Chapter 17

1569 Words
" Hello kitty!" Sabi ko dito. Saka dinala sa dalawang alaga ko na aso. "Ano ba ang ipapangalan ko sayo. Dapat kapangalan ka ng nagbigay sayo para masaya." Bulong ko saka nagisip sandali. "Dahil si Hendrix ang nagbigay sayo at dahil babae ka. Dapat ang pangalan mo ay Henna. Tama ikaw na ngayon si Henna." Sabi ko. "O eto si Henna wag niyo siyang aawayin ha dapat alagaan niyo siya dahil babae siya." Sabi ko sa dalawang aso ko. Umungol naman ang dalawa. Natawa ako. Dahil wala si Hendrix ako ang nagmaneho ng kotse. "Sigurado kana ba iha? Kaya mo ba talaga magmaneho?" Tanong ni mommy sa akin. Kanina pa siya hindi mapalagay ng malaman na ako ang magmamaneho ng kotse. "Mommy wag po kayong magalala naalala ko pa po ang pagmamaneho." Sabi ko sa kanya. Totoo naman naalala ko pa talaga ang pagmaneho. Humalik na ako sa mommy ko at nagpaalam na. Huminga ito ng malalim "Magiingat ka anak." Sabi nito sa akin. "Kayo din mommy magiingat sa pagpasok sa opisina niyo. Wag masyadong magpagod. " Sabi ko dito. Tumango ito. Kumaway na ako sa kanya. Tatlong araw ako sa laguna. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ko ng biglang pumutok ang gulong ko. Nagulat ako. Dahil dun biglang may naalala ako. "Ayaw kumagat ng preno." Sabi ng babae na nasa manibela. "Na walan ng preno." Bulong ko. Nakatago ako sa likod ng upuan. Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Nagulat ako ng makita ang babae na nasa manibela. Natigilan din ito. "Sino ka? Bat nandiyan ka?" Tanong nito. Ng makita na pumunta ako sa harapan. Pero hindi ko siya inintindi. Malabo ang mukha niya. " Umalis ka diyan ako ang magmaneho magpalit tayo ng pwesto. " Sabi ko sa babae. Kahit nalilito nakipag palit ito sa akin. Pinagseatbelt ko siya. Nagulat ako ng businahan ako ng isang sasakyan. Doon lang ako bumalik sa wisyo ko. Naalala ko na lumutok nga pala ang gulong ko. Nagpapaekis ekis na ang andar ng kotse ko. Unti unti mong tinapakan ang preno. Saka ko sinadsad sa gater ang kabilang gulong. Nakahinga ako ng maluwag ng huminto ang sasakyan. Tumawag ako ng magaayos ng sasakyan ko. "Buti na lang miss. Hindi mabilis ang pagmamaneho mo." Sabi ng lalake na dumating para humila sa sasakyan ko. Pinadala ko ito sa paayusan. Ngumiti na lang ako dito. Dahil masakit pa ang ulo ko sa biglang dumating na alala sa akin. Nagpasalamat na lang ako sa lalake. Saka tinawagan si Larry at nagpasundo ako. "Loka ka talaga bakit ba nakakabit sayo ang disgrasya. Sa susunod wag la na nga magmaneho magisa ha." Sabi niya sa akin ngumiti lang ako sa kanya. "Wag mo na lang mabibigkas ito kay mommy siguradong magaalala lang yun ng husto." Sabi ko sa kanya at sumandal sa sandalan. Pumikit muna ako para mapahinga ang isipan ko. Nagising ako na nadun na kami. Maraming pinakilala sa akin si Larry. Marami din siyang paalala sa akin. Kinuhanan ako nila sa beach sa buhangin at sa cattage. Tatlong araw din kami na nag stay sa dun. Sige ang padala sa akin ng massage ni Hendrix. "Uy, mukhang nahuhulog na sayo ang fiance mo ah." Sabi ni Larry. Ngumiti lang ako sa kanya. "Pansin ko hindi na kayo nagaaway lately." Sabi nito uli. "Kasi sinusubukan kong kilalanin siya dahil kay mommy." Sabi ko sa kanya. Inabutan niya ako ng juice nasa cattage kami. "Mabait naman siya. Kahit bihira lang ngumiti. Siguro ganun talaga ang mga businessman masyadong seryoso. Sabi niya sa akin. Hindi ako umimik. Nakikita ko naman yun mabait siya maasikaso sa akin. Wala akong masabi. " Uy, natatahimik siya. Hindi na siya tumututol. Na mimiss mo din siya no? " Sabi ni Larry sa akin. " Sira. " Sabi ko dito sabay irap dito. Tumawa ito. Nang maalala ko ang alala na bumalik sa akin. Kwenento ko kay Larry. " Pero ang sabi ng mommy mo isa ka lang na sakay ng kotse mo nun." Sabi niya sa akin. Napaisip ako. ' Pero malinaw ang nakita ko." Bulong ko sa isip ko. " Haay, baka iba ang naalala mo naghalo halo lang kasi nataranta ka sa nangyari. Isang klase ng hallucination lang yun hindi alala. " Sabi ni Larry sa akin. Huminga ako ng malalim. Kinabukasan maaga pa nagempake na kami ng mga gamit namin. Uuwi na kami. Nagulat ako ng pagdating ko sa bahay nalaman ko na may sakit si mommy. " Mom, kumusta na ang pakiramdam mo? " Tanong ko dito ng puntahan ko sa silid niya ito. " Hillary, Iha. Salamat sa diyos at nakabalik ka na ligtas. " Sabi ni mommy sa akin. " Masyado kasi siyang nagalala sayo. Kaya ayan nagkasakit na. " Sabi ni tita sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni mommy. " Wag ka ng magalala okay na ako dahil nandito kana. " Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Ilang araw din na may sakit si mommy. Kaya nasa bahay lang ako. Nagpapractice. Ng umayos na ang pakiramdam ni mommy. Nagpaalam ako sa kanya. Na pupuntahan ko ang sasakyan ko sa paayusan. Nagpahatid ako sa driver namin. "Miss Hillary, buti dumating kana." Sabi ng lalake. "Actually nung nakaraan pang lingo naayos ang saaakyan mo." Sabi niya sa akin. " Pasensiya na kagagaling ko lang kasi sa photoshoot. " Sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. " Ano po ba ang problema ng sasakyan ko?" Tanong ko dito. " Bukod sa may konting leak ang langis niya may hiwa pa ang gulong mo kaya siya pumutok. " Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko. " Hiwa? " Tanong ko sa kanya. Tumango siya. " Baka may nadaanan ka na matalas na hindi mo napansin." Sabi niya. " Pero hindi basta basta nagagasgasan ang gulong ng kotse ko. Kilala ko ang klase ng gulong nito." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit alam ko yun pero alam ko na quality ang gulong ng sasakyan ko. " Actually nagtataka din ako dun. " Sabi niya sa akin. Napaisip ako. " Maliban na lang kung may lumaslas talaga ng gulong mo gamit ang pinakamatalas na bagay. Pero sino naman ang gagawa sayo nun? " Tanong nito sa akin. Napaisip ako. Ng maalala ko ang nangyari sa ospital. Natigilan ako. " Hindi kaya sumunod siya sa bahay? Pero pano saka bakit gusto niya akong patayin?" Sunod sunod na tanong ko. "Miss Hillary!" Tawag sa akin ng lalake. Napatingin ako dito. "Ahos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Tumango ako dito. Saka ngumiti sa kanya. Lumapit ako sa kanya. Saka binayaran ang bill. Nanghingi ito sa akin ng autograph Idol daw kasi ako ng anak niya. Ngumiti ako sa kanya. Saka pumirma ako sa isang calendar na kakapadala lang sa akin Larry eto ang kuha ko sa Laguna sa Actober pa sana namin ito ilalabas. Tuwang tuwa ito. Nagpaalam na ako. Ako na ang nagmaneho ng sasakyan ko. Pinasunod ko na lang ang driver namin. "Kaya pala mahina kumagat ang preno nun kasi may leak ang langis ng sasakyan." Bulong ko habang nagmamaneho. Pagdating ng gabi dumating sila Hendrix sa bahay. Kakarating niya lang daw. Nalaman niya daw ng magulang niya ang nangyari sa mommy ko kaya pumunta sila. "Kumusta ang photoshoot mo?" Tanong niya sa akin. "Ayos lang ikaw kumusta ang meeting niyo?" Tanong ko sa kanya. "Ayos lang din." Sabi niya sa akin. "May lakad kaba bukas?" Tanong niya sa akin. *Oo may binubuo ako na bagong album. " Sabi ko sa kanya. " Sige ihatid na kita bago ako pumunta sa office ko. " Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Hindi na sila nagtagal para daw makapagpahinga si mommy. Kinabukasan maaga pa gising na ako nagasikaso na ako ng sarili ko dahil susunduin ako ni Hendrix. Saktong katatapos ko lang magbihis ng kumatok si mommy sa akin. " Nandiyan na si Hendrix hinihintay ka." Sabi ni mommy sa akin. Tumango ako. " Sandali na lang mom. " Sabi ko dito nagpaalam na ito. Saktong kakatapos ko lang mmagayos ng magkagulo sila sa labas ng kwarto ko. Napalabas ako. " Anong nangyayari Tin? " Tanong ko sa katulong. " Nahulog sa hagdan si Samantha. " Sabi ni tintin. Nagulat ako sa narinig. " Ha? Nasan na siya ngayo?" Tanong ko dito. "Nandun buhat buhat ni sir Hendrix sinakay sa sasakyan niya sinugod nila sa ospital." Sabi nito uli. Napahawak ako sa dib dib ko. "Nasan si mommy? " Tanong ko kay Tintin. " Kasama po nila seniorita. " Sagot nito sa akin. Tumango ako. "Paki sabi na lang kay mom paghinanap ako pumunta na ako ng studio." Sabi ko dito tumango ito. Nagpasundo na lang ako kay Larry hindi na ako nagdrive ng kotse ko ayaw kong dagdagan ang nervous ng mommy ko. "Ang galing mo palang humawak ng guitara bakit ngayon mo lang naisugest yan. Siguradong matutuwa na naman ang mga fans mo sa bago mong pakulo." Sabi ni Lui sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Kinuha ko ang phone ko. Nakita ko ang ilang miss call at massage ni Hendrix sa akin. Napangiti ako "Sorry, hindi kota naihatid kanina.Kailangan ko kasing dalahin si Samantha sa ospital." Sabi niya. " Sorry din hindi kita masusundo ngayon nakiusap ang tita mo na sunduin ko sila ngayon. Hirap daw kasi si Samantha lumakad. Wala daw siyang mahingian ng tulong. Kaya hindi ako nakahindi. " Sabi niya sa massage niya. Na lungkot ako pero
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD