Chapter 8

1278 Words
*** KANE POV#*** Ng matapos akong magasikaso ng sarili ko bumaba na ako. Nakita ako ng katulong. "Seniorita Hillary nasa dining area na po sila." Sabi niya sa akin. Hinatid niya ako sa dining area. "Oh, Iha halika na maupo kana dito. Akala ko magpapahatid ka lang sa room mo ng pagkain." Sabi ni Mommy sa akin. "Hindi na ma, masakit na ang likod ko sa kahihiga." Sabi ko sa kanya. Natawa siya. "Buti naman at naisip mo rin yan. Dati gustong gusto mo ang maglagi sa silid mo. Kahit anong aya ko sayo na lumabas lagi ka lang may dahilan. Hindi nanakit ang likod mo sa kahihiga sa kama mo pag nandito ka." Sabi niya sa akin. Napaisip ako dahil parang hindi ko kakayanin yun. Nagsimula na kaming kumain. Nasa kalahati na ako ng pagkain ng matigilan ako. Napatingin ako kay mommy. "May problema po ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Wala anak kumain ka lang. May naalala lang ako na tao." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Magana akong kumain. "Mukhang na miss ni Hillary ang luto mo manang. Ngayon lang naparami ang kain niya." Sabi ni Tita sa kusinera napatingin ako sa kanila. " Maganda nga yun. Hindi rin ako sangayon sa diet diet niya na yun. Hindi naman siya mataba para mag diet. Tama lang naman ang katawan niya." Sabi ni mommy. Ngumiti na lang ako sa kanila. Saka nagpaalam na maglalakad lakad lang ako sa hardin. Sa likod ako dumaan. Nagulat ang mga katulong sa akin. Binati ko sila. Nagkatinginan na lang sila. Lalo na ng maupo ako katabi ni Dayday. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila. "Ah, Naghihimay ng gabi. Ibibilad namin para iluto ni manang bukas." Sagot ni Dayday sa akin. "Magluluto siya ng laing masarap yun tapos parisan niya kamo ng daing na bangus yung boneless." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. "E di po ba hindi kayo nakain ng gabi dahil natatakot kayo na mangati." Sabi ni Dayday sa akin. Napaisip ako. Pero naalala ko pa ang lasa ng laing isa ngayun sa gusto kong gulay. "Ah, Nakakain kasi ako sa ospital binigyan ako ng isang nurse na naging ka close ko. Masarap ang pagkakaluto niya kaya nagustuhan kona yan mula nun. " Pagsisinungaling ko. " Ah ganun po ba. Naku kung matitikman niyo po ang luto ni manang siguradong magugustuhan niyo po masarap po magluto ng laing si manang." Sabi ng isang katulong. " Talaga? Matikman nga bukas. " Sabi ko sa kanila. Napangiti sila. " Siguradong magugulat si manang pag nalaman niya po na gusto niyo long tikman ang laing niya." Sabi ni Dayday. " Sige sabihin niyo sa kanya parisan niya ng daing na bangus ha." Sabi ko sa kanila. Tuwang tuwa na nagsitango sila. Nagpaalam na ako sa kanila. Paglabas ko umikot ako sa gilid ng bahay. Nakita ko ang swimming pool. Napaka laki nito. May maliit sa gilid. " Kung hindi ako nagkakamali jacuzzi yan." Bulong ko sa isip ko.Paglingon ko sa gilid nakita ko ang nakapaikot na sofa nasa gitna ang mahabang mesa nasa sulok ang mga ihawan. Nakarinig ako ng kahol ng aso. Kaya napalingon ako. "May mga aso sila dito?" Tanong ko. Naglakad ako papunta doon. Nakita ko ang isang aso na nakakulong. Nag ngusngus ito ng makita ako. "Hello! Bakit nakakulong ka diyan siguro nangungulit ka sa kanila no kaya ka kinulong?" Sabi ko saka lumuhod at nilusot ko ang kamay ko sa rehas saka hinimas siya. Dinilaan naman niya ang kamay ko. "Naku seniorita, Baka makagat po kayo!" Sabi ng isang lalake na dumating. Napalingon ako sa kanya. Napakunot ang noo ko. "Sino ka bakit mo kinulong ang aso?" Tanong ko sa kanya. "Ako po si Noel hardinero po ako dito seniorita. Kinulong ko po ang mga aso kasi po natatakot si Samantha sa kanila kaya po pinakulong ni sir George." Sabi nito. Napaisip ako kung sino si Samantha naalala ko yung anak ni Tita na mahiyain. Napatango ako. "Pero hindi naman sila matatapang na aso mga frienly nga sila eh." Sabi ko dito. "Ay opo sinanay po kasi sila ng lolo niyo sa tao kaya po hindi sila matatapang." Sabi niya napatingin ako sa kanya. "Kay lolo aso ang mga ito?" Tanong ko sa kanya. "Opo, Dati po kasi nasa silid lang sila ng lolo niyo kung nasan mo ang lolo niyo nandun sila kaso ng mamatay ang lolo niyo gumagala na po sila dito sa bahay." Napatango ako. Siguro hindi ko din sila maasikaso kasi sabi nga ni mommy bihira lang din ako dito sa bahay. "Ganito na lang Noel pakawalan mo na lang sila ako na ang bahala sa kanila." Sabi ko sa kanya. " Sigurado po kayo seniorita? " Tanong ni Noel sa akin. Tumango ako sa kanya. Nagaalanganin na tumango na lang siya sa akin saka pinakawalan ang dalawang aso. " Anong lahi sila Noel? " Tanong ko sa kanya kasi nagulat ako ang lalake kasi nila "French mastiff po ang lahi nila." Sabi ni Noel. Lumapit ang mga ito sa akin saka pinagdidilaan ang mukha ko. Tawa ako ng tawa habang umiiwas ako sa kanila. "Hindi ko alam na mahilig ka pala aso." Sabi ng isang tinig na nagmula sa likod ko. Napalingon ako dito. Nagtakbuhan ang mga aso sa kanya.Napakunot ang noo ko. Hinimas niya ang mga ulo ng mga ito. Tumayo ako napatingin ako sa kanya. Mukhang sanay na sanay sa kanya ang mga aso." Bulong ko sa isip ko. "Matagal na ngayon mo lang alam." Sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. "Sorry, hindi nabigkas ng lolo mo at ng mommy mo na mahilig ka sa aso." Sabi niya sa akin. "Noel anong pangalan nila?" Bulong ko kay Noel. "This is Loki and this is Dash." Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tinawag ko ang dalawang aso. Lumapit ang mga ito sa aklin. Naglakad na ako papasok ng bahay. " Bakit narito ka? " Tanong ko sa kanya. " Why? " Tanong niya rin sa akin. Napakunot ang noo ko. " Anong why ka diyan?" Inis na tanong ko sa kanya. "Bakit masama bang bisitahin ko ang fiance ko?" Tanong niya rin sa akin. Babarahin ko sana siya kaso biglang may nagsalita sa likod namin. "Ahhm. Seniorita H... Hillary hinahanap na po kayo ng mommy niyo." Sabi ng boses babae. Sabay kaming napalingon dito. Nakita ko si Samantha na nakayuko. "Ok na Samantha sabihin mo papunta na kami." Sabi niya dito. Nahihiya na tumingin ito kay Hendrix. Magsasalita sana ito kaso biglang umungol ang mga aso na nasa tabi ko. Napatingin ito sa dalawang aso. Hintakot na napahawak ito sa braso ni Hendrix at nagsik sik dito. Na wala ang hiya nito. Napatingin na lang ako dito. Pinakalma naman ni Hendrix ang mga aso. Pero galit parin ang mga ito. Kaya hinimas ko ang mga aso saka nauna ng maglakad kasama ang mga aso. "Oh, heto na pala sila." Sabi ng mommy ni Hendrix. "Hindi ko alam na mahilig karin pala sa aso Iha. Mukhang magkakasundo nga talaga kayo ni Hendrix dahil mahilig din yan sa aso. Katunayan ang dami niyang alagang aso sa bahay." Sabi ng mommy niya. Hindi na lang ako umimik hinimas ko na lang ang ulo ng mga aso. Naptingin sa akin si mommy. " Lagi kaming magkasama ni lolo Enrique but he didn't tell me that. " Sabi ni Hendrix. Saka tiningnan ako.Hindi ko siya pinansin pinagpatuloy ko lang ang pahimas ko sa mga aso " Or maybe. He didn't know iether." Sabi niya uli. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko na titig na titig siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD