"Hindi siguro alam ni lolo na mahilig din ako sa mga hayop." Sabi ko na lang.
" Hindi kasi halata. " Sabi naman niya. Inis na tiningnan ko siya.
" Hindi kasi porket walang alagang hayop hindi na mahilig sa hayop. Hindi ba pwedeng sabihin na wala lang time. Hectic ang schedule ko kaya hindi ako nagaalaga ng hayop. Pero mahilig ako sa hayop. " Inis na sabi ko sa kanya.
" Really?" Sabi niya na nakataas pa ang kilay.
" Really. " Sabi ko naman sa kanya na nagpipigil ng inis.
" So what's kind of animal do you want to take care of ? " Tanong niya sa akin.
" Pusa or pwede ding daga. " Sabi ko sa inis ko sa kanya. Saka iniwan ko siya. Nang makita na kami na lang ang naroon nasa sala na sila mommy.
Naupo ako sa tabi ni mommy.
" Kumusta na ang pakiramdam mo iha? " Tanong sa akin ng mommy ni Hendrix.
" Ayos naman po. " Sagot ko sa kanya.
" Pasensiya kana ngayon lang kami nakabisita sayo uli kasi Hectic ang schedule namin nitong nakaraang araw. Lalo na si Hendrix. Pero nangako siya na babawi siya sayo. " Sabi uli nito. Ngumiti na lang ako.
" Kahit hindi na. Mas ayos pa nga sa akin na hindi magpakita ang anak niyo sa akin. Kesa nandito siya sa paligid ko. Na bwibwisit lang ako." Bulong ko sa isip ko. Ewan ko ba naiinis ako sa kanya. Wala naman siyang ginagawa sa akin. Nayayabangan kasi ako sa kanya.
" Don't worry ma ipapaayos ko ang schedule ko sa assistant ko sa susunod na lingo para masamahan ko si Hillary.Baka kasi nagtatampo na siya sa akin dahil wala akong time sa kanya. " Sabi niya. Inis na tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
" Nang aasar ba siya sa akin. Hindi ba halata na ayaw ko sa kanya o sadyang manhid lang siya." Inis na bulong ko sa isip ko. Saka inirapan ko siya.
Natawa lang naman ang gago. Kainis talaga.
"Maganda yan iho, para naman magkakilala kayo ng maigi ni Hillary." Sabi naman ni mommy.
"Bakit hindi ba kami magkakilala mom?" Inis na tanong ko kay mommy.
"Iha, alam namin na magkakilala na kayo ni Hendrix. Ang ibig sabihin ng mommy mas makilala niyo ang isat isa bago kayo ikasal. " Sabi ng mommy ni Hendrix. Muntik na ako masamid ng sarili kong laway sa salitang kasal. Hindi na lang ako umimik.
" Talaga bang ikakasal ako sa mayabang na yan? " Bulong ko sa isip ko. Hindi na ako umimik nakinig na lang ako sa usapan nila ng mapunta ito sa negosyo. Maya maya tumunog ang Cellphone ko.
Nag excuse ako sa kanila. Nagtataka na tiningnan ko ang pangalan na nasa screen. Hindi ko ito kilala.
" Hello? " Sagot ko.
" Hillary! Sa wakas sumagot ka naring.Bruha ka! " Tili nito. Napatingin ako ulit ako sa screen. Manager Larry ang nakalagay.
"Bakla pala siya." Bulong ko sa isip ko.
"Sabi ng assistant ng mommy mo nag out of town daw kayo ng mommy mo. Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin nung nasa Buracay tayo na may balak pala kayo ng mommy mo na mag out of town no. Nababaliw na tuloy ako sa kakaisip kung kailan mo balak i launch ang bago mong lingeries.
Ayos na ang mga magazine nito
Ang ganda ng mga kuha mo. Siguradong pagkakaguluhan ito sa Market. " Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
" Launch? Anong Launch? " Tanong ko sa isip ko.
" Ahhm, pagiisipan ko muna yan. Tatawag na lang ako sayo pag ready na ako." Sabi ko sa kanya saka nagpaalam na ako.
" Teka may isa ka pang problema si Lui tawag na ng tawag ilalabas na daw ang bago mong album. Hindi daw nila mailabas kasi hindi ka nila macontact. Isa pa no ang dami ng tumatawag sa akin tungkol sa mga pina schedule mong mga interview. Kailan ka daw libre at pwede nilang mainterview? " Tanong uli nito. Mas lalo akong nalito sa tanong niya.
" Interview? Album? Ano yung mga yun? " Tanong ko sa isip ko.
" Hey! Nandiyan ka paba? " Tanong niya uli sa akin.
" Oo. Tatawag na lang ako sayo Larry kailangan ko ng ibaba. May bisita kasi kami pasensiya na tawag na lang ako mamaya. " Sabi ko sa kanya.
" Sino? Ang fiance mo ba?" Kinikilig na tanong nito. Napaisip ako.
" Siguro close kami nito kasi alam niya ang tungkol kay Hendrix. " Bulong ko sa isip ko.
" Oo," Sagot ko na lang tumili ito.
" Kaya pala mainit na naman ang ulo mo. Sige bumalik kana dun. Basta tatawag ka sa akin mamaya ha? Hihintayin ko ang tawag mo. " Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Nakahinga ako ng patayin niya ang tawag. Napahilot ako sa ulo ko.
" M... May problema ba? " Tanong ni Hendrix na ikinagulat ko. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako.
" W.. Wala tumawag lang sa akin ang manager ko." Sabi ko na lang sa kanya. Tinitigan niya ako.
" Buti naalala mo siya. Sabi ng mommy mo wala kang naalala. " Sabi niya sa akin. Habang pinagmamasdan niya ako. Inis na tiningnan ko siya.
" Wala naman talaga. Kaya ko lang nalaman na manager ko siya kasi yun ang nakalagay sa phone ko. " Inis na sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat siya saka bumalik na sa loob. Ewan ko ba pakiramdam ko pinagaaralan niya ang kilos ko.
"Iniisip niya ba na nagpapangap lang ako na walang naaalala?" Bulong ko sa isip ko. Napailing na lang ako tinawag ko ang dalawang aso saka pumasok na sa loob.
Kanina pa ako nasa harap ng laptop ko. Hindi ko ito mabuksan hindi ko maalala ang password ko.
Kanina ko pa hinuhulaan pero puro mali ang hula ko.
"Hindi na ako pwedeng magkamali kundi matatagalan pa bago ko pwedeng buksan uli siya.
Baka tumawag na sa akin si Larry." Bulong ko. Saka nagisip ako. Ng may maalala akong sinabi sa akin ang mommy ko. Nag type uli ako.
" Huli ka!" Sabi ko ng mabuksan ko ito. Napangiti ako.
" Siguro matalino din ako nung nagaaral pa ako." Bulong ko sa isip ko.Saka kinalikot ko ang mga picture ko. Pati ang mga social media ko.
" Sikat na sikat nga ako. Pati ang business ko. " Bulong ko sa isip ko. Close nga kami ng Larry na ito. Kasi lagi ko siyang kasama sa mga picture. " Bulong ko uli sa isip ko. Nagbukas ako ng messenger ko tinawagan ko siya.
"Oh, ano na ang napagusapan niyo? Ikakasal kana ba? Magpapagawa na ba ako ng gown ko?" Tanong nito. Tiningnan ko siya ng masama. Tumawa ito ng malakas.
"Joke lang pikon ka na naman." Sabi niya habang tawa ng tawa. Nagseryoso ito ng ikwento ko ang nangyari sa akin. Mas lalong nataranta ito ng malaman na may Temporary amnesia ako.
"Ay loka loka, kaya pala kanina parang iniiwasan mo ako. Gusto ko na tuloy magtampo sayo. Yun pala hindi mo ako nakikilala. " Sabi niya. Nanghingi ako ng sorry sa kanya.
" Don't worry akong bahala sayo. " Sabi niya sa akin.
" Pupuntahan kita diyan sa bahay mo. Para alalayan ka na bumalik ang alala mo. " Sabi niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya. Kung ano ano pa ang mga pinayo niya sa akin. Para bumalik ang alala ako. Tango lang ako ng tango sa kanya. Ng magpaalam siya sa akin. Napatingin ako sa malaking frame na nasa uluhan ng kama ko.
" Kaya pala ang ganda ganda ko dito. Kasi sikat na sikat pala ako talaga. Hindi nakakapagtaka na inilihim ni mommy ang nangyari sa akin. Ayaw niya lang dumugin ako ng mga media. " Bulong ko sa isip ko. Nilibot ko ang paningin ko sa silid ko. Nakita ko ang isang kabinet tiningnan ko ang laman mga plake at kung ano ano pang mga award ang nakalagay dun.
" Sabi ko na nga matalino ako. " Bulong ko sa isip ko.
Kinabukasan maaga pa gising na ako. Balak ko libutin ang bahay.
" Sabi nila singer ako at may sarili akong studio company. Ibig sabihin may roon akong sariling studio dito sa bahay na pinagpapractisan ko. " Bulong ko sa isip ko.
" Oh, Iha gising kana pala? May hinahanap ka ba? " Tanong ni Tita sa akin. Ngumiti ako dito.
" Gusto ko lang malaman kung may sarili akong studio dito sa bahay? " Tanong ko sa kanya.
" Ay, oo iha. Deretsuhin mo lang ang hallway na yan sa tabi ng Gym ang maliit na studio mo. Doon ka nagpapractice ng mga kanta mo pag nandito ka sa bahay. Magpapractice kaba?' Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Saka nagpasalamat sa kanya at nagpaalam na. Tumango na lang siya saka tiningnan ang dalawang aso na nasa tabi ko.
"Kaya pala wala na sa kulungan ang dalawang yan kasama mo pala. Buti umamo sayo ang mga yan?" Sabi niya sa akin.