"Kane! Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Biboy.
"Hindi mo ba nakikita naglalaba ako Gago!" Sabi ko dito saka binuhusan ng tubig ang plangana.
"Wow! Marunong ka pala niyan." Sabi ni Nitoy.
"Alam mo kayo, mabuti pa igiban niyo na lang ako ng matapos na ako." Sabi ko sa kanila. Saka binigay sa kanila ang mga balde. Kaya kakamot kamot sa ulo ang mga ito na kinuha ang mga balde. Yung dalawa ang tagabuhat papunta sa akin si Biboy ang taga bomba sa poso.
Mabilis akong natapos sa paglalaba ko.
sa bahay na nagsikain ang mga ito ng tanghalian.
" Wala ba kayong mga lakad at nandito kayo sa bahay ngayon?" Tanong ni Papa sa kanila.
" Wala po. may operation linis po ang mga parak ngayon sa palengke." Sagot ni Biboy kaya nanood na lang sila ng TV sa lumang TV namin.
"Kane! Punta tayo mamayang Gabi sa Casino." Bulong sa akin ni Nitoy. Napakunot ang noo ko.
" Hindi ako marunong nun." Sagot ko dito.
"Wag kang magalala tuturuan ka namin. Yakang yaka mo yun." Sabi nito sa akin. Napatingin ako dito. Pagdating ng gabi papunta na kami sa Casino. Mga naka formal na damit kami.
" Putcha para ka palang Milyonaryo kapag nakaporma ka Nitoy." Sabi ni Biboy. Natawa ako sa itsura nila. Ako naman nahihirapan ako sa suot ko.
" Ang ganda mo Kane para kang anak ng mayaman. " Inirapan ko sila.
" Saan niyo ba nakuha tong mga suot natin? " Tanong ko sa kanila. Habang naglalagay ako ng liptint saka face powder sa mukha.
" Sa kakilala naming may ukay ukay. Yan naman kay Venus na nasa kabilang iskinita." Sabi ni Biboy sa akin habang inaayos niya ang Boots na hiniram nila din. Kailangan kasi naka formal na damit ka kundi hind ka papasukin.
Pumasok kami sa loob binati pa kami ng guard. Natawa ako ng hawakan ni Nonoy ang kamay ko at nilagay sa braso niya.
Pagpasok namin sa loob nakita ko na ibat ibang lamesa ang naroon puno din ng tao mga sosyal nga lang. Umikot kami. Kumuha ng maiinom sila Nitoy sa nagiikot na waiter binigay sa akin ang ladies drink. Bawat pinupuntahan naming lamesa pinapaliwanag nila sa akin kung paano ang laro na yun.
Maya maya pinaupo na nila ako. Hindi ko alam kung saan sila nakakuha ng mga chip's na ginamit namin pangtaya.
Nung una draw ang laban namin sumunod sunod sunod na ang kabig namin. Tuwang tuwa sila Biboy. Sige na ang kain ni Nitoy sa dala ng waiter. Nakuha ko na ang balasa ng dealer. nahuhulaan ko kung ano ang hawak nitong baraha. Kaya ng lumabas kami ng Casino tiba tiba na naman kami
"Sabi ko na nga ba yakang yaka mo yun." Sabi ni Nitoy sa akin.
"Saan kayo nakakuha ng puhunan?" Tanong ko sa kanila.
"Nanghiram kami sa cashier."
Sabi ni Biboy.
"Ang lakas ng loob niyo pano kung natalo tayo. Saan kayo kukuha ng pambayad?" Tanong ko sa kanila. Nasa isang fast food kami kumakain. Madaling araw na kasi ng lumabas kami.
"May tiwala kami sa kakayahan mo e." Sabi niti inirapan ko sila nagtawanan lang sila. Dinalahan ko si Papa ng Burger at spaghetti. Tuwang tuwa sila habang nakasakay kami sa Taxi pauwi.
Kinawilihan namin ang pagpunta sa Casino lagi kaming tiba tiba pag uwi namin. Tuwang tuwa ako kasi kunti na lang mapupuno ko na ang alkansiya ko. Pagbalik namin nakita ko na iba na ang dealer bata pa ito halos hindi nagkakalayo ang idad namin at mukhang sanay na sanay. Pero hindi ko siya inurungan. Ilang beses kaming naging draw. Hundi ko siya matalo kasi paiba iba ang balasa niya sa baraha. Pero hindi niya rin ako matalo halos kaming dalawa na lang ang naglalaban sa lamesa. Umurong na ang iba hang sa matapos kaming maglaban nagsasalitan lang kami. Inabot na kami ng pagsara ng Casino. Pero panalo parin ako maliit nga lang.
Kaya umuwi kami na kunti lang ang kinita.
"Grabee ang laban niyo ng dealer." Sabi ni Nonoy.
"Ang galing ng dealer nila ngayon." Sabi naman ni Nitoy.
"Dahil yun ang may ari ng casino. Si Hendrix Collins." Sabi namam ni Biboy. Napalingon ako dito.
" Bata pa pala ang may ari ng Casino." Sabi ko dito.
" Oo siya ang batang bata na Business tycoon sa buong mundo." Sabi ni Nitoy.
" Pano mo naman nalaman? " Tanong ni Nonoy dito.
" Nabasa ko sa isang Magazine. Nagtitinda kasi nun ang katabi ko sa palengke." Sabi nito sa amin. Tumango sila.
"Pero pano mo naman nalaman na siya ang may ari?" Tanong ni Biboy.
"Dahil kilala siya ng ibang manlalaro."Sabi uli nito. Napaisip ako.
"Naku ibig sabihin lang niyan Kane mahihirapan na tayo sa susunod dahil siguradong siya parin ang haharap sayo." Sabi ni Nitoy.
"E kung sa iba kaya tayo sa susunod." Sabi ni Nonoy.
Kaya sa iba naman kami pumunta kaso hindi kami pinapapasok hinahanapan kami ng kung ano ano. Kaya nasiro kami.
KINABUKASAN balik kami sa tambayan namin.
maya maya kinalabit ako ni Binoy may nginuso sa akin. Pagtingin ko nakita ko ang isang lalake na nakatalikod. Ang kapal ng bulsa nito. Mukhang mayaman. Nagkatinginan kami nila Biboy. Tumayo na kami Kagaya ng dati ginitgit ito nila Biboy saka ako lumapit sabay dukot sa wallet niya at mabilis na hinagis ko kay nitoy na nagtitinda. Hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa kamay ko. Kaya napalingon ako. Pagtingin ko nagtama ang mga mata namin. Napakunot ang noo ko.
" Ikaw na naman!" Sabay naming sabi. Parehas nakakunot ang noo namin.
"Bakit mo hawak ang kamay ko?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo kinuha ang wallet ko?" Tanong din niya sa akin. Lalong kumunot ang noo ko.
"Ahh. Dito ka hindi mananalo sa akin." Bulong ko sa isip ko.
"Anong wallet ang sinasabi mo diyan?" Pagsisinungaling ko.
" Wag ka ng magmamaangmangan pa. " Sabi nito at dinala na ako.
" Ngayon wala na kayong lusot. " Sabi ni Kaius ng makita na hawak ako ni Hendrix. Pinaupo ako nito sa harap ng imbistigador. Pag tingjn ko nandun narin sila Biboy bugbog sarado na ang mga ito.Inis na tiningnan ko si Hendrix.
"Bakit mo sila pinabugbog?" Tanong ko sa kanya.
" Dahil kasabwat mo sila. " Sabi niya.
" Alam mo wala kang karapatan na manakit ng tao hangat hindi mo napapatunayan na may nagawa siyang pagkakasala sayo." Sabi ko dito.Ngumise siya.
" Ano ang kasalanan namin sayo? " Tanong ko dito .
" Kinuha niyo ang wallet ko hindi pa ba kasalanan sayo yun? " Sabi nito sa akin.
" May patunay ka na kinuha namin ang wallet mo?" Tanong ko sa kanya." Galit na galit na tanong ko sa kanya.
" May nakakita sa inyo. Nakita kayo ng tauhan ko."
Sabi niya sa akin. Tumawa ako dito.
" Sabi ng tauhan mo. Hoy! Mr hindi ka pwedeng manakit dahil sinabi lang sayo. Kung may batas na nagsasabing pwede mong saktan ang tao kapag may nagsabi sayo na may kasalanan siyang ginawa sayo. Ibig sabihin pwede ko ng saktan ang mga kapitbahay naming marites. " Sabi ko dito.
" Haays ang dami mong sinasabi ilabas niyo na ang wallet ko." Sabi niya sa akin.
" Anong wallet nga ang sinasabi mo diyan?" Sabi ko sa kanya.
" Yung wallet na dinukot mo sa akin." Sabi niya sa akin.
" Wala akong dinudukot sayo. Ikaw tong bigla na lang nanghihila.Kaya dapat ikaw ang ireklamo ko." Mataray sa sabi ko sa kanya.
" Officer kapkapan niyo po siya. " Sabi niya sa officer.
" Sige kapkapan niyo ako. Gusto mo maghubad pa ako dito e. Pero pag wala kayong nakita sa akin gusto kong ikulong niyo ang lalaking yan dahil harassment ang ginawa niya sa akin. Bakit bigla na lang niya akong kakaladkarin papunta dito. " Sabi ko sa kanila. Napakunot ang noo niya. Umakto akong maghuhubad. Naalarma ang mga pulis.
"Hindi mo kailangan maghubad kakapkapan ka lang namin miss." Sabi ng isang babaeng pulis.
Tumayo ako ng tuwid.
"Sige kapkapan niyo ako." Sabi ko sa kanila.
Kinapkapan ako ng babaeng pulis. Nakataas ang kilay ko na nakatingin ako sa kanya.
"Walang wallet siyang dala." Sabi ng officer.
"O, ano ngayon. Ako ngayon ang magrereklamo laban sayo." Sabi ko sa kanya.
"Nakita ka ng tauhan ko ng dukutin mo ang wallet ko." Sabi niya.
"Tauhan mo ang nakakita. Malay ko kung gawa gawa mo lang yun dahil inis ka sa akin." Sabi ko sa kanya. Inis na tiningnan niya ako.
" Bakit naman maiinis sayo si Mr Hendrix? " Tanong ni Kaius.
" Dahil ilang beses kong pinataob ang dealer niya sa Casino niya. " Sabi ko dito.
" Nagpunta ka sa Casino niya? " Tanong uli ni Kaius.
" Oo sinubukan kong maglaro doon at napataob ko ang dealer niya sa isang lamesa. " Sabi ko. Hindi makapaniwala si Kaius.
" Hindi totoo yan. Wala akong pakialam dun dahil natural lang na nangyayari yun." Sabi ni Hendrix.Napataas ang kilay ko.
" Ow, kaya pala ikaw na ang nagdealer sa akin ng huling punta ko dun. " Sabi ko uli. Umiwas siya ng tingin.
" Baka ikaw ang may galit sa akin. Kaya binalak niyong dukutin ang wallet ko at Nakilala niyo ako alam niyo na marami akong pera kaya dinukot niyo ang wallet ko." Sabi niya tumawa ako.
" Kung dinukot namin ang wallet mo. Kagaya ng sinasabi mo bakit wala ang wallet mo sa amin . Samantalang hindi pa nga kami nakakaalis sa lugar kung nasaan ka." Sabi ko sa kanya.
" Malay ko baka may kasabwat kayo na nasa paligid at binigay niyo doon ang wallet ko. " Sabi niya uli lalo akong tumawa.
" Ang hilig mong gumawa ng kwento. Kanina sabi mo nakita ng tauhan mo na dinukot ko ang wllet mo. Ngayon naman may kasabwat kami sa paligid. Kung nakita ng tauhan mo na dinukot ko ang wallet bakit hindi niya nakita kung kanino ko binigay ang wallet mo? " Sabi ko uli sa kanya. Hindi siya nakasagot. Kaya ang nangyari abswelto kami at nagbayad pa siya sa amin dahil saginawa niyang pambubogbog sa mga kaibigan ko at panghaharass sa akin.Tawa ng tawa dila Biboy.
" Ang talino mo talaga Kane. Bilib na talaga ako sa utak mo. Kahit yung mayaman na si Hendrix hindi nanalo sayo. " Sabi ni nonoy na puro pasa ang mukha.
" Ang dami ng pera ng loko. " Sabi ko habang kinakalikot ang wallet niya. Binigay ko ang parte nila saka kinuha ko ang wallet niya.Tinago ko ito.
"Magiingat ka anak. Malalaking tao na ang nakakabangga mo." Sabi ni Papa sa akin. Kinabahan siya ng ikwento ko ang nangyari.
"Haay, wag po kayong magaalala Papa. Nagiingat naman po ako." Sabi ko sa kanya. Huminga na lang ito ng malalim.
Kinagabihan may Gig na naman sila Nitoy sinama na naman nila ako. isa itong Fiesta kaya marami kaming dalang pagkain paguwi namin mga lasing pa kami.
" Ang galing mo din pala kumanta Kane." Sabi ni Nonoy.
" Syempre dahil magaling din kumanta ang Papa ko." Sabi ko sa kanila.
" Oh, Si manong Miguel kumakanta? " Tanong nila.
" Oo no, Hindi niyo pa naririnig ang boses ni Papa. Maganda ang boses niya. Siya nga ang nagturo sa akin mag guitara. " Sabi ko sa kanila.
" Talaga lang ah. Masubukan nga si manong Miguel minsan. " Sabi ni Nitoy.
Kinabukasan nasa bahay sila kinukulit nila si Papa na kumanta at humawak ng guitara. Kaya pinagbigyan sila nito. Napangiti ako ng humanga sila dito.
" Manong bakit hindi kayo sumali sa Banda. Alam niyo naman pala tumugtog ng instrument? " Tanong nila dito. Hindi ito umimik. Dati ko narin tinanong sa kanya yan nung turuan niya akong mag guitara. Sa totoo lang siya din ang pumipigil sa akin na sumali sa mga contest.
" Oo nga manong Miguel kung nagkataon baka isa ka ngayong sikat na Vocalist." Sabi ni Nitoy. Tumawa lang ito.May itsura kasi si Papa. Marami nga ang nagsasabi na kamukhang kamukha ko daw ang Papa ko kaya iniisip ko kung ano kaya ang itsura ng Mama ko. Ni minsan hindi siya nagkwento ng tungkol kay Mama. Noon nagtatanong ako tungkol kay Mama pero pilit niyang iniiwasan ito. Pero ngayon tangap kona na ayaw niyang pagusapan namin si Mama kaya binaon ko narin sa limot ang mga tanong ko tungkol sa kanya. Para sa akin siguro kinalimutan niya narin kami dahil kung importante kami sa kanya hinanap niya kami. Kaya dapat ko narin siyang kalimutan tutal sapat na sa akin ang Papa ko. Masaya ako sa piling ng Papa ko.