Hindi nakatulong sa akin ang pagkain ng kato --- pinabilog ka kamote na pinalamanan ng karne --- upang gumaan ang kalooban ko. Nainis pa rin ako sa naging usapan namin ni Hamish. Ni hindi ko nga pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa kahabaan ng daan kung saan nakatayo ang hanay ng mga kubol, sa harapan ng mga gusali't kabahayan. Malayo ang aking tingin na tila aabot iyon sa palasyo kung saan naroon si Hamish. Kahit ang ingay ng mga tao'y walang nagawa para mabaling ang isipan ko sa iba. Laman pa rin ng isipan ko ang prinsipe na iyon. "Ano bang problema mo Kenyon?" ang naitanong ni Nip sa pag-upo namin sa mahabang kahoy na upuan sa tabi ng daan. Sa likuran namin ay ang kakahuyan. "Pinadala ka nga ni tatay dito para malibang ka pagkatapos wala ka pa rin sa katinuan." Hindi ko pinansin