"Mula sa siya sa hanay ng pamilya ni Henrik sa mga oso, mahal na hari," ang sabi naman ng ginang sa pagtayo nito sa tabi ng hari. Hindi na ako nagtaka sa nasabi nito, maging ito'y ganoon ang alam sa binuong kuwento ng ginoo. Matapos na marinig ng mga dugong bughaw ang sinabi nito'y binalik ng mga ito ang tingin sa pagkain sa kawalan ng interes sa akin. "Kaya naman pala," anang hari na binaling ang atensiyon sa akin. "Anong pangalan mo bata?" ang tanong nito sa akin. Nakayuko lamang ang aking ulo ng bahagya. "Kenyon po, mahal na hari," ang sinagot ko rito. "Tila narinig ko na ang pangalan mo," ang nasabi ng hari sa paghawak nito sa kutsara. Pakiramdam ko tuloy mabubuko ako nito kaagad. Doon ko napagtantong wala nga pala akong sariling plano kapag nabunyag na ang lahat. Ang naisip ko ay b