Nagising ako sa sumunod na araw na hindi alam kung paano nakauwi. Nahanap ko ang aking sarili na nakahiga sa kamang binigay para sa akin sa bahay nina Nip. Kaya naitanong ko sa kaniya ko kung dinala niya ako roon ngunit ang naging sagot niya ay hindi at dagdag pa niya ay nauna ako sa bahay. Hinanap niya pa nga ako bago napagpasyahang umuwi na rin. Kaya nga naisip ko na si Hamish ang nag-uwi sa akin matapos niyang pagsamantalahan ang aking kahinaan. Minabuti ko na kausapin siya kaya sumama ako kina Nip at ginoo sa paghatid ng ani sa palasyo bilang pasasalamat ng pamilya nila sa hari. Inaabangan ko pa nga si Hamish na makita sa daan sa loob ng kabisera sa pagtungo namin sa palasyo ngunit hindi ko siya nakita. Si Letloy naman ay hindi ko nakita pa. Nais ko sanang itanong sa ginoo ngunit b