Muli kong iniyuko ang aking ulo para sa hari. "Maraming salamat po," ang sabi ko kapagkuwan ay sinundan si Hamish. Nadatnan ko siyang mabagal na naglalakad sa pasilyo habang pinupunasan ng panyo ang hinubad na maskara. Pagkalapit ko sa kaniyang kanan, muli niyang sinuot ang maskara pagkatapos ay sinuksok ang panyo sa bulsa ng pantalon. "Hindi porke't mabait ang ama ko sa iyo magiging mabait din ako sa iyo," aniya pa sa akin. Tiningnan ko lang siya sabay sabing, "Hindi ko kailangan ang kabaitan mo. Ang mahalaga'y makakapag-ikot ako sa palasyo." Inunahan ko siya sa paghakbang dahil ako ay nakakaramdam ng kagalakan. Malimit kong naitatanong kung paano nagawa ang isang palasyo sa tuwing makikita ko ito sa palabas. Iba pa rin iyong nakikita ng mata ko mismo ang loob nito. Ang kasama ko pa a