." Sabi ni Kaius sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. "Dito tayo sabi niya. " Tumango ako sa kanya. Nagikot ikot kami. Niyaya niya ako manood ng sine. Tahimik ako habang nanonood kami. Binilihan niya ako ng popcorn. Mystery thriller ang napili niyang panoorin namin. Takot na takot ako. Ng biglang lumabas yung mamatay tao sa dilim nagulat ako. Napatili ako at napahawak ako sa kamay niya. Napalingon siya sa akin. Napakunot ang noo niya ng makita niya ako. "Matatakutin ka pala bat hindi mo sinabi." Sabi niya. Saka hinawakan ang kamay ko saka niyaya na niya akong lumabas. " Teka hindi mo pa tapos panoo. " Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita siya. " Yun ang pinili ko kasi akala ko yun ang klase ng movie na gusto mo. " Sabi niyasa akin napatanga ako sa kanya. " Pano niya naman na sabi na yun ang gusto kong movie. Mukha ba akong matapang? " Tanong ko sa isip ko. Naglibot libot na lang kami sa labas. Pumunta kami sa park. Naiilang nga ako kasi kadalasan ng nakikita namin magpapares. Gabi na kami umuwi. Dahil sa pagod nakatulog na ako. Ng makita ako ni Kaius hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Saka sinuutan ako ng seatbelt at binaba ang likod ng upuan ko. Ng babalik na siya sa upuan niya. Kumilos ako napaharap ako sa kanya. Napalunok siya. Saka huminga. " Bakit ba ibang ibang ka sa babaeng kilala ko. Alam mo ba na ginugulo mo ang isip at puso ko. Sino ka ba talaga? Ikaw ba talaga si Kane. Na kilala ko" Tanong niya. Saka huminga ng malalim at bumalik na sa upuan niya saka nagmaneho na. ****HILLARY POV#*** Pauwi na kami kinabukasan ng may biglang humarang sa amin sa daan pagliko namin. Na mga armadong lalake. Nagulat ako. Ng tutukan kami ng baril ng mga ito at paputukan nito ang driver ni Hendrix. Napahawak ako kay Hendrix. "Baba!" Sabi ng isa. Bumaba kami ni Hendrix. "Siya ba yun Boss?" Tanong ng isa. "Oo siya na nga yun." Sabi ng isa. "Ang ganda nito Boss sayang naman kung kakainin lang ng lupa." Sabi naman ng isa. Tumingin sa akin ang mukhang pinuno nila. "Sige kayo na ang bahala sa lalake ako na ang bahala sa babae." Sabi ng pinuno nila. Aktong hahawakan ako nito. Ng sipain ko ito sa bayag. Hinawakan naman ni Hendrix ang kamay ng may hawak na baril. Nakipag agawan ito sa lalake. Namiliipit ang lalake na binayagan ko. Sinamantala ko yun Sinipa ko din yung isa na may hawak ng baril. tumalsik ang baril na hawak nito. Sinugod ako ng leader nila. Pero bago pa ito nakalapit sa akin binaril ito ni Hendrix. Tumumba ito. Napatingin ako kay Hendrix nakita ko na may tama ito sa balikat.Aktong susugurin pa ni Hendrix ang iba. Hinila ko na siya. "Sakay!" Sabi ko sa kanya. Ako ang nagmaneho ng sasakyan namin. Nakita ko na hinabol nila kami. Nakipag habulan kami sa gitna ng edsa. Pinapuputukan nila kami. Nagpapaputok din si Hendrix. Ng may madaanan kami na skinita. Ewan ko parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Niliko ko ang sasakyan ko dun. Na iwala ko ang mga humahabol sa amin. Dineretso ko ang sasakyan. Kaso dead end na ang dulo. Huminga ako ng malalim. Pagtingin ko kay Hendrix. Nanghihina na ito. "s**t! Kailangan ko siyang dalahin sa ospital." Bulong ko. Ng aktong iaatras ko ang sasakyan namin. Nakita ko na pinaiikutan na kami ng mga lalake. Napakunot ang noo ko. Pawis na pawis na ako. Lumapit sa akin ang isa sa kanila. "Mukhang naliligaw kayo miss?" Sabi nito. Tumingin ako sa kanya. Nagulat ito ng makita ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD